Kabanata 13

7 0 0
                                    

"Only you I can see in the midst of the crowd"




Confusion might have enveloped me at first but I was so sure he's into me. His gesture filled all the blanks in my mind, all the questions... all the new emotions I discovered. One action and everything that's blurr became clear now.



He likes me!



Kaya sa mga nagdaang araw, nag-iba ang pananaw ko sa kanya. Dahil pinagsisilbihan niya ako. Lagi siyang nagpapaubaya. All my whims, he provided. Lahat ng gusto ko, sinusunod niya. Lahat ng gusto ko, inuuna niya. His past words... has always been conveying concern and passion. His actions... has always been passionate in serving me. Paano ko nga ba nakaligtaan ang mga bagay na ito?



Gusto niya ako!



Kahit anong pang-aalipusta ko, pang-aapi ko, panglalait sa kanya, hindi niya ako kailanman pinatulan o sinagot man lang. Ni hindi niya man lang pinagtatanggol ang sarili!



"Ayan, ayos na! Hinigpitan ko na para hindi mapigtas ulit."



Tumayo na si Dawson sa pagkakaluhod, pinagpag ang suot na pantalon, sabay ngiti. Napangiti rin ako dahil roon.




"U-uh, salamat!"




Lumapit sa amin ang manghang manghang si Catalina. She smiled awkwardly.



"Napaka matulungin naman ni Dawson, Anya. Uh, magkaibigan ba talaga kayo?"



She asked the same question I had in mind. Hindi ko rin alam. Hindi namin napagusapan kung magkaibigan ba kami. The relationship we have just happened. It flourished along the way, and still flourishing up until now.




"I told you he's a friend," I said.





Hindi ko pa rin nakakalimutan ang napanuod ko kanina subalit dahil sa ginawa ni Dawson, ang lahat ng kakaibang naramdaman ko, ay naglaho. Without him even knowing that all!




"Kung sa bagay! Inaayos ko rin naman ang sintas ng mga kaibigan ko!" She laughed still in an awkward way.




Ano bang nasa isip niya?




"Malaki ang utang na loob ko kay Tito Rogian at kay Anya, Catalina. Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanila."



Sagot naman ni Dawson. My face heated up. Higit sa kaibigan ang turing niya sa amin? Ano pa ba ang hihigit sa kaibigan? Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi. Is he now slowly revealing his feelings to me? In front of Catalina?



"A-ah, eh, kahit naman ako, ganyan rin ang mararamdaman sa taong tumutulong sa akin."



It's different, Catalina. Iba sa iniisip mo dahil gusto niya ako!



"Kids, here are your room keys. Anya, Catalina, kayo ang room mate, okay? While Dawson will stay with our driver."



We nodded simultaneously. We have our spare keys each.



"You may now go to your rooms. Relax a bit and later, we'll have our lunch, alright?"



"Yes Ma'am!" Catalina and I said in chorus.



Si Dawson ang nagdala ng lahat ng bagahe ko. Nasa right wing ng hotel ang room namin, samantalang nasa left wing naman ang kay Dawson. Sumabay siya sa akin para ihatid ang mga bags.



Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now