C H A P T E R 29

60 1 1
                                    

Liam James POV

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang naririnig ko ang pag-nguya ni Justine sa kinakain nyang fries. Kanina lang nakasimangot ako dahil nakita kong may kausap syang ibang lalaki pero hindi ko alam kung sino, tsk!

Pero sa isang iglap ay biglang nawala ang inis ko. Kakaiba talaga ang tama ko sa babaeng ito haha. Kahit hindi nya ako maalala ay ipapaalala ko sa kanya kung sino ako sa buhay nya pero hindi ko sya bibiglain.

Napangiti ako ng nang maalala na nagawa ko na ang unang plano ko.

"You want?" Biglang alok nya sa akin ng kinakain nyang fries.

Salamat naman nag-alok na rin. Kanina ko pa sya hinihintay na alukin nya ako, sa totoo lang nagugutom na rin ako pero hindi ko sinabi iyon para naman makapagdamoves sa wifey ko.

"Yes... Pero, pwede mo ba akong subuan kasi nagmamaneho ako baka madisgrasya pa tayo." Malambing kong tugon sa kanya at nag-puppy eyes saglit sa kanya bago sa sa harap muli ang paningin ko.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko na namula sya at saglit na napatigil sa pag-nguya bago tumango ng dahan-dahan.

Napangisi na lamang ako.

She's so cute haha.

"Oh heto na, say 'ah'." Ngumanga ako sabay subo nya sa akin ng fries.

"Thanks... Wifey."

"Huh?"

Ngumiti at umiling na lamang ako tsaka ko pinagpatuloy ang pagmamaneho habang sya ay sinusubuan nya ako.

I love this moment with her.

Pinarada ko sa tapat ng gate nila ang kotse ko.

"Wait." Pagpigil ko sa kanya bago lumapit sa kanya. Napatitig ako sa mga mata nyang hindi kumukupas ang ningning nito, her nose and the last. Ang paborito ko at gusto kong maangkin muli... Those red lips and taste sweet like strawberry.

I want to taste it again but not for now.

Napalunok na lamang ako nang makita ko paborito ko. Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang bigla syang magsalita.

"A-ano... O-okay na ba yung seatbelt?" Nauutal nyang tanong.

Ngumiti na lamang ako ng matamis tsaka tinanggal ng tuluyan ang seatbelt bago lumayo sa kanya.

I love everything about her. Nakakabaliw man isipin, mahal na mahal ko talaga sya at gagawin ko ang lahat para mapasa akin muli sya, hindi bilang manliligaw kundi maging boyfriend na soon to be her lovely husband.

Pinagbuksan ko sya ng pintuan at inilahad ang kanang kamay ko sa kanya.

"Let's go?" Nakangiti kong alok sa kanya.

"K-kaya ko naman bumaba."

"No... I want to make sure that you are safe hanggang sa pagkapasok ka ng bahay." Hindi ko napigilan na maging seryoso ang boses ko.

Baka mamaya ay mapatid pa sya tapos masugatan at ayaw ko syang nasasaktan. Ayaw ko nga na may lamok na dadapo sa kanya, masugatan pa kaya. I don't want to see my baby is crying.

Gusto kong bumawi para sa kanya.

"T-thank you sa paghatid sa akin tsaka na rin sa paglibre sa akin ng Mcdo. Sa susunod ako naman ang manlilibre." She shyly smiled.

I chuckled at napailing. I tapped her head and brush it gently. "Hindi na kailangan, sapat na sa akin na makasama at makitang kang masaya araw-araw."

Napangiti na lamang sya at tumango. "Sige papasok na ako. Ingat ka, bye!" Tsaka sya pumasok ng kanilang bahay.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now