C H A P T E R 27

69 0 0
                                    

Liam James POV

What the heck is that?!

Tulala at malungkot ako na sinusundan ng tingin ang kotse kung saan nakasakay ang wifey ko.

I know that there is something wrong with Justine. Base sa sinabi at inasta nya kanina that's why I'm so worried and at the same time malungkot din.

She don't know me.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng coat. I dialed his number. Alam kong may alam ang lalaki ito dahil sya ang umalalay kay Justine nang himatayin ang wifey ko.

I felt sorry and jealousy but kailangan ko munang itabi ang selos na nararamdaman ko for her sake, I don't want to be selfish for this time.

Bumalik ako sa kotse para walang makarinig sa amin dahil kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sa amin ng wifey ko.

"Hello... Who is this?"

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Is this Trevor Ash Peñafrancia? This is Liam James Grayson suitor of Justine." Then I smirked even he don't see.

"Paano mo nakuha ang number ko?"

"Hindi na mahalaga kung paano ko nakuha ang number mo... I need to ask something important, tungkol ito kay Justine at huwag mong susubukan na magsinungaling dahil malalaman at malalaman ko ang totoo." Seryoso kong sabi.

"Oh, like I'm scared, tss... By the way, what is it Mr. Grayson, huh?" He sarcastic said.

Kung hindi lang ako dean, malamang baka kanina ko pa sya pinuntahan at nasapak. Tsk, kainis!

"Bakit hindi nya ako makilala?" Seryoso ngunit may bahid na lungkot kong tanong.

Mga ilang segundo na tumahimik ang kabilang linya hanggang sa narinig ko ang pagngisi nya.

"I don't know... Hanapin mo ang sagot sa tanong mo, Mr. Grayson." Tsaka nawala ang tawag.

Pabato kong inilagay sa backseat ang cellphone ko sa inis tsaka nagsimula nang magneho. D*mn that guy!

Dumeretso na lamang ako sa school. Hindi ganun katao ang school dahil sa nagsisimula na siguro ang klase. Pagkapasok ko sa office ay umupo agad ako sa swivel chair ko.

Sumandal ako at napapikit. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. I don't want to lose her forever, I really love her so much!

Bakit ba kasi nangyayari ang mga ito?!

Justine Mae's POV

Parang hindi ako masaya na sa wakas ay nakapasok na ulit ako sa school. Ewan ko ba kung bakit?

Peñafrancia University... Parang pamilyar din ang Peñafrancia, narinig ko na yata somewhere.

Busy lang akong kumakain ng sandwich at piece of matcha cake dito sa cafeteria. May napapatingin sa gawi ko pero kapag titingnan ko sila ay iiwas din sila ng tingin.

Bunch of weirdos!

Hay ang sarap talaga kumain lalo kung paborito mo ang pagkain.

"Kyaaahh! My gosh! Diba sya yung anak ng may-ari ng school?"

"Yes teh! Sa wakas dito na sya mag-aaral muli."

"Ang gwapo nya, Trevor daw ang name nya?"

"Fafa Trevor! Dito ka na lang sa tabi ko, please?"

Napailing na lamang ako sa kaingayan nila. Hindi ba nila kayang kumain na hindi na nag-iingay?

"Can I join, Justine?"

Napatigil ako sa pagnguya at napatingala. Gwapo naman sya kaso... Nevermind.

Pero bakit alam nya ang pangalan ko?

Binalik ko na lang ang paningin ko sa pagkain at tumango na hindi sya tinitignan. Ayaw ko naman tumanggi dahil hindi naman sa akin ang mesa at upuan dito tsaka sya daw yung anak ng may-ari ng school baka isumbong pa ako.

Gumagana na naman ang pagiging Marites ko. My goodness!

"How did you know my name? And staring is rude." Inunahan ko na sya na magsalita dahil kanina pa sya nakatitig sa akin habang nainom ng tubig.

Bigla sya tumawa pero hindi gaano kalakasan. Diretso lang ang paningin ko sa kanya. Seriously? Anong nakakatawa sa sinabi ko. Another weirdo!

Nang mapansin nya siguro na diretso at seryoso lang ang tingin ko sa kanya ay napatigil sya sa pagtawa tsaka uminom ng cola nya.

Tumikhim sya at umayos ng upo. "Sorry... Hindi mo ba ako nakikilala? I'm your bestfriend, Trevor Ash Peñafrancia."

Umiling na lamang ako at inayos ang pinagkainan ko na nasa mesa.

Narinig ko syang napabuntong hininga. I don't remember na may kaibigan ako dahil buong buhay ko ay wala akong naging kaibigan, meron naman sa Japan kaso they're betrayed me at nalaman kong pera lang ang habol nila sa akin kaya sila nakipag-kaibigan sa akin because the I'm richest in the whole class.

"Walang akong kaibigan." Plain kong sabi tsaka matamlay ko syang tiningnan.

Hindi sya sumagot ngunit iniusog nya papalapit sa akin ang isang platong carbonara at ngumiti ng matamis sa akin.

"Huh? Bakit mo binibigay sa akin 'yan?"

"Sa'yo na lang 'yan. Alam ko naman na gusto mo pa. Kunyari ka pa."

Tinignan ko sya ng matalim. "Joke lang, pero sa'yo na lang 'yan and as you're bestfriend from now on pero baka soon more than bestfriend na. Kahit na hindi mo ako naaalala ay ayos lang sa akin." Halos pabulong na yung dulo na sinabi nya sabay kindat nya sa akin pero halata na sa boses nya na malungkot sya.

"Playboy ka noh?" Tanging tanong ko.

Napahawak sya sa kanyang dibdib. "Ay grabe sya!"

"So totoo na playboy ka?" Taas kilay ko muling tanong.

He chuckled. "Dati, pero ngayon hindi na dahil sa isang babae na nakilala at nagpabago sa akin ng tuluyan. Thanks to her." Muli syang ngumiti ng matamis.

Bigla na lang nawala yung takot na nararamdaman ko nang makita ko ang ngiti nyang sensiridad. Mabuti naman at nagbago na sya pero sino kayang babae na nagpabago sa kanya? Ang swerte naman nya.

"Basta bestfriend na tayo ah?" Nakanguso nyang tanong tsaka kumain.

Natawa na lamang ako sa kakyutan nya. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"Oo na haha."

Biglang umaliwalas ang mukha nya. "Tayo na?"

Yung tawa ko kanina ay naging ngiwi. "Anong tayo na? Pinagsasabi mo?"

"Este mag bestfriend na TAYO. Yun yung ibig-sabihin ko."

Namumula nyang sabi at tuloy tuloy ang pagsubo nya ng carbonara, halos mabilaukan na sya sa kanyang ginagawa.

"Da—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla syang nabilaukan gaya ng naiisip ko.

Agad ko syang inabutan ng tubig na agad nyang ininom. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya.

Hinihingal sya matapos uminom at umiwas ng tingin na namumula pa rin. "Sh*t nakakahiya."

Hindi ko mapigilang matawa sa itsura nya, ang cute nya kasi. "Pff HAHAHAHA. Huwag kasing masyadong magmadali, 'yan tuloy nabilaukan ka."

Sa wakas may kaibigan na rin ako at gwapo ng kaibigan ko syempre haha kaso isa rin weird.




To be continued...

09/14/2022

© 2022 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now