C H A P T E R 20

105 1 0
                                    

Continuation of flashback...

Justine Mae's POV

Kinuhanan ko ang mga pasa na mayroon si baby Thea para sa dagdag evidence. Child abuse ang amp ng babaeng demonyita.

Anak nya ba talaga itong si baby Althea para ganituhin nya, wala syang puso kung ganun at walang kwentang ina. Walang alam ang bata para saktan nya ng grabe, pwede nya naman pagsabihan at disiplinahin ng maayos, hindi ganito na parang isang punching bag na tuloy ang baby ko.

Kawawa ang baby Althea ko.

Nagpaalam na ako kay Martina na uuwi na ako at pinakausapan ko syang bantayan at alagaan si baby Althea kung mangyari muli kay baby Althea ay tawagan nya lang ako kaya ibinigay ko sa kanya ang phone number ko, just in case.

Pagsakay ko ng kotse ay ang syang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan ang new message ko.

Pagkabasa ko ay nakangiting demonyo ako. I found you little rat! Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa pagod na rin.

Flashback Ends...

"So, sa iyo ba galing ang mga text na ito? Angel? Or should say Angelica Grace Smith?"

"Soon to be Grayson." Confident nyang dagdag with hair flip pa. Pwe! Ang baho ng buhok.

"As if naman na ikaw ang magiging asawa ko in the future. ONLY Justine is my ONE ONLY wife and soon to be Grayson and not you b*tch." Seryosong sabat ni hubby na napatingin sa akin tsaka ngumiti pero wala akong reaksyon sa sinabi nya.

May kasalanan ka pa sa akin hmp!

Napapahiyang napangiwi sya at tumahimik na para isang puppy sa isang tabi na nagpapaawa sa amo nya.

"So, inaamin mo nga na sa'yo itong text?" Taas kilay kong tanong muli sa lintang nasa harapan ko at doon ko nakita na namutla sya nang makita ang sinasabi kong text.

Napalingon ako nang pasimple sa katabi ko na seryoso ma ulit at malamig na nakatingin kay Grace este linta na ngayon ay namumutla at natataranta na.

Agad syang napaayos ng tayo. "H-hindi ah! Sinungaling ka lang babae ka! You just accusing me sa harap ni James! You sl*t!" Sigaw nya sa mukha ko at itinulak ako at dali-daling lumabas ng Dean's Office. Ay ang peste nakatakas pa!

Pero maagap ang katabi ko kaya nasambot nya ako. Kami na lang ang natira dito sa office nya ngayon dahil sa lintang 'yun. Ang awkward ng posisyon namin ngayon kaya ako na ang unang humiwalay sa kanya.

Seryoso ko syang tiningnan bago ako umupo sa couch na mayroon dito. Sumandal at nag-cross arm habang nasa kanya pa rin ang tingin ko.

Tahimik lang ako at hinihintay ang sasabihin nya. Pero mga ilang minuto na hindi sya nagsalita ay nagsimula na akong mainip. Tatayo na sana ako pero agad syang umupo sa tabi ko at napigilan ako. Hinawakan nya ang wrist ko, hindi ko sya nilingon at nasa harapan lang ang paningin ko.

"Ano... W-wifey, mag-usap muna tayo. Sasabihin ko ang lahat as in lahat lahat, baby ko basta huwag ka na magalit sa akin. Please, sit down first hmmm baby?" Malambing nyang saad.

Hindi ko mapigilang mapangiti pero palihim ko 'yun ginawa. Walang emosyon ko syang tiningnan at sinunod ang sinabi nya.

"You may start dahil nagugutom na ako." Bagot kong sabi kahit hindi naman talaga ako gutom.

Dahil sa sinabi ko ay agad nyang kinuha ang cellphone nya at may tinawagan.

"Hello... Give me a— wait!... What do you want, wifey?" Malambing nyang tanong sa akin na nakangiti at inilayo pa ang phone sa bibig nya.

"Kahit ano... Kung anuman ang i-order mo." Pagod na sambit ko at inilagay sa sandalan ng couch ang ulo ko. So tired!

Napahawak na lamang ako sa aking ulo nang bigla itong sumakit. Ang bigat din ng pakiramdam ko ngayon, ugh!

"Give us a bigmeal and also a large ice tea for my wife." Rinig kong sabi nya.

Habang ako nasa kisame ang tingin dahil sa pagod talaga ako tapos ginutom pa ako sa lintang 'yun. Pero natatakot ako sa posibilidad na pwede nyang gawin sa mga susunod na araw, kahit isa akong heiress sa Usui clan ay hindi ko pa rin maiiwasan na mangamba dahil tao rin ako.

Napabuntong hininga na lamang ako at nalungkot bigla. I hate this feeling again! Parang dating ako lang na lonely.

"Hey what's that sighed, wifey? May problema ka ba? You can tell me." May pag-alala na tanong nya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi tayo bati." Walang reaksyon kong sabi. Kahit sya ang sagot sa pagkain ko ngayon, hindi pa rin kami bati. Akala nya ah, hmp!

Umayos ako ng upo at umiwas sa kanya ng tingin. Pero kalaunan ay naramdaman ko ang mga braso nya na pumulupot sa akin at nasa balikat ko ang baba nya. I feel his warm breath that hitting on my neck.

Tatanggalin ko na sana ang braso nya ngunit hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin.

"I want to hug you, wifey. Alam kong pagod ka kaya ako naman ang magbabalik ng lakas mo. At the same time I missed you kahit ilang sandali lang tayong hindi nagkita. So let me, wifey." Malambing nyang sabi.

"I'm really sorry, that was unexpected na pumunta sya dito sa school. Nagulat din ako sa mga pinagsasabi nya na wala naman katotohanan." Malungkot nyang saad.

"Pero sa tingin mo totoo ang sinasabi nya?"

"I don't know for now. Pero nasisigurado ako na may kinalaman sya sa aksidente na nangyari sa inyo ni Kurt... Pero wifey, ano yung sinasabi mo kanina na sya yung nasa likod ng threatened text na natatanggap mo?"

Alam kong nakakunot na sya ngayon kahit hindi ko lingunin hehe, I knew him kapag curious sya sa isang bagay at hindi sya titigil hangga't hindi nya nakukuha ang sagot mo haha.

"A days ko lang nalaman 'yun tsaka mas nadiin na sya dahil sa nabanggit doon sa text na ganun na ganun ang pagkakasabi and clue yung angel sa dulo." Sabi ko.

"Angel? Ang first name nya ay Angelica not angel, wifey."

"Slow ka rin pala minsan, James." Nakangiwi kong sambit.

Nagulat ako nang bigla nya akong hinalikan sa pisngi. "Call me hubby not James. I'm really sorry talaga."

"Whatever... Angelica in short Angel. Gets?" Bored kong sabi.

"Opo wifey, sorry kung slow ako. Masyado lang akong napagod at gutom na rin, hindi pa kasi nakakain kanina dahil sa mga dapat tapusin na trabaho dito at dahil na rin sa babaeng 'yun... Pero lalabas muna ako para kunin yung delivery sa labas, nand'yan na yata 'yun. Just stay here and wait for me, gutom na ang baby ko at pagod pa kaya I insist."

Ay ang advance! Ako sana ang kukuha dahil libre nya naman pero naunahan nya ako.

Bumitaw sya pagkakayakap sa akin at tumungo sa pinto. Lumingon sya sa'kin at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Advance lang ako wifey and stay ka lang d'yan, ako bahala sa'yo. Gusto kong bumawi sa'yo sa kung anuman na kasalanan ko para magbati na tayo." Parang bata nyang sabi at kumindat bago sya lumabas ng dean office.

Tulala at nakanganga akong naiwan dito.




To be continued...

07/12/2022

© 2022 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now