C H A P T E R 16

134 2 0
                                    

Justine Mae's POV

Excited ako ngayon hehe. Ngayon kasi ang date namin ni hubby tapos isasama namin si baby Thea. Parang family bonding na rin.

Kasalukuyan akong nasa kwarto at pumipili ng susuotin ko. Nahihirapan ako sa pagpili kahit date at same time family bonding namin. Gusto kong maging maganda sa araw na ito, para kay hubby at sa future anak ko na si Thea, I will adapt her and love her as my own child.

"Hmmm? Ano kaya ang mas maganda? Ito kayang aqua blue na off shoulder o itong pink off shoulder dress?" Sambit ko habang nasa baba ko ang kamay ko. Ang hirap pumili.

Haist! Pareho kasing maganda ang kulay.

Napabuntong hininga na lamang ako at napakamot sa ulo. "Ito na lang nga. Maganda naman kahit papano pero syempre mas maganda ako haha." Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

Pinili ko yung aqua blue na off shoulder dress dahil mainit ngayon kailangan light color ang susuotin ko para hindi mainit sa paningin.

Kinuha ko na ang towel at pumasok sa cr para sa akin routine hehe. Habang nagpupunas ng buhok ay biglang tumunog ang cellphone ko na nasa side table ko na naka-charge.

Lumapit ako dito at tinanggal sa pagkaka-charge baka masira eh, ang mahal pa naman ng pagkakabili nito ni kuya Haruto dahil sa achievement ko noong nasa Japan ako. Samsung pero na f-flip ito at gradient pink ang kulay nito.

Unknown number...

How's life? Happy? Hmmm well... Sulitin mo na ang araw na ito dahil baka bukas magdusa ka na haha. See you soon...

Your angel.

Angel your ass. Tch! Angel pa ba tawag dito kung araw-araw ka'ng pinagbabantaan. So funny.

Napabuntong hininga na lang ako. Halos araw-araw may natatanggap akong ganitong text pero iba't-ibang number. Mayaman ito panigurado tapos gastador. Nakakabili sya ng panibagong sim na para lang isang candy na nabibili sa stores. Sayang pera nya.

Kahit mayaman ang pamilya ko, hindi ako gastador na tao. Alam ko ang mag-manage ng pera tsaka hindi ako na asa sa yaman ng pamilya ko.

After sometimes ng pag-aayos then viola! Ang nag-iisang dyosa nyo ay muling masisilayan muli ng mahal na hari which is my future hubby.

Kyah! You're so totally crazy now Justine. Yes, crazy for James ONLY.

Habang kinababaliwan ko ang aking sarili sa salamin ay may nag-doorbell kaya napatigil ako. My goodness! Sya na yata 'yan, hindi manlang magtext hmp!

Dali-dali kong kinuha ang minnie backpack ko na gucci sa kama. Tinignan ko muli saglit ang aking sarili sa salamin at kumindat bago lumabas na ng kwarto a. Ang ganda ko talaga haha.

Nag-doorbell muli ito ng dalawang beses.

"Nand'yan na! Teka lang naman! Walanjo..." Bulong ko sa dulo.

Pagkabukas ko ng pinto na nakangiti pero nawala ang ngiti ko ng bumungad sa akin ay si... Darell?

Ginagawa nya dito?

"Good morning Mae and long time no see." Bungad nya.

Nagtaka ako at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Infairness may nagbago sa kanya mas lalong gumwa— err gwapo lang dahil para sa akin si Liam James Grayson lang ang pinaka-gwapo sa paningin ko, period of that!

"Good morning din hehe... What are you doing here?" Nagtataka kong tanong.

Napatawa sya pero wala ako naging reaksyon. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Napatigil sya sa pagtawa at tumikhim. Tinignan nya ako sa mata ng diretso. "Nanliligaw na ba sya sa'yo? Si... James I mean sir James."

I stunned sa tanong nya. How did he know? Ang pagkakaalam ko ay si Joshua, tita Kirsten, at family ko ang may alam dito.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kamay na pumulupot sa bewang ako hinigit nya ako palapit sa kanya.

"Yes, I'm courting her a month ago... Do we have some problem about that, dude?" Napalingon ako sa biglang pagsulpot ng kung sino. Napanganga ako nang bumungad sa akin ang kanina ko pa'ng hinihintay.

A-ang g-gwapo nya mga bes!!

Ang gwapo gwapo talaga ng hubby ko ahihihi.

Napatahimik ako nang lumingon sya sa akin at ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Good morning wifey ko. You're so beautiful. Always beautiful for me... By the way, are you ready to our DATE?" May diin nya sa dulo.

"Sino po sya, daddy? Ang gwapo naman po nya. Para syang prince charming sa story book ko ahihihi." Sabat naman ng isang cute na boses kaya napangiti ako. Ang baby Thea ko.

"Anak... Sya nga pala ang tito Darell mo, KAIBIGAN ng mommy mo." Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagtawa. Napapailing ako mentally.

Haist! Nagseselos na naman ang hubby ko haha.

"Hi po tito?" Bati ni baby Thea kay Darell na ngayon ay naguguluhan sa nangyayari at palipat-lipat ang tingin nya sa amin.

"Mommy?... Anak?... May anak na kayo? Kailan pa?" Sunod-sunod nyang tanong.

Narinig ko ang mga bulungan ng mga napapadaan dito kaya nakaramdam ako ng hiya. Baka akala nila may nag-aaway. Masyado kasi malakas ang boses ni Darell kaya akala ni May nag-aaway dito.

"Ah... Eh... Haist! Doon muna tayo sa loob na mag-usap dahil pinagtitinginan na tayo ng mga dumadaan dito." Mahina kong sabat sa kanila kaya napalingon silang dalawa sa akin.

"Mommy ko! Ahihihi." Masayang tawag sa akin ni baby Thea.

"Siguro nga/Okay wifey ko." Sabay nilang tugon.

"Halika baby Thea, kay mommy ka muna. Mag-uusap lang sila daddy at tito Darell mo." Malambing kong tawag kay baby Thea ma agad lumapit sa akin na nakangiti ng malawak.

Maglalakad na sana kami nang magsalita na naman ang dalawa. "Where are you going?" Sabay nilang sabi. Napahagikgik ako dahil konektado ang mga utak nila, sabay na sabay eh haha.

Sabay kaming lumingon ni baby Thea sa kanila na nakakunot na ang mga noo nila.

"Kami muna ni baby Thea ang mag-date hehe habang nag-uusap kayo." Saad ko.

"Tama po si mommy. Gusto ko muna ma-solo ang mommy kong maganda, daddy at tito Darell kaya see you later na lang po hehe." Pagsang-ayon ni baby Thea at humagikgik at hinila ako sa kamay. So cute!

"Sasama ak— kami pala, wifey ko."

"He's right, baka may mangyari pa sa inyo ng baby natin." Nakangising saad ni Darell at bahagyang lumingon kay hubby na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Nababalutan na rin ng maitim na aura.

Oh no! Lagot ka Darell haha. Asar pa more!

"Baby your a—" Sinamaan ko sya ng tingin dahil may bata kaming kasama kaya napatahimik at tumikhim sya.

"Whatever... Huwag ka na sumama sa amin, hindi ka belong." Nakangising saad naman ni hubby. Haist! Hindi talaga nagpapatalo.

Nagsamaan sila ng tingin parang may kidlat sa pagitan nila at black aura na bumabalot sa paligid nila. Lumingon ako kay baby Thea na pinagmamasdan din sila kaya pumantay ako sa kanya at bumulong.

"Halika na baby, iwan na natin sila." Bulong kong aya kay baby Thea.

Ngumiti sya at tumango. "Opo, mommy ko. Tara na po hehe."

Iniwan na namin ang dalawa na nagtatalo pa rin doon. Hindi na nahiya dahil napapatingin sa kanila ang mga dumadaan at nanonood sa kanila, haist!

Ang dalawang gwapo ay may round one na nagaganap haha. Boxing lang ang peg at kami ni baby Thea ang referee.





To be continued...

07/02/2022

© 2022 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now