Kabanata 6

7 0 0
                                    

"Keeping the heat on your feet."


Hiyang hiya ako sa sarili nang makalabas sa silid niya. Hindi na ako bumalik. Halos hindi ako pinatulog nang kakaisip bakit naman ako tanong ng tanong!

Nang maiakyat ni Yaya ang gatas ko at pagkatapos mainom yun, humiga na ako sa kama. Sinuri pa muna ni Yaya ang mga natamong sugat sa tuhod at siko bago ako iniwan sa kuwarto.

Isang oras din akong nakipagtitigan sa kisame bago dinalaw ng antok.

"Sige na, Yaya! Sumama ka na sa akin sa syudad mamaya! Imagine, ilang linggo na akong hindi nakakapag shopping! I need new dressess and shoes and bags!"

Kinaumagahan, labis ang pangungulit ko kay Yaya Lucing. I wanted to go shopping to buy some new stuffs. Papa wasn't able to go home last night at sabi niya nang tumawag kanina, baka sa Martes pa ang uwi niya.

Nalungkot ako dahil ang balak ko pa naman ay magpasama kay Papa. It's been so long since we had some quality time but then, knowing Papa, his service is more important above all. And I totally understand that.

It's just that sometimes... I wish he had more time with me. I wish we can spend time shopping, camping, and many more.

Hindi ako mahilig ng mga outdoor activities, but actually, if si Papa ang kasama, I'd be glad.


Noon, hiniling ko na turuan niya akong lumangoy, but because he's really busy, he never had time for that. Lumipas ang panahon kaya nakalimutan ko na rin.

I'm still grateful that Yaya Lucing has been there for my whims. Laging siya ang kasama ko at parati rin, siya ang nakakapitan.

"I mean Yaya naman, please samahan mo na ako! Alam mo namang I can't go ng mag-isa lang, diba?"

"Anya anak, linggo ngayon. Uuwi ako sa bayan para dalawin ang mga anak at apo."

It was early in the morning. As early as 4:30 AM. Nagising ako ng maaga at alam kong gising na rin si Yaya. She was preparing my breakfast.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang Yaya? Ang tagal ko na talagang hindi nakapag shopping! I've been using my bags for months! Tapos may mga kailangan pa akong bilhing papel!"

"Hindi pwede Anya. Kung bukas, sinong maghahanda ng susuotin mo? Almusal mo? Ng uniform mo? Kaya pagkatapos nito, luluwas na ako para makauwi rin kaagad mamaya ng gabi."

I pouted in front of her. Naiintindihan ko naman si Yaya. Kahit papaano, may pamilya siyang gustong uwian. She's staying here almost everyday, at pati ba naman ang linggo, ipagkakait ko sa kanya?

Lalo akong ngumuso.

"Naku, Anya huwag kang bubusangot riyan at umagang umaga. Pangpamalas yan!"

"Pero Yaya. Hindi ko naman gustong lumabas ng mag-isa lang..."

Nakarinig kami ng pintuan na nabuksan. It was somewhere but I didn't mind. My mind was too occupied.

"Magandang umaga ijo!" Bati ni Yaya sa kanya.

"Tamang tama! Anya! Siya na ang pasamahin mo!"

My attention was put on him who's standing meters away at the back.


"Magandang umaga po." Siya.

Kagigising lamang ngunit mukha namang nakapag hilamos!  I gave him a poker face. Naisip ko rin naman na baka siya na lang ang isama. But after what happened last night and my actions really confused me, ayoko ng makasama siya ulit!

Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now