C H A P T E R 39

70 2 0
                                    

Liam James POV

Napatingin ako sa pinto ng office ko nang bumukas ito. Pumasok ang family investigator namin pero sa akin lang sya loyal. Kaya napatigil ako sa pagtitipa sa computer.

"What is it?" Malamig kong bungad dito.

Yumuko lamang sya. "I'm so sorry sir but I wanted to give this to you."

May kinuha sya sa kanyang suitcase na isang envelope. Inilagay nya ito sa mesa ko.

Kinuha ko ito at inilabas ang laman nitong mga papel at napansin ko ang nga ilang pictures ni... Justine... My wifey. Kaya napa-ayos ako ng upo.

Sasabihin ko ito sa pamilya ni Justine at sigurado akong matutuwa sila.

"Explain this..." At ipinakita sa kanya ang  picture. Seryoso kong sabi at muling tiningnan muli ang picture kung saan nakangiti ang wifey kaso may kasama sya na lalaki at hindi ako familiar sa lalaki mukhang masaya silang nag-uusap. Napakuyom ako na lamang ako ng kamao na may hawak na lapis.

"About that, sir. Nahanap ko na po sya at kasalukuyan syang nasa Venice, Italy."

"How about this man na kasama nya. Sino ito?"

"Nalaman ko po na kasama nya sa iisang bahay ang lalaking iyan at may business silang sweet shop na magkakaroon dito sa Pilipinas na branch nila. That's Lesther Kel Grayson, your brother, sir..."

Napakagat na lamang ako ng labi. Bumibigat na rin ang paghinga ko dahil sa aking nalaman. Napatingin ako sa kamay ko nang mapansin na naputol ko na pala ang lapis na hawak ko.

"May nakuha rin po akong information na uuwi sila dito dahil ikakasal yung kaibigan ng kapatid mo... But I wanted to tell you this Mr. Grayson about her condition na syang nakapagtataka and based on my observation... She had an amnesia."

Hindi na ako nakaimik pa dahil tila tumigil ang mundo ko sa huling sinabi nya.

She had an amnesia? But how come? Sa pagkakatanda ko ay wala naman ako nakitang dugo kundi ang nakita ko lang ay isang maliit na botelya na may pangalan na benzodiazepines. Pina-test ko ito at sabi ng doctor na gamot na ito para magkaroon ng amnesia ang isang tao.

Hindi kaya?!

Marahas akong tumayo at kinuha ang suit coat ko. Lumabas ako ng office, nakasalubong ko ang secretary kong lalaki. Nang makita ako ay napayuko ito tila natataranta.

"Where are you going, sir? You have a meeting in this afternoon with Mr. Franco." Nagmamadaling turan nito habang sinusundan ako.

"Cancel the meeting and set it next time. I need to do something more significant than this meeting." Seryoso kong utos.

"But, sir—"

"Do it! My Wife's life is at stake here!" May pagtitimpi kong sigaw. Ayaw kong sumabog sa galit na parang bulkan sa harap ng empleyado ko. I need to control this emotion.

"Y-yes, s-sir... I'm really s-sorry." Natatakot nyang sambit.

Tingnan ko na lamang sya ng malamig at umalis na.

Lesther Kel's POV

I'm so sorry, honey kung nagawa ko na ilayo kita kay kuya. Sadyang mahal lang talaga kita. Hindi mo ako napapansin kasi lagi na kay ang atensyon mo. I just want to be with you for while, ngayon nagsisisi ako sobra dahil sa ginawa ko.

Kahit alam ko naman na hindi ako yung nasa puso kahit ako ang kasama mo.

"James..." She said while sleeping.

Kahit sa panaginip ay si kuya pa rin.

Napatingin ako sa kawalan nang maalala ang unang beses ko syang nakita sa gate ng Grayson University. Doon pa lang ay nagustuhan ko na sya agad.

Napangiti na lamang ako.

Flashback...

Nakakabagot ngayong araw. Kahit na simula na ang unang semester as grade 12 ay tinatamad na akong pumasok at mas gusto ko na lang matulog kaysa pumasok ngayong araw.

Pagkaparada ko ng kotse ko sa parking ay lumabas na ako. Hindi ko pinansin ang mga bulungan dahil alam ko naman kung ano ang mga 'yun. Hindi na bago sa akin dahil ako lang naman ang kapatid ng dean ng university na ito.

Tamad kong ibinulsa ang susi ng kotse ko ngunit napatigil ako at napalingon sa gate. Hindi ko alam dahil kusang tumigil ang katawan ko sa pag-galaw at paglingon sa gate kung saan ay may tumigil na isang sasakyan at ilang sandali lang ay lumabas na...

Angel... Oo, tama... Isang angel. Parang may kung ano sa dibdib ko nang makita ang matamis nyang ngiti. Kusa na lang nabuhay ang diwa ko at napangiti.

Ilang taon na kaya sya? Para pa lang syang highschool based on her uniform at bagay na bagay sa kanya at mas lalo syang naging angel sa paningin ko.

I think... I like her.

Mga ilang araw ko syang pinagmamasdan sa malayo. Na dati na tinatamad akong pumasok at mag-aral pero ngayon na kahit inaantok pa ako at naiisip na gusto ko syang makita ay kusang nawawala ang antok ko.

Nagising ako dahil sa isang mala-anghel na boses ngunit sa boses na iyon ang sakit. Pinakinggan muna ito hanggang sa matapos.

That voice was like a lullaby na hinehele ako. Sumilip ako sa ibaba ng puno kung saan ako nakapwesto at nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa akin.

Familiar sa akin ang likod nito. Then, hanggang sa maisip ko sya. Kaya napangiti ako ng malawak na para isang bata.

Nag-slow clap ako dahil sa pagkamangha.

Nakita ko na nagpalinga-linga sya. Hinahanap nya siguro ako.

"Nandito ako sa taas ng puno, miss!" Saad ko at tumalon sa puno ng mangga na ikinabigla nya kaya palihim ako napatawa sa reaksyon.

Such a cute reaction from her!

"Hi miss beautiful! I'm Lesther Kel Grayson, nice to meet you!" Masigla kong pagpapakilala sa kanya at inilahad ang kamay ko.

Nagulat na lamang ako nang pisilin nya ang pisngi ko. Then suddenly my heart got beats so fast when I feel her warmth hands on my cheeks.

"Ouch! Mashaket missh." Tanging daing ko. Hindi ako nakaramdam ng inis dahil normal akong mainis lalo na kung hahawakan ang mukha except sa kanya.

Ang babaeng minamahal ko mula sa malayo na ngayon ay nasa harapan ko na.

She just giggled. Napakagat labi na lamang ako para pigilan ang ngiti. D*mn it!

"Sorry, ang cute mo kasi. I love cute things kasi, by the way I'm Justine Mae Usui. Nice to meet you too Kel." Nakangiti nyang saad na ginantihan ko lamang sya ng isang matamis na ngiti.

Nang araw iyon ang pinakamagandang nangyari sa akin... Ang makilala at malaman ang pangalan nya.

Naghintay ako ng pagkakataon hanggang sa makuha ko na sya at ngayon na nandito na sya sa aking tabi.

Flashback Ends...

Hinawi ko ang ilang hibla na nakaharang sa maganda nyang mukha at hinalikan ito sa noo.

Gusto lamang na mapansin mo rin ako kahit ilang sandali lamang ng panahon. Kaya kapag nalaman mo ang totoo, sana ay mapatawad mo ako, Mae.

Alam kong magkikita rin kayo ni kuya kaya paghahandaan ko ang araw na iyon.

I love you so much, Mae.

Humiga na ako sa tabi nya. Kinumutan ko sya, muli ko syang hinalikan pero sa labi na ng mabilis lang at niyakap sya.

"Goodnight and I love you, honey." I whispered softy before the dark comes in.






To be continued...

03/27/2023

© 2023 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now