Kabanata 10

13 0 0
                                    

"To be only yours, I pray"



Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili. Nag aalala ba talaga ako para sa kanya? If that's the case, bakit ako magagalit dahil lang pakiramdam ko hindi tama ang hayaan ang sariling mabasa sa ulan, para lang mapayungan ng mabuti ang iba?


Oo, inaapi ko rin siya. Inaalipusta. Pinapahirapan at inuutusan ng kung ano-ano pero may dahilan akong malalim. Ngayon si Zoren, anong karapatan niyang utusan si Dawson? But wait, what if it was just a favor? Anong masama na magpapayong naman siya kay Dawson? Eh, may payong naman talagang hawak si Dawson. Kung sakali naman, eh, ako pa ang magsasabing ihatid siya sa sasakyan dahil ayaw ko rin namang mabasa ang kaibigan!


Eh bakit ko ba kasi ito pinagtatalunan sa utak?


I literally shut down my mind and took over control.


"Basang basa ka na. Magkakasakit ka niyan. Are you even thinking about that?" I tried very hard to calm my voice. I hope I did.


"Ayos lang naman ako. Matutuyo rin naman dahil maghihintay pa tayong humupa ang ulan."



"Ang sabi ko baka magkasakit ka! Paano kung mangyari yun ha?"


"Hindi mangyayari yun."


"How are you so sure about that?"


"Hindi yun mangyayari." He said it with finality.


I gritted my teeth. Ewan ko sayo!


Naghintay pa kami ng ilang minuto bago humupa na nga ng tuluyan ang ulan. Kaya nagpasya kaming umalis na roon. Pinayungan niya ako ng mabuti. Habang siya, halos makalabas na ang buong katawan sa payong. Hindi na malakas ang ulan pero may ambon pa rin.


"Lumapit ka para makapayong ka ng mabuti," utos ko.


"Hindi na. Malapit lang naman."


Seryoso ang mga mata niya na nakatuon sa harap. Isang sulyap ang ginawad ko at nang mapagtantong wala siyang balak na sundin ako, ako ang dumikit sa kanya ng sobrang lapit. Nagulat siya sa biglaan kong ginawa kaya agad rin lumayo.


"Ano ba? I said come closer para mapayungan ka!"


He looked away. "A-ayos lang a-ako," he stuttered.


"Pwede ba? Sundin mo na lang ako nang mabilis tayong makarating! Ang lapit na natin, oh? Gusto ko ng makauwi, please. Giniginaw na ako kaya wag ka ng makipagtalo sa akin!"


Bumuntong hininga siya bago unti-unting lumapit sa akin para makasilong ng mabuti sa payong. We were so close to each other. His body touches mine as we walk towards the parking lot. Alam kong hindi siya kumportable pero mas maigi na iyon kaysa ang mabasa siya ng paulit ulit sa ulan. Isa pa, hindi rin naman ako kumportable ah!


I sighed in relief as we get inside the car. Pinaandar niya ang sasakyan at automatic namang bumukas ang aircon.


"Pa-turn off please ng aircon. Nilalamig ako, Dawson..." mahina kong sambit.


I felt cold literally. Kinailangan kong bumaling sa banda niya dahil tila naestatwa siya sa kinauupuan. I saw him gulped hard and licked his lower lip so fast. He closed his eyes as if he was hurt or in pain. Kumunot ang noo ko dahil dun.



Ako na ang pumatay sa aircon. He came back to his senses and apologized immediately. I just rolled my eyes at him. Nagsimula na siyang maneobrahin ang sasakyan. I hugged myself. Nilalamig ako ng sobra at tila, nagkakasipon pa. Hindi naman ako itong naulanan pero bakit parang sumasama ang pakiramdam ko?



Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now