C H A P T E R 23

76 1 0
                                    

Trevor's POV

Nanikit ang mga mata ko nang may makita na dalawang pigura na yung babae ay hinalikan nya yung lalaki nakatalikod sa gawi ko tsaka patakbo na pumasok sa gate ng Grayson University. Iilan lamang ang tao dito sa school dahil masyadong maaga pa.

Napailing na lamang ako ng ulo nang humarap yung lalaki sa gawi ko nakangiti at pumasok sa kanyang kotse kaya nagtago agad ako sa likod ng poste na malapit sa akin. S-si Dean Grayson?!

Pero sino yung babae humalik sa kanya dahil kaparehas ng uniform ng culinary department?

Haist! Trevor kung ano-ano ang nakikita mo, inaantok ka pa talaga.

Napailing at binatukan ang sarili. Para akong baliw sa ginagawa, tch.

Pero tama ang nakita ko kanina. Ibig sabihin may karelasyon ang dean na isang studyante ng culinary department.

I should know it. Pero bakit parang may kirot sa bandang puso ko nang maalala muli ang eksena na nakita ko. May mali talaga dito eh at iyon ang aalamin ko.

Justine Mae's POV

"Class dismissed!"

Sa wakas makakapagpahinga ang utak ko at mabubusog ang tiyan ko nito.

Ang laki ng ngiti ko habang inaayos ang ginamit kong notebook at pen sa loob ng bag. Ewan ko ba kung ganito ang nararamdaman ko ngayon, para kasing ang gaan ng pakiramdam ko.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay napalingon ako sa gawi ni Trevor na nakatingin sa kawalan at tulala na para ba'ng ang lalim ng iniisip nya.

Nangyari sa kanya?

Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at lumapit sa kanya na nasa kabilang side ng classroom, lumabas ang ilang kaklase dahil recess naman na. Pero ang lalaking 'to ay tulala lang.

Tinapik ko ng bahagya ang balikat nya na syang nagpagising sa pagkakatulala nya.

"Are you okay, Trevs?" Nakakunot kong tanong sa kanya.

Lumingon sya sa akin at ngumiti sya pero pilit iyon tsaka tumango. "Y-yes... Gutom lang siguro 'to hehe. By the way, okay na ba ang pakiramdam mo?"

Napangiti at napailing na lamang ako. "Yup, I'm okay now at pwede na akong mangbatok ng tulalang tao haha. Pero ayain ko lang saglit si Joshua na sumabay sa atin para makilala mo sya ng husto."

"Yung sinasabi mo dati na bestfriend mo noong highschool?"

"Yes, dati syang gay pero ngayon lalaking lalaki na ang dating no'n lalaking 'yun. Kaya sure na sure akong magkakasundo kayong dalawa." Masayang kwento ko sa kanya.

"Sige, ayain mo na sya." Tumango na lamang ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng skirt kong pang-culinary department.

Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang wallpaper namin ni hubby na nakayakap sya mula sa likod ko at nakapatong ang baba nya sa balikat na may matamis ngiti sa kanyang labi. Grabe kinikilig ako hehe.

Mabilis akong pumunta sa message baka may makakita sa wallpaper. I composed a message for Joshua, nagtext na rin ako kay hubby na kasama kong kumain ay sina Joshua at Trevor. Gusto ko lang maging responsableng babae para sa kanya kahit nanliligaw pa lang sya akin, practice as responsible future girlfriend hehe.

"Let's go." Pag-aya nya. Tumango naman lamang ako.

Paglabas namin ng classroom ang syang pagtunog ng cellphone ko ng dalawang beses.

2 new messages

Haha ang bilis naman.

From: Hubby

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now