C H A P T E R 13

116 1 0
                                    

Joshua's POV

She's still the same Justine that I've ever known. May dahilan kung bakit ako nagbago ng pagkatao at iyon ay dahil sa kanya.

Wala akong gusto kay Justine peri binago nya ang buhay ko simula ng makilala ko sya. Bestfriend at kapatid lamang ang tingin ko sa kanya.

Lingid sa kaalaman nya ay alam kong nanliligaw sa kanya si sir este si kuya James na dati ay crush-crush lang ni Justine haha.

Nasa labas ako ng university at hinihintay ang driver ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong sariling kotse dahil iyon ang utos ni papa. Marunong akong magmaneho sadyang protektado lang si mama. Pero okay lang haha.

Natanaw ko si Justine mula dito na naglalakad mag-isa sa sidewalk at tatawid papunta sa kabilang side. Napatingin ako sa mula sa malayo at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may paparating na itim na kotse. Mabilis ito na gagawi kay Justine na nasa harap ang paningin na walang kaalam-alam.

Nataranta at kinabahan ako. Kumaripas ako ng takbo papunta kay Justine na ngayon ay tulalang nakatingin sa kotse na pagawi sa kanya.

Sh*t! F*ck Justine!

Lahat yata ng mura na alam ko ay nasabi ko na dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

"Justine!!" Buong sigaw kong tawag sa kanya.

Doon na lamang sya nagising sa ulirat at napalingon sa gawi na nanlalaki ang mga mata. Agad ko sya niyakap, I protect her head with my hand while my other hand was wrapped around her body and did not let her get hurt.

Ayaw ko syang masaktan ng sobra. I will sacrifice my life for her dahil sa kanya ay naging masaya na ako sa buhay.

Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko nang bumangga ang ulo ko sa matigas na bagay na naging sanhi ng pagkahilo at panlalabo ng aking paningin.

Justine Mae's POV

Dahan-dahan akong dumilat at napatingin ako sa taong nasa harapan ko. Nagitla ako nang makita si Joshua na duguan ang ulo at tila nahihirapan.

Kasabay no'n ang mga taong natataranta at sumisigaw ng tulong.

Agad akong umalis ibabaw nya at nag-aalala na sinuri sya. Nanginginig ako at naiiyak kong hinawakan ang mukha nya.

"J-joshua... Huwag ka'ng matutulog, p-please." Naiiyak kong pakiusap.

Ngumiti sya sa akin. "O-opo, h-hindi a-ako m-matutulog." Nahihirapan nyang bigkas.

"Shhh... Huwag ka munang m-magsalita. Pupunta pa tayong hospital, h-huwag mo akong iiwan ha?" Maluha luha kong sambit dahil natatakot akong mawalan ng kaibigan.

Sya ang kauna-unahang tao na nakipagkaibigan sa akin at naging totoo kong kaibigan.

Kalaunan ay dumating ang ambulansya at ang mga pulis. Hinatid ng ambulansya sa hospital si Joshua habang ako ay nagpaiwan kahit may mga sugat din ako pero hindi ko iyon ininda. Tatanungin ako ng mga pulis tungkol pangyayari.

Naiiyak kong ikinuwento sa kanila ang lahat.

"Nakita ko ba ang plate number ng sasakyan miss?"

Biglang pumasok sa isip ko pangyayari kanina bago pa kami mabanggga ni Joshua.

Kulay itim na sasakyan at ang plate number ay... AGSG 4514.

'Yun nga!

"Bali kulay itim na kotse tapos ang plate number po ay AGSG 4514." Saad ko na isinulat nya naman ito at nagpaalam na.

Biglang nawala ang gutom ko sa nangyari. May iilang sugat din akong natamo pero hindi ko iyon ininda dahil sa pag-aalala ko kay Joshua. Sana maging okay ang kalagayan nya.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now