Kabanata 18

6 0 0
                                    

"Patiently waiting under the starry starry night"




The presence of the Police Officers became regular at the resto. Gabi-gabi ring masaya si Cuisha, especially that based on her stories, nagkakamabutihan sila noong isa sa mga pulis. They exchanged numbers and texted each other from that day on.



Kaya sa tuwing dumadating sila, hindi na ako nag-aabala pang kunin ang orders nila dahil nasa labas pa lang ang grupo, nakaabang na si Cuisha.


I raised an eyebrow when I noticed the same person glance at me the moment they entered inside. His attention remained to me the whole night. I could feel it. I could see it.

I didn't care though.


I took advantage of the time there are no customers to serve by glancing at my notes and study a bit. Finals are near to come, so, I have to advance studying. Not that I aspire for something. I'm just busy during weekends kaya kailangan kong mag-aral kapag may pagkakataon.



Iilan lang ang nasa resto kaya hindi kami naging abala ni Cuisha. Siya na rin ang umako sa mga orders ng iba. Observing her, she just wanted to say hi from time to time to the group of police officers there kaya kapag may pagkakataong makalapit sa kanila, she grabbed it.



During my duties at the convenience store, police cars are patrolling every night. Gabi-gabi, naroroon sila sa resto. Pati ba naman dito? Inisip kong baka magkaiba ang grupo nila. Pero nang pumasok ang dalawang pamilyar na pulis sa tindahan, nakumpirma kong sila iyon!



I have customers in front at the time they set foot into the store. Pero hindi nawala ang tingin ko sa kanila. The one who's wearing a cap, as usual, is stealing glances.



Sa coffee machine sila dumiretsu para kumuha ng kape. Lumiko siya sa linya kung saan naroroon ang mga refrigerators. Nawala ang atensyon ko sa kanya ng mailapag ng customer ang lahat ng pinamili niya sa counter.


I began beeping the items at the system for calculations. Nang matapos, nagbayad na rin ang customer. Pinasok ko sa isang ecobag ang mga pinamili niya sabay lahad sa kanya. Tinanggap niya iyon at lumabas na mula sa store.


I saw the two policemen walk towards the counter while holding their coffees. Nakayuko siya sa pagtungo nila sa banda ko, nasa likuran ng kasamahan niya kaya natatakpan siya nito.


Sa paglapag ng kasamahan niya ng kape, namukhaan niya ako.



"Teka, ikaw yung waitress sa resto malapit sa station, tama ba?"


I leered at him. Tumango ako at bumalik na sa pagkalikot ng monitor para sa bayad ng pulis.



"Anyariese..," he said while looking at my College ID na suot-suot ko pa rin. "You have a nice name. Kolehiyala ka rin ba katulad ni Cuisha?"


Nagulat ako sa tanong niya. Siya ba yung kaharutan ni Cuisha na ang kwento ay nagkakamabutihan na sila?


I took a quick glimpse of their nameplates. Terrance and Salvador.


Tumango ako, muli. Bahagya at mabilis. Isang kape at esterelized milk ang muling nailapag sa counter. Order niya yun. He cleared his throat. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nang masilayan ang buo niyang mukha, umiwas siya kaagad. Napansin ko ang maliit na bigote at balbas sa mukha niya, making him look matured. Kumunot tuloy ang noo ko. What's wrong with him?


Bumaling ako sa katabi niya. Immediately, I felt his stares from my peripheral view.



"85 pesos," sa maliit na boses ay wika ko.



Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now