C H A P T E R 36

65 1 0
                                    

Althea's POV

Yehey! Mag-gagala kami nila mommy at daddy!

"Are you excited baby Althea?" Tanong sa akin ni lola Jasmine.

Nasa garden kami at naglalaro ni lola Jasmine. Ang ganda ni lola, kamukha nya talaga si mommy ko, uh uh.

Tango tango ako sa aking isipan.

I giggled at pumalakpak sa tuwa na nakatingin kay lola. "Opo lola! I'm really excited po... Matagal na rin po kasi simula noong nag-hangout kami nila mommy Justine."

Ngumiti na parang kinikilig at tumango tango si lola na ikinataka ko.

Bakit ganun ang reaksyon si lola?

"Halika na apo at kumain na muna tayo ng meryenda habang hinihintay natin sila daddy mo." At hinawakan ang kamay ko papunta sa mesa na may nakahanda na meryenda at paborito ko ito.

Napangiti ako ng malapad ng makita ito. Ang paboritong kong pancake na kulay green ang kulay. Ganito rin ang niluto para sa akin ni daddy dati.

Sabi nya, paborito rin ito ni mommy Justine. Matcha pancake daw ang pangalan nito kaya ganun ang kulay. Ito daw kasi ang nakikita nya na kinakain ni mommy basta ang flavor ay matcha.

Kaya sinubukan ko rin at nagustuhan ko ang lasa, kaya pala paborito ni mommy ang matcha kasi masarap pero wish ko na lutuan din ako ni mommy ng ganito at malaman ang mga paborito nyang pagkain.

"Wow! My favorite!" Excited kong sabi at umupo sa upuan.

Nakangiti na pinagmamasdan ako ni lola habang nakain ako.

Liam James POV

Yes! Sa wakas! Mag-date na ulit kaming dalawa I mean kaming tatlo. Like a family, just like before.

Napangiti ako sa aking naiisip. Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko.

Grace's calling...

Anong kailangan nito?

Napakamot ako sa batok at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hi! I'm sorry sa pag-istorbo pero may kailangan kang malaman para na rin sa kaligtasan nyo."

Napakunot ako ng noo. Kaligtasan namin? At kanino naman?

"Is there something wrong?"

Biglang tumahimik saglit ang kabila. Gusto ko sana malaman pero mahalaga ang araw na ito.

"Bukas... Bukas pupunta ako sa inyo para sabihin kung sino yung tao sa likod ng pagpapakalat ng picture nyo ni Justine sa group page ng Grayson... Sabi ko naman sa'yo na babawi ako."

Napakuyom ako ng kamao dahil sa init na nararamdaman ko. Hindi init ng kakaiba ngunit init galit na bigla na lang nagising.

"Okay... But careful sa pagpunta sa amin. You know what I'm saying. And by the way, thank you for saying that thing." Seryoso kong sabi at humingi ng malalim.

"No problem. I gotta go... Enjoy your date, bye." Tsaka nag-end ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako na binulsa ang cellphone. Another problem again?!

Pero kailangan kong protektahan si Justine sa kung sinuman ang tinutukoy ni Grace.

Pero dapat may kailangan akong gawin. Gaya ng dati. Kinuha ko muli ang cellphone at nag-text sa private investigator ko.

Justine Mae's POV

Unang nasilayan ko mula sa hagdan si Liam na nagtitipa ng kung ano sa cellphone nya. Napangiti ako ng malawak dahil napakagwapo nya talaga, hindi sya nakakasawang pagmasdan na kahit anong anggulo at ginagawa nya ay napakagwapo pa rin tingnan.

Buti na lang maganda ako haha.

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nya. Nang marinig nya ang boses ko ay agad nyang binulsa ang cellphone nya at lumingon sa akin. Bahagya pa syang natigilan na makita ako kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi nya. Narinig ko ang pagsinghap nya sa ginawa ko.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya para makita ang reaksyon nya. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko.

Ang cute nya grabe! Ibang-iba na sya sa dating Liam na nakilala ko noong highschool.

"T-tapos ka na, wifey?"

Ngumiti na lamang ako para mapigilan ang tawa ko. "Oo hehe. Let's go?"

"Mommy!" Napalingon at napangiti dahil sa reaksyon ni Althea na tila nagniningning ang mga mata nya habang papalapit sa akin. Nasa likod nya si mommy na nakangiti sa amin. Ang cute talaga ng baby ko!

"Ang ganda mo po... Sobra." Namamangha nyang turan.

I chuckled at binuhat sya. Ugh! Bumibigat na ang baby ko.

"Really? Maganda si mommy?" Malambing kong tanong tsaka hinalikan ang pisngi nya na ikinahagikgik nya.

Hinalikan nya rin ako ng pabalik sa pisngi at tsaka sya sumagot. "Opo mommy. Para ako lang po, pretty rin dahil nagmana ako sa'yo eh." At bahagyang hinawi ang buhok nya na hanggang bewang.

Natawa kami kaming lahat. Oo nga naman mana sa akin.

Naramdaman ko na lamang ang isang pares ng bisig na pumulupot sa amin ni Althea. "Para sa akin... Kayo ang pinaka-magandang babae sa buhay ko." At hinalikan ni Liam ang mga noo namin nang may ingat.

"Pati na rin sila lola, daddy?" Inosenteng tanong ni Althea.

He chuckled. Gosh so manly!

Pinisil nya ng mahina sa ilong si Althea. "Of course. Kasama rin sila, princess."

"Awww... That so sweet, iho. Pero wait! Kukunin ko lang yung DSLR ko, kuhanan ko lang kayo ng picture!" Aniya ni mama na tuwang-tuwa at excited na umakyat.

Mga ilang sandali ay bumaba na si mama na may dalang DSLR kaya umayos na kami ng pwesto. Napasinghap ako sa gulat ng biglang hapitin ni Liam ang bewang ko at inilapit sa kaniya habang nakakarga sa kanya si Althea na kinikilig na nakatingin sa amin, ganun din ang reaksyon ni mama kaya nakaramdam ako hiya at same time ay kilig rin.

Gosh! Parang dati ay pinapangarap ko ito. Pero ngayon... feels like heaven.

Narinig ko ang mahina nyang tawa dahil sa reaksyon.

"Okay, maya nyo na lang 'yan ipagpatuloy mga anak. Look at the camera and say cheese!" Bahagyang kinikilig na pagkakasabi ni mama.

Sumandal ako sa braso ni Liam at ngumiti ng matamis.

"Cheese!" Sabay-sabay naming sabi.

After a few shots ay excited na bumaba si Althea sa karga ni Liam at lumapit sa lola nya para tingnan ang pictures.

"Ang clingy mo, hubby haha." Natatawa kong sambit sa kanya.

"Of course! When it comes to you, wifey. And also to our baby Althea... I love you so much, wifey." Malambing nyang tugon at hinalikan ang sintido ko.

Ngumiti ako ng matamis. "I love you so much din, Hubby ko." Malambing ko rin na tugon.

I love this man! Super!








To be continued...

03/01/2023

© 2023 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now