Simula

20 1 0
                                    

"I will die over and over again just to go back to the time I first saw you."



Mabilis na tumatakbo ang binatilyong si Dawson upang makalayo sa mga pulis na humahabol sa kanila. Umaalingawngaw sa buong kalye ang tunog ng wangwang ng mga ito.


"Gago ka Dawson! Sinabing huwag mong gawin pero ginawa mo pa rin! Ayan, mukhang makukulong na naman tayo sa gabing ito!" Nangagalaiti na sa galit ang kasama nitong si Steve.


Nagtago sila sa isang madilim na eskinita kung saan maraming nakahalang na naglalakihang tangke. Ramdam niya ang bawat butil ng pawis sa kanyang noo at likuran. Hindi niya iyon alintana kasama ang natamong sugat mula sa pagkakahulog sa kanal kanina habang lumalayo sa mga humahabol sa kanila.


Palayo ng palayo ang tunog ng wangwang kaya naman ang dalawa ay nakahinga ng malalim.


"Kung hindi natin yan nakuha, tayo ang malalagot kay Fred." Kalma niyang sambit sa kasama.


Mahigpit na niyakap ni Steve ang tinutukoy ni Dawson at marahang tumango. Maging siya ay nakaramdam na rin ng pagod at sakit mula sa ilang oras na pag-takbo.


Ang dalawa ay pawang mga binatilyo na nagtatrabaho para kay Fred. Simula mga bata pa ay nakupkop na sila nito. Totoong siya ang nagpakain sa dalawa maging ang iba pa nilang kasama, binihisan at binigyan ng bahay na masisilungan subalit ang lahat ay may kapalit.


Kinupkop sila para pagkakitaan. Kinailangan nilang magbigay ng halaga araw araw dahil kung hindi, mamatay sila sa gutom at parusa. Sa kahit na anong paraan, dapat nilang gawin basta matupad ang hiling ng kinakatakutan nilang si Fred.


Dalawampung taon ang tanda ni Fred sa dalawang binatilyo. Siya ang namumuno sa kanilang grupo. Grupo ng mga batang iniwan, inabandona, at pinagkaitan ng pamilya. Mga batang sa lansangan na humahanap ng kalinga. Tuso at ganid ang lalaking ito. Sarili lang ang iniisip at siyempre, pera. Bagama't sa una, pakikitaan nito ng kabaitan ang mga bagong nakukupkop na mga bata para makuha ang loob nila, subalit sa huli naman ay pagkakakitaan lamang.


Sa gabing iyon, nautusan si Dawson at Steve na nakawin ang isang bag ng negosyante ng bayan. Maganda ang ginawang plano ng dalawang binatilyo upang makuha iyon ng matiwasay. Maayos nila iyong naisagawa sa una subalit mayroong mga pulis na nagroronda kaya naman, ang kinalabasan ay natuklasan sila.


Nakatakas nga sila mula sa mga pulis nang gabing iyon at naihatid ang bag kay Fred. Kaagad na binuksan iyon ng mga tauhan nito at iniluwa noon ang mga alahas, libo-libong pera at ilang bagay na hugis rektangulo na nababalutan ng mga diyaryo.


Sa isang sulyap lang, alam na ng dalawa kung ano ang mga bagay na iyon. Ngumisi si Fred na parang demonyo sa dalawang binatilyo at patuyang binate ang mga ito sa matagumpay nilang nagawa.


Kanya nang papayagan ang pag-alis ng dalawa nang tumunog ang telepono sa isang maliit na mesa, hindi kalayuan sa kanila. Kinuha iyon ng tauhan niya at ibinigay kay Fred.


Ilang sandali siyang natigil. Unti-unting kumunot ang noo niya at ang mga mata ay nanlilisik na rin.

Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now