Kabanata 5

7 0 0
                                    

"A warning to the curious girl."



Labis na labis ang galit ko sa nangyari. How dare he take their side? Nasaan ba siya nung tumalon ang babaeng yun at nabasa ako?


I thought he was just somewhere near me! Akala ko nasa kakahuyan lang, o nasa likod ng malaking bato! Bakit hindi niya nakita ang buong pangyayari at sila ang kinampihan niya?


At kahit pa kasalanan ko nga, dapat bang sila ang kampihan niya? Hindi ba dapat ako? Because I am the child of the man who helped him! Dapat lang na sa lahat ng pagkakataon, papanig siya sa akin!


Hindi ko alam kung saan akong daan napadpad. Sigurado akong hindi ito ang pinanggalingan namin kanina mula sa highway! Napapalibutan ako ng mga matataas at malalaking puno!


Tila napasok ko pa ang masukal na kabundukan! But actually, I wasn't able to even notice the environment. I was walking so fast, very very annoyed with those girls. And very very riled up at the hampaslupa!


To think na nahirapan pa akong tawagin siyang hampaslupa sa isipan ko. I called the girls hampaslupa and at some point, I refused to call him like that!


In the end, he didn't even fight for me!


"Anya!"


Sigurado akong ang hampaslupa iyon! Ayaw kong makita siya kaya nagmadali ako sa paglalakad. Almost running, I went deeper inside the forest. Hindi alintana ang mga punong tila nakakatakot nang tignan pati na rin ang ilang hayop ng kabundukan na sumagi sa isipan.


"Anya, huwag kang pumunta diyan!" Sigaw niya. I don't care. I don't want to see him!


Bakit pa sumunod sa akin ang hampaslupang yan!


"Pakialam mo!" Sigaw ko pabalik sa kanya.


I saw him running towards me. Kaya nagsimula na rin akong tumakbo.


"Huwag mo akong sundan!" I screamed while running as fast as I could.


Bumagal ang pagtakbo ko nang mapansin ang naglalakihang damo sa paligid. Ilang huni rin ng ibon ang nadinig ko mula sa itaas. Binalot ng takot ang aking sistema.


Nilingon ko siya. I shrieked when I saw him so near to me. Halos ilang metro na lang ang layo niya sa akin. Kaya kahit nakaramdam ng takot sa paligid, ay nagsimula muli akong tumakbo.


"Sabing huwag mo akong sundan!"


Abala ako sa pag-iwas ng sarili mula sa matutulis na damo kaya hindi ko na napansing madulas at maputik ang lupang natatapakan.


I got lost control of my balance. I slided down to the swampy area.


"Anya!"


Napatili ako sa pagkakahulog. Nakaramdam ako ng kirot sa aking kanang tuhod pati na rin sa aking siko. Humagulhol na ako, pinapakawalan ang mga luhang matinding pinigilan kanina.


Not minding the danger it may give, the hampaslupa jumped to where I was and immediately attended to me. Abala na akong pahirin ang mga luha.


Sinuyod niya ang buo kong katawan at nakita ang dugo sa aking tuhod at siko.


"Sabing huwag kang pumunta dito." Pinunit niya ang manipis na suot. He torn his shirt into pieces. "Ba't ba ang tigas ng ulo mo?"


He tried to clean my wounds, but I moved my knee away from his hand.


"Pakialam mo ba! Kung hindi mo ako sinundan, di naman ako pupunta dito!" Frustrated, I mumbled in tears.


Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now