Kabanata 2

14 0 0
                                    

"A chance that paves my way to you."



"Nakita niyo yung mukha ni Catalina nung ina-announce ni Teacher kung sino ang nangunguna sa exam?" It was my classmate, Aleida.


Kaagad kong nakutuban ang mga susunod niyang sasabihin.


"Paano ko ba palalagpasin yun?! Habang nag-a-announce si Teacher, sa kanya ako nakatingin!" Humalakhak si Helen sa tabi ni Aleida.


"Ang kapal kasi ng mukha! The nerve of her to think na malalagpasan niya si Anya pagdating sa academics!"


Hindi ako nagkamali sa kutob. Palihim akong ngumisi. I scored high halos sa lahat ng subjects namin for the third quarter at ako ang may pinaka mataas na marka sa buong sophomore. As expected. Hindi rin naman ako papayag na hindi iyon mangyari.


I studied hard for the title. Now, I'm earning it!


Nasa canteen kami ng school. Bukod kay Aleida at Helen, kasama rin namin ang ilang boy classmates, including my suitor, Zoren. Manliligaw ko siya ever since we were in our freshmen year. Hindi ako handa sa ganyan, dahil busy ako sa pag-aaral.


And I think I am too young to have a relationship with anyone. Hindi ko siya pinayagan una pa lang na sinabi niyang manliligaw siya. I already declined. Pero makulit, maingay, at naiinis na ako kaya sinabihan ko na lang na kung manliligaw siya, bahala siya. I didn't give him assurance, though.


Willing naman daw siyang maghintay. Now that we are in our sophomore year, I don't think makakapaghintay pa siya. It's okay for me.


"Kahit naman nung nasa elementarya tayo, studious na talaga si Anya!" Azrael exclaimed. Ang tanging lalaki sa grupo na malamya at may malambot na pangangatawan. He's a straight guy, though.


I noticed Zoren, who's sitting beside me, opened my bottle of water. Kasalukuyan kasi akong kumakain ng snacks. Ibinigay niya iyon sa akin. I said 'thank you' in silence.


"Ano pa't valedictorian iyan kung matatalo ni Catalina!" Si Rodi, ang matikas sa grupo.


Tahimik kaming nakikinig ni Rozen sa kuwentuhan ng mga kaibigan. I was silent because I was eating. Si Rozen naman, abala atang pagmasdan ako! I am getting conscious because of that!


Maingay sa lugar dahil recess time kaya halos lahat ng mga studyante ay naroroon. Nakaupo kami sa spot table namin habang nagkukuwentuhan.


And they were talking about my rival in school, Catalina. Classmate rin namin iyon noong nasa elementarya pa kami. She was actually our salutatorian kaya katulad ko, ay competitive rin. Kami ang laging naglalaban pagdating sa lahat ng school activities.


But as I said, I am the best kaya hindi niya ako matatalo.


Ang mga kaibigan ko ay may mga mararangyang buhay rin katulad ko. Director ang mga magulang nina Aleida at Rodi. Si Helen at Azrael naman, parehong abugado ang mga magulang. Samantala, si Zoren ang pinaka mayaman dahil businessman ang tatay niya habang ang nanay naman niya ay isang school principal.

Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now