Kabanata 1

24 0 0
                                    

"I wish time reveals how I cared for you"






Nandidiri ako. That's what my first impression of him. Marumi, madungis, at higit sa lahat mahirap! Hindi ko ba alam kay Papa at bakit pumayag na dito mamalagi ang street kid na yan!


My father is a good man. He never refuses to help, especially to those people in need. Nakalakhan ko ang kabaitan niya at kasabay rin nun ay ang pagsasamantala ng ilan sa kanyang magandang loob. I witnessed several people who took advantage of him and in the end, niloloko lang nila sa Papa. Pagkatapos makuha ang gusto nila at matapos silang tulungan, nawawala na lang bigla at minsan nagnanakaw pa!


I clearly remembered that one gloomy afternoon in my school's parking lot. I was in grade 6 that time. Sinundo ako noong araw na iyon ni Papa. Nakasakay na ako sa kotse nang magpaalam siya saglit para lumabas muna bago paandarin ito. I let him though. Pinapanuod ko siyang pumunta sa matandang lalaki na nakaupo sa sahig malapit sa gate ng aming school. Namamalimos. Kinausap niya iyon ng ilang sandali bago inilabas ang pitaka siguro ay para bigyan ito ng barya. But to my surprise, the old man harshly took his wallet and ran away as fast as he could. My father was shocked for a while. Ang akala ko ay hahabulin niya iyon pero hindi niya ginawa. Instead, he disappointedly shook his head and went back to the car.


"Papa hindi mo ba hahabulin?! Ninakaw niya ang pitaka niyo!" Salubong ko sa kanya nang makapasok sa sasakyan.


"Nakita mo pala iyon anak. Hindi na kailangan. Wala rin namang importanteng bagay sa pitakang iyon." Malumanay at kalma niyang sagot.


I was mad and angry of that old man! Mapagsamantala!


"Pero Papa kahit na! Magnanakaw pa rin iyon! Isn't that against the law? Pulis ka pa naman din but you're not enforcing it!"


My father chuckled at my argument.


"Hinahabaan dapat natin ang pasensya natin sa mga katulad nila, anak. They need our patience and kindness the most".


Yan parati ang pangaral ni Papa sa akin. To be kind always. Pero hindi ako naniniwala roon. If you show too much kindness, people will take advantage of you. Pagsasamantalahan ka parati at sa huli, lolokuhin lamang. Kaya hindi ko maintindihan si Papa sa prinsipyo niya.


At hindi ko rin maintindihan kung bakit siya pumayag na manatili ang lalaking iyon sa pamamahay namin! I mean he could help him in other ways. Give him money and then done! Bakit kailangan pang patirahin dito? Malay ba namin kung masamang tao yun! He looks like a criminal to me!


Inis na inis ako sa presensya niya. What's his name again? Jonhson? Just like the powder that I know? I laughed at the thought. Even his name sounds yuck!


I glared at him. Ipinukol ko ang pinaka galit, nanlalait, nanliliit, minamaliit, at nandidiri kong mga mata sa kanya. Hapunan na at nagawa pang sumabay sa amin ng hampaslupa sa hapag! Sa tuwing hindi nakatingin si Papa sa akin, ipinupukol ko ang mga mata sa kanya, waiting for him to look back and when he does, I show my death stare. Bumababa ang tingin niya sa pagkain. Do that bastard! Dahil wala kang lugar dito.


Mabait si Papa kaya ka nandito. Pero hindi ko hahayaang maloko mo siya. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sayo pero hindi mo ako maloloko! Your face screams crime. Your mere aura shows how bad you are! Galit na galit ako. And I also did not understand where my anger towards him came from. It was like a natural response to his dirty presence.


"Pwede kang manatili rito ng ilang araw ijo kung wala ka talagang matutuluyan. Nakapag aral ka ba?"


"I thought he'd only stay here for tonight!" Sabat ko sa kanila.


Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now