C H A P T E R 31

65 2 0
                                    

Liam James POV

"Nice to see you again, Mr. Tan." I greeted to him.

Napatayo sya at tumango. "Same to you, Mr. Grayson. Maupo ka." Tumango na lamang ako ng tipid.

Nang makaupo kami ay nag-order kami, mga ilang minuto ay dumating na din ang order namin na pagkain. Habag kumakain ay ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Gulat at lungkot ang nakita ko sa mga mata nya.

"Kung ganun nakakausap mo pala sya kaso hindi ka nya kilala, ganun ba?"

Napatingin ako saglit sa bintana at huminga ng malalim dahil parang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya bago muli akong tumingin sa kanya.

"Oo parang ganun. I'm hurt a lot because she doesn't remember me, it's my fault why we're in this situation now..." Huminga muli ako ng malalim para mabawasan ang bigat sa puso ko.

"K-kung siguro na nandoon ako at naipagtanggol ko sya sa lahat baka kasama ko pa rin sya hanggang ngayon at masaya pa rin kami, I'm so sorry for what happened." Malungkot at nagsisisi na saad ko.

Bumuntong hininga sya. "Hindi mo rin kasalanan ang nangyari pero sigurado akong hindi 'yun aksidenteng na-post sa group page ng school dahil sa tingin ko ay sinadya talagang i-post 'yun. Wala ka bang nagkaroon ng atraso sa isang tao o naging karibal kay Justine, Mr. Grayson?"

Napailing na lamang ako. "Just call me by my name dahil masyadong formal... Wala naman akong atraso sa iba pero sa pagiging karibal sa puso ni Justine ay isang tao lang ang alam ko."

Sumeryoso ang mukha nya dahil sa sinabi ko bago uminom ng tubig na nasa mesa.

"Who will it be?"

"Si Mr. Ermita." Seryoso kong tugon at kasabay no'n ay tumunog bigla ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko, kinuha ko ito.

My wife's calling...

Napangiti na lang ako dahil sya ang tumatawag. Sinagot ko ito ngunit nawala ang ngiti ko dahil ibang boses ang narinig ko na isang natatarantang babae.

"Sir, pwede po ba'ng pumunta kayo dito sa hospital?"

Bigla akong kinabahan dahil sa salitang 'hospital'. May nangyari ba kay Justine?!

"Sino po sila? May nangyari ba kay Justine?"

"Katulong po nila ma'am Justine. Biglang na lang po kasing hinimatay si ma'am tapos tumama yung ulo nya sa hagdan kaya nagdugo ito. Wala po kasi yung mga magulang ni ma'am Justine dahil sa nasa business trip po sila sa London kaya ikaw lang po ang tinawagan namin dahil kaibigan mo sya. Nasa Santiago hospital po kami, sir." Umiiyak nyang sambit.

"S-sige, papunta na ako." Kinakabahan kong tugon at pinatay ang tawag.

"Anong nangyari kay Justine, Liam?!" Nag-aalalang tanong Joshua.

"F*ck! Nasa hospital sya ngayon dahil biglang nahimatay daw sya bigla at tumama ang ulo nya sa hagdan. Kaya pupunta ako doon. Sa susunod na lang tayo ulit mag-usap, Joshua."

"Nasaan ang mga magulang nya?" Nakakunot noo nyang tanong.

"Business trip in London. I need to go, now. However, kung gusto mong sumama. Just follow me to Santiago hospital. Let's go."

Tumango na lamang sya. Nagbayad muna sya sa counter, sya daw ang magbabayad. Tinanggihan nya ang alok kong mag-ambag ng bayad sa mga inorder namin.

Nauna ako sa kanya na sumakay sa kotse ko at umalis. Nasa likod ko lamang sya at nakasunod sa akin.

I hope my beloved girl is doing well because I can't if... Argh! Huwag sana mangyari ang pumapasok sa isip ko.

***

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now