C H A P T E R 28

74 0 0
                                    

Justine Mae's POV

Hindi ko alam pero parang may nakatingin sa akin, halos ilang araw na simula pumasok ako dito sa Peñafrancia University at ganun na naging magkaibigan kami ni Trevor pero ganito ang nangyayari. Napalingon ako sa kung saan-saan pero wala naman ni anino.

Napa-paranoid na yata ako dahil sa panonood ko kagabi ng horror.

Kasalukuyan akong nasa waiting shed malapit sa school. Hinihintay ko yung sundo ko at naulan pa naman kaya hindi ako pwede basta magpa-gala gala. Tsaka magdidilim na kaya hindi na gaano katao ang paligid dahil nagsiuwian na rin ang mga studyante at teachers.

Tumanggi pa ako kanina sa alok ni Trevor na ihatid sa amin dahil ang may service naman ako pero nagsisisi talaga ako. Wala pa si manong Oscar, 30 minutes ago nag-text sa akin si manong at ang sabi nasiraan daw sya sa daan kaya siguro matatagalan sya.

Napatigil ako sa pag-iisip at napalingon ako sa isang pamilyar na kotse na biglang tumigil ito sa harapan ko at lumabas doon yung lalaki noong isang araw na ano daw ang pangalan?... Ayun! Liam ang pangalan nya. As usual naka suit sya, yayamanin din pero syempre ang gwapo nya mga bes!

Dahil sa gwapo si Liam, aba! Syempre, bida 'yan ng mga mata mga babaeng studyante na papauwi na at ilang teachers na babae at binabae na kinikilig.

Edi wews!

"Why are you here, sir I mean Liam?"

Ngumiti sya ng matamis na mas lalo nagpa-gwapo sa kanya kahit awtoridad at pagiging seryosong tao ang makikita sa kanyang mukha at tindig nito.

"Bakit masama ba na nandito ako para ihatid ka sa inyo?"

Namula at napayuko ako sa hiya. Pasimple ko syang sinilip na nakangisi syang nakatitig sa akin.

"B-bakit sinabi ko ba'ng m-masama?!" May kalakasan kong tanong at tinignan sya ng masama.

Napaatras sya ng kaunti at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko habang natatawa ng mahina.

"Woah! Okay, okay... I'm sorry for upsetting you." Pagsuko nya at huminga sya ng malalim bago magsalita muli.

Makikita ko sa mga mata nya ang lungkot at pag-aalala nya, dahil do'n nakaramdam ako ng kung anong lungkot at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang ayoko na makita na nasa ganung kalagayan.

I feel his sadness.

"Ang alam ko nasiraan ang driver mo kaya ako na ang maghahatid sa'yo tsaka delikado para sa isang magandang dalaga ang nandito pa." May pag-alala ngunit sa mukha nya ay nakangiti sya.

He's a good pretender, huh?

Nakatitig lamang ako sa kanya. Para kasing may kakaiba sa kanya at sa pagitan namin na hindi ko matukoy kung ano 'yun.

"Hey, is there something on my face?" Tsaka nya sinipat ang kanyang mukha na nagpagising sa akin sa reyalidad.

Napailing na lamang ako at napangiti ng bahagya. "W-wala. T-tara na, baka mamaya pa yung driver namin na makarating. Text ko muna, saglit." Tsaka ako mabilis na tumalikod mula sa kanya.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bulsa ay bigla itong tumunog. Kaya kinuha ko ito at tinignan. I smile a bit when I know who's calling.

Boy bestfriend calling...

Muli kong nilingon si Liam para sana magpaalam saglit para sagutin ang tawag. Ngunit imbes na nakangiting Liam ang bumungad sa akin, nakasimangot at salubong ang kilay nya habang nasa cellphone ko na tumutunog ang kanyang paningin.

Inaway ba sya ng cellphone ko? At grabe ang salubong ng kilay nya.

Imbes na isipin 'yun ay napa-kibit balikat na lamang ako tsaka sinagot ang tawag.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now