Kabanata 4

16 0 0
                                    

"My first frustration is you."



We arrived at the market. Naroroon na rin ang grupo except Helen. Ngunit, halos magkasabay lang kaming dumating.


Sumakay lang raw ng motor sina Aleida, Rodi, at Azrael. Samantalang si Helen ay hinatid ng driver nila, pati na rin si Zoren. At dahil ako lang ang may sasakyan dahil ako lang din naman ang may chaperone, we agreed last night na ang sasakyan na lang namin ang gamitin patungo sa kabundukan ng Hiraya.


Nagtipon ang grupo para sa ilang bibilhin na pagkain. We will spend the rest of the day in the spring kaya we need some snacks and meals for lunch.


Hindi napansin ng grupo ang hampaslupa dahil nanatili siya sa loob ng sasakyan. From time to time, I was sneaking a peek to him. And when we finally decided what to buy, I called for him. Siya ang pagdadalhin ko ng lahat ng bibilhin ko!


"Hi Kuya pogi!" Si Aleida. Whatever.


He didn't answer, though.


"Hello!" It was Helen.


The boys said hello to him also. They asked for his name. Sumagot naman ang hampaslupa. Hindi na rin ako sumabat.


"Sumama ka sa amin sa pamimili. Ikaw magdadala ng bibilhin ko." Wika ko.


"Ano ka ba, Anya? Andito naman sina Azrael! Sila na ang magdadala!"


"Oo nga, Anya. Nakakahiya naman kay Dawson! Kaya naman naming magdala!"


"Okay lang. Ako na magdadala." Sa mababang boses, sinabi niya.


"Wag na kayong makipagtalo. Tara na!" Pagtatapos ko.


Pumasok kami sa talipapa. Unang pinasukan namin ay isang malaking grocery store. The boys separated their ways from us to get some drinks. Habang si Helen naman, gumawi sa hilera ng mga chips.


While walking ahead, I realized I was alone! Kaya lumingon ako sa likod, only to see Aleida and the hampaslupa were laughing! Naningkit ang aking mga mata. Padabog kong hinablot ang ilang biscuit sa itaas ko, dahilan upang mahulog sa akin ang lahat ng naroroon! Napaupo ako nang wala sa oras!


"Anya!"


Lumapit sa akin ang dalawa. Aleida helped me in removing some of the biscuits. Naramdaman ko rin ang hawak ng hampaslupa sa akin, trying to assist me stand.


I was so embarrassed of myself! "Ano ba! Lumayo kayo! I'm fine!" Sambit ko, habang itinayo ang sarili.


Hindi ko na sila pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa pagkuha ng mga biscuit, pinagtatakpan ang nararamdamang hiya sa sarili!


Hindi ko na rin sila nilingon. From the very beginning, Aleida expressed her fancying the hampaslupa dahil guwapo raw at mabait. Ang babaw naman ng standards ng kaibigan!

Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now