Kabanata 21

2 0 0
                                    

"One call for my name, and my hatred and sorrows vanished like a fog embracing a valley"





It was a productive discussion with Sloane and ate Pancing. Nagagalak rin ako dahil nagkamabutihan ang dalawa. Di ko inaasahan ang pag-gaan ng loob ni ate Pancing sa kaibigang Kapitan, pero nga naman, sino ba ang hindi? Hinda ba't noong araw, mabilis ring gumaan ang loob ko kay Sloane?









He is a kind person, with so many dreams and visions in life. Kaya di na kataka-taka kung mapalapit ang loob ng sinoman sa kanya. Back in Banaue, his constituents love him so much. Nabansagan ngang batang Kapitan na may malasakit.











Nagpaalam sa aming dalawa si Sloane. For all the goodbyes I've experienced, ang paalam niya ang pinakamagaan sa pakiramdam, so inspiring... and motivating. How could a goodbye feel like that?









"I'll text you when I get home," bulong niya sa akin. Ngumiti ako at tumango.











Bumaling siya kay ate Pancing. "Nice meeting you, Pancing. I'm honored," paalam niya naman rito.









"Nice meeting you, too! You now have my vote for Anya!"









Sloane laughed so manly. "Then, aasahan kong babantayan mo siya sa mga magtatangka, ha?"









Napailing na lamang ako sa dalawa, habang kumakawala ng maliliit na tawa.











"I will!"









Buong gabi akong tinukso ni ate Pancing tungkol kay Sloane! Hindi niya ako tinantanan roon. Kesyo mabait raw, matalino, may pangarap, at may itsura! Well, I have to agree with that because they are all true.











Ganumpaman, hindi natapos ang gabing iyon na hindi siya sumagi sa isip ko. Alam kong naging marahas ako sa kanya. Alam kong mali ang ginawa ko dahil ngayo'y nakakaramdam ako ng konsensya. Ano nga naman kung sincere siya sa pagpunta roon?











I even attributed his action to my past! Dinamay ko pa sa hinanakit ko kay Dawson. I'd understand if he hated me for that.









Siguro nga, ayoko lang ng biglaang nawawala ang tao, especially if I started caring and recognizing their efforts.









Siguro nga, hindi lang pagpapaalam ang trauma ko, kundi pati na rin ang pag-iwan sa akin ng walang pasabi o abiso man lang.









Siguro nga, mas tatanggapin ko pa kung sasabihan ako sa pang-iiwang mangyayari, kasi sa paraang iyon, maihahanda ko ang sarili na masaktan at mahirapan. At sa paglipas ng panahon, mabilis akong maghihilom kasi nakapagpaalam ang taong mang-iiwan, kasi nasabi niya kung bakit siya mang-iiwan. Sa ganoong paraan, mabilis akong maghihilom at kaya kong harapin ang kasalukuyan ng walang maraming tanong at pagsisisi.











Kitang kita naman ang iniwang sakit ni Dawson. Malalim, tagos, at hanggang ngayon, nandito pa rin, ramdam na ramdam ko. Because I cannot think of any reasons to heal myself or even move on.









For the past years, I have only been able to move forward but never really get over him. And thinking he got over me will just injure my heart.









Walong taon na ang lumipas at hindi nagdaan ang mga gabi na hindi sumagi sa isip ko kung bakit niya nakayang kalimutan ako. Kalimot-limot ba ako?









Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 29 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Slowing Down from the Carousel's RideOnde histórias criam vida. Descubra agora