C H A P T E R 19

91 0 0
                                    

Justine Mae's POV

"B-bakit ka ganyan makatingin sa akin, huh?!" Mas lalong lumawak ang ngisi ko.

"Bakit parang nauutal ka yata? Wala pa nga akong ginagawa, ayan na agad ang reaksyon mo... Or maybe may itinatago ka at ayaw mo lang mabuko, hmmm?" Mapaglaro kong tanong na tiningnan sya mula hanggang paa.

I secretly open my recorder on my phone para may ma-record ko ang sasabihin nya. I want more evidence, salamat rin kay Martina dahil sinabi nya sa akin ang totoo and speaking of  DNA result ni baby Althea na kinuha ng lintang 'to ay nasa akin na rin.

How did I know na sya ang kumuha nun?

Thanks to my family investigator and his men. Usui clan yata 'to. Hindi nya maiisahan ang isang dyosa na ang pangalan ay Justine Mae Abenes Usui.

Flashback...

Pupuntahan ko si baby Thea ngayon sa school nya para sunduin. Uwian na namin kaya nagpaalam ako kay hubby na ako na lang ang susundo sa baby namin.

Ayieee baby namin hehe.

Kawawa nga si hubby ngayon at tambak ang trabaho nya as CEO ng Grayson Group Company. Kapag may oras at pagkakataon lang sana ako ay pupuntahan ko sya sa company nya tapos dadalhan ng pagkain nya.

Nai-imagine ko tuloy na para kaming mag-asawa na, chos!

Sa katunayan nagpadala pa sya ng susundo sa akin para daw safe na makapunta ako sa school ni baby Thea at maiuwi sya sa kanila. Wala naman daw yung ex nya doon, hindi nya alam kung saan nagpupunta. Si Dora yata 'yun.

Pagkababa ko ng kotse ay bumungad sa akin ang mga bata na pauwi na. Hinanap ng paningin ko si baby Althea, naniningkit ang mga mata ko nang makita na yung isang bata na kahawig ni baby Althea dahil sa nakatalikod sya sa gawi ko na inaaway sya ng ibang mga batang babae.

Napasinghap ako nang itulak sya ng mukhang maldita na batang babae kaya agad akong lumapit sa kanila dahil hindi na ako nakatiis pa. Hindi ko kaya na may nabubully at pinapahiya sa maraming kapwa studyante nila.

Ngunit nagulantang ako pagkalapit ko sa kanila na si Althea nga yung bata na nakaupo na sa sahig.

"Anong nangyayari dito? Bakit nyo inaaway itong anak ko?" Kalmado ngunit irita kong tanong sa kanila na mukhang natakot. Ayaw kong sigawan sila dahil mga bata pa rin sila.

Nilingon ko si baby Thea at pumantay sa kanya. Naka sleeve shirt sya na pink kaya napakunot ako ng noo.

Ang init init tapos ganito ang suot nya. Nasaan ang blouse ng batang 'to?

"Are you okay, baby?" Nag-alala kong tanong sa kanya. Tumingala sya sa akin. Lumambot ang ekspresyon ko ng husto nang makitang may luha ang kanyang mga mata.

"M-mommy?" Mangiyak-ngiyak nyang sambit. Kinarga ko sya at hinimas himas ang buhok nya para pakalmahin sya.

"H-hindi ko po sinasadya na i-itulak sya." Nauutal na sabat nung nagtulak kay baby Althea.

Hindi ko sya pinansin dahil na kay baby Althea ang atensyon ko, nagtataka na talaga ako dahil yung ibang mga bata ay naka-uniform pero sya hindi. Sya lang ang naiiba sa kanila.

Dahan-dahan kong itinayo si baby Althea at nilingon muli ang mga bata na walang emosyon.

Nasaan na kasi ang mga magulang nito?! Hindi manlang disiplinahin ang mga anak nila ng tamang asal! Tsk. Halatang spoiled brat ang mga ito.

"Sa susunod na makita ko o kahit magsabi sa akin si Althea na inaaway nyo pa rin ipatawag nyo na ang mga magulang nyo, huh... Nagkakaintindihan ba tayo mga bata?"

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now