Kabanata 19

2 0 0
                                    

"A sunshine friend on my sunny days"



My last night at the convenience store is a sad one. Umiiyak ako habang tinatanaw iyon. I was walking backwards, so slowly, thinking he would show up, for the last. But that didn't happen. None of my expectations happened even in my last night.




Kanina, kabang kaba ako na may halong pananabik nang pumarada ang pampulisyang sasakyan. Kaagad rin namang nahulog ang mga balikat ko sa pagpasok ni Salvador at ang kasamahan niya... pero hindi si... Terrance.



Sinabi ko sa sarili na tigilan ang kahibangang ito! Kasi bakit ba ganito? Hindi naman ako ganito noon, ah? Gusto ko na ba siya? Nagugustuhan ko ba ang taong iyon? Bakit ang puso ko, parang hinihiwa kapag naiisip ko siya? Bakit hinahanap ko siya? We didn't even know each other. Kaya bakit ganito na lang ako kababaw?




Uhaw ba ako sa pagmamahal? I doubt it because love, for me, is long gone. Hindi ko na mahanap iyon. Hindi ko na maramdaman. Hindi ko na nga alam ang pakiramdam nun. Matagal nang hindi nag-eexist sa'kin yun.



Kaya, positibo akong hindi ito pagmamahal. Hindi ko siya mahal! Dahil lang sa mga gatas na binigay niya at sa isang beses niyang paghatid sa akin sa Bontoc, mahal ko na agad siya? Kahit ako, masasabing hibang lang ang taong magsasabing nagmamahal siya dahil lang sa mga bagay na iyon!




Let's say yes, he likes me. Hence, the milk he has given me is a sign of attraction for me. Eh, normal naman talaga yun, diba? Na kapag may gusto kang tao, pakikitaan mo ng motibo. Bibigyan mo ng isang bagay na gusto niya para maparamdam mo ang gusto mo.



Pero teka... gatas? Does he know it's my favorite drink? Or it's just a random choice? I believe the latter is reasonable.




After that, he was gone. Right?


And then he showed up again on the same bus na sinakyan ko pauwi noon. I would like to think it's coincident pero ang sabi niya, hinatid niya ako. Ang tanong, paano niya nalamang uuwi ako noong araw na iyon?



So, I bet... he's just playing around. Gusto niya ako kaya niya ako binibigyan ng gatas. Nahudlot ang mga galawan niya dahil nadestino sa ibang lugar. At sa pagbalik, saktong nakita ako sa terminal. It's hundred percent a coincidence again. Sumama lang siya sa pagsakay to test me if I would fall for his moves.



Well, sorry siya dahil hindi ako ang tipo na mahuhulog sa isang taong ganoon lang ang mga pagsisikap na ginawa. Kung gusto niya ang pagmamahal ko, kailangan niyang buhayin iyon. Dahil matagal ng patay sa akin iyon.



Umapaw muli ang mga luha ko sa pisngi, dahilan upang magbalik ako sa kasalukuyan! Kung ganoon nga ang conclusion, bakit ako nagkakaganito?



Anyariese, why would you cry for such a petty thing?


Pinahid ko ang mga luhang patuloy na tumatakas.



"Enough..." I whispered softly to myself.




One last glance and finally, I turned my back from the convenience store. Enough. Ang mga kahibangang iyon, tama na! Starting today, kakalimutan ko na siya!




Isa pa, maraming bagay na dapat pagtuunan ng pansin katulad ng paparating na practicum namin at research para sa huling taon ko sa kolehiyo.



Besides, it's my priority.

Hinatid ako ni ate Pancing sa sakayan patungo Ifugao. Naroroon na rin ang mga batchmates ko. Ang iba ay nakasakay na sa bus na sasakyan namin. Ang iba nama'y kausap rin ang kani-kanilang pamilya.



Slowing Down from the Carousel's RideKde žijí příběhy. Začni objevovat