C H A P T E R 42

78 1 0
                                    

Jazrel's (Justine Mae) POV

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong halikan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit gusto kong syang itulak pero parang may bumubulong sa akin na huwag ko syang itulak.

Kakaiba rin ang utak ko hayss. Lumalandi na rin.

Tulala lang ako nang humiwalay sya sa akin. Ang lalaking kapatid kuno ni Kel. Pero pareho sila ng apelyido but I'm not sure baka kasi magpinsan lang ganern.

Napakagwapo nga nya eh. But I feel something familiar to him. Parang nagkita na kami somewhere.

Napapikit at napahawak na lang ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit.

Isang imahe ng lalaki ang nakita ko na nakasuot ng suit pero may kalabuan ang mukha nito.

"H-hey are you okay? What's wrong, wifey?" Rinig ko ang nag-aalala nyang boses pero nandoon pa rin ang lambing nito parang sarap sa tenga na pakinggan.

"S-sumakit lang ang ulo ko pero okay lang ako. Gutom lang siguro ito."

Naramdaman ko ang bahagya nyang paghila sa akin at ang mga makikisig nyang braso na pumulupot sa akin. He hug me.

Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso nya dahil nakasandal ako sa dibdib nya. Pero katulad nya ay ganun din ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang safe ako sa yakap nya at iyon ang hindi ko maintindihan talaga.

'Langyang pakiramdam na 'to!

Pero kahit hindi ko sya kilala ay magaan ang pakiramdam ko sa kanya na hindi sya masamang tao. I feel it.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at ngumiti sya ng matamis na lalong nagpa-gwapo sa kanya.

"Let's go at kakain tayo, wifey ko..." Hinalikan nya ang noo ko. "Na-miss ko ito... Sobra." Tsaka nya hinawakan ang kamay ko na hinayaan ko na lamang tila ang katawan ko mismo ang nagkukusa na sumama sa kanya.

Sino ka ba talaga Liam James Grayson?

Magkahawak kamay kami papunta sa isang restaurant na malapit dito. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko tila ayaw nyang bitawan ito, nakakislop ito sa isa't isa.

"P-pwede mo bang bitawan ang kamay ko? Namamawis na yata, ang init kasi eh. Tsaka nakakahiya sa'yo." Naiilang kong saad at ngumiti ng alanganin.

Totoo naman ang sinasabi ko. Ang init na talaga, summer na kasi kaya heto ramdam na ramdam ko talaga ang ihip ng hangin ng summer. Tsaka gusto ko bitawan na nya ang kamay ko dahil baka mamaya makita kami ni Kel dito.

Imbes na bitawan nya ang kamay ko ay bigla nya akong hinapit palapit sa kanya at hinawakan ang bewang ko. Ngumiti sya sa akin ng matamis.

"This is better than before. I want you to stay beside me, wifey ko." Sabay na hinalikan nya ako sa labi ng mabilis na hindi ko naman inaasahan.

"Kuya?" Napatigil kami sa paglalakad nang marinig ang boses ni Kel kaya napalingon kami sa kanya.

Nakakunot ang noo nito habang nasa magkahawak na kamay namin ni James ang paningin Kel. Sinubukan kong tanggalin sa pagkakahawak sa akin ni James pero hindi ko matanggal dahil sa lakas nya.

"Saan mo dadalhin ang girlfriend ko, kuya?" Nakakunot nitong tanong

Inirapan sya ni James na ikinatawa ko sa aking isip. Bakla ba sya? Infairness ang galing nyang umirap na parang babae.

"Girlfriend your ass, tss. This is my girlfriend not yours. Humanda ka na at ipapatapon kita sa north Korea dahil sa pagkuha mo sa girlfriend ko!" Maangas na banta ni James kay Kel.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now