C H A P T E R 34

65 1 0
                                    

Justine Mae's POV

Ilang minuto na kaming tahimik at tanging tunog ng aircon ang aming naririnig. Napatungo ako at nilalaro ang aking daliri.

May gusto akong itanong kung kamusta na sila ng Grace ba 'yun? Kahit naman mahal ko sya ay nahihiya pa rin ako at tsaka wala akong laban dahil may anak sila ng ex nya.

Ayokong manira ng pamilya, pero ayaw kong mawala ang moment na ito. Kahit sandali manlang ay maging masaya akong makasama sya.

Napatigil ako sa pag-iisip nang hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at hinalikan nya ang likod nito kaya napatingin ako sa kanya na may gulat. Mula sa kanyang mga mata ay nakikita ko ang saya at pagmamahal nya na nakatitig sa akin pero umiwas ako ng tingin.

"Hey, look at me. Please." Hinawakan nya ang baba ko para maiharap sa kanya. Umupo sya sa tabi ko habang taimtim na nakatitig sa akin.

"...Is there something bothering you, hmm?" Malambing nyang tanong na ikinabilis ng tibok ng puso parang noon na ganitong ganito ang puso ko kapag nakakausap ko sya.

When the days na isa ako sa mga tagahanga nya.

"A-ano kasi... Sa totoo lang... Parang mali itong ginagawa natin kasi may anak ka na sa ex mo, kailangan ka ng asawa mo - kailangan ka pamilya mo." Mahina kong sabi.

Bigla syang sumeryoso at bahagyang nagtangis ang panga nya dahil sa sinabi ko pero huminga sya ng malalim.

Galit ba sya?

"G-galit ka ba?" Nauutal kong tanong.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Ngumiti sya sa akin na may malamlam na mga mata na nakatitig sa akin at umiling.

"Hindi ako galit sa'yo. Hindi ko kayang magalit sa'yo wifey ko... Ang totoo n'yan, hindi ko anak si Althea. Nalaman ko lang noong nag-away kami ni Grace at doon na sya umamin." At ngumiti sya ng matamis sa akin.

Napaawang ang aking bibig. Totoo?!

"Paano mo nasabi?" Curious kong tanong.

Huminga sya ng malalim. "Althea is not her a real daughter. Lahat ng pagbubuntis nya dati ay peke. Hindi ko agad napansin iyon dahil nakapokus ako sa business ng pamilya namin na ngayon ay nasa akin na."

Ngumiti sya sa akin ng matamis. Ang gwapo talaga ng hubby ko. "Kaya ngayon na ang pagkakataon para mahalin kita ng lubusan gaya ng pangako ko dati sa'yo, kasabay na bigay ko sa'yo ng kwintas na susi na ako pa mismo nagpadesign." Hinawakan nya ang kanang pisngi ko at hinimas ito ng dahan-dahan gamit ang hinlalaki.

Tinignan nya ako ng diretso sa mga mata. "Ipaglalaban kita at ikaw lang ang mamahalin ko, Justine. I love you very much my Justine."

Speechless ako at tulala lang sa kanya ngunit nagising ako nang maramdaman ang malambot nyang labi sa aking labi, ilang sandali ay nagsimula ng gumalaw ito. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata at tinugon ang mga halik nya.

Our second kiss...

Naghabol kami parehas ng hininga at niyakap nya ako. Napangiti na lamang ako at tinugon sya ng yakap ng mahigpit.

"Pangalawa na." Mahina kong sabi.

Kumalas sya sa pagkakayakap at tiningnan nya ako ng pagtataka. "Pangalawa ang alin, wifey ko?"

Ngumiti ako malapad. "Pangalawa mo na ako hinalikan."

He chuckled at hinalikan nya ang noo ko. "This is the third time I've kissed you." Sabay kindat nya sa akin.

Luh?!

"Huh? Saan naman yung isa?" Nagtataka kong tanong.

Liam James POV

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now