Kabanata 11

14 0 0
                                    

"You're like a wind that belongs to November's kiss for rain and storm"



Ang sabi ng Doctor, anemic raw ako. Ang mga sintomas nito, lahat lumabas sa pagsusuri nila. Ngunit, huwag naman daw mag alala dahil mild lang at hindi naman, lumala. Mabuti na lang raw ay naisugod ako kaagad sa hospital. Kung tumagal pa raw ito ng ilang araw, maaaring maging moderate anemia ito or worst severe.


Papa came. He was very worried when I woke up. Aside from that, he looked so stressed. Nag uusap sila ng masinsinan ng Doctor kasama si Yaya Lucing. Naroroon rin sina Tang Tasyo, ang asawa nito, si Manong Ramil, at ang anak nitong panganay na isa-isa akong kinamusta. The room looked busy dahil maraming tao. In fact, kuya Lucas was also present.



"Dinalhan ka namin ng paborito mong prutas, Anya. Heto oh, hilaw na mangga." Ngumiti sa akin si Jaime, ang anak ni Manong Ramil.


"Salamat..." tugon ko.


"Bagong pitas ang mga yan, Anya. Mismong si Jaime ang umakyat ng punong mangga!" Nagagalak na sinabi ni Manong Ramil.


Malapad na ngisi ang ginawad ko sa kanila sabay nagpasalamat ulit. Abala pa rin si Papa at Yaya Lucing sa pakikipag usap sa Doctor. Iyon ay pagkatapos ideklara nito ang kalagayan ko.



"Hi, Anya!" Bati sa akin ni kuya Lucas matapos akong kamustahin ng mag-ama kanina.



"Hello, kuya Lucas!"



"How are you feeling? I know you're scared of needles," he chuckled as if teasing me about my fear.



"Well, yeah! Cannot even look at my hands right now!" I said referring to some injection on my hand.



He chuckled more. Lumapad ang mga ngiti ko.



"Alalang alala si Sir habang patungo kami rito. Ako na nga ang nagmaneho, eh. Mabuti na lang, hindi naman pala malala. Ikaw pa! I know you're a brave girl! Sometimes, in fact, you scare me."



Now, kuya Lucas is laughing out loud. Alam ko namang pinapagaan niya lang ang loob mo. Nakitawa rin si Jaime na muling lumapit sa amin. Iniwan ang amang nakikipag usap ngayon kay Tang Tasyo at ang asawa nito.



"Tama ka diyan, kuya Lucas! Pagkakakilala ko rito kay Anya, eh, matapang!" Pabirong sabat ni Jaime sa amin.



"Baka kamo parang kalabaw na laging galit!" Si kuya Lucas.


Tumawa ang dalawa. I let out tiny laughs. Kahit naman hindi ako malapit sa dalawa, namulat pa rin ako sa presensya nila. Si kuya Lucas na parating kasa-kasama ni Papa sa trabaho, minsanan ring nagagawi sa bahay. Si Jaime naman ay nakakalaro ko noong bata pa sa bukirin nina Tang Tasyo. Nga lang, nang mag simula ng mag aral sa elementarya, doon ko lang siya naging madalang makalaro. Sa pampublikong paaralan rin kasi siya pumasok.



"Naku, huwag niyo ng biruin itong si Anya! Hindi na nga maganda ang pakiramdam, eh, nagagawa niyo pa ring pagkatuwaan!"



This time, Aling Marta, Tang Tasyo's wife, made her way to us all, and jokingly, reprimanded the two.



"Ayos lang naman ho, Aling Marta! Alam ko namang binibiro lang nila ako. Isa pa, maganda na po ang pakiramdam ko. Yun nga lang, medyo napapangiwi ako dahil sa nakaturok sa aking kamay."



"Ay oo nga pala't takot ka sa mga injection na iyan! Eh, kahit naman ako, takot rin!"



Nagtawanan ang lahat. Nagpatuloy ang biruan nila sa harap ko. Nakakagaan nang loob. In the midst of that, my eyes roamed around the room to look for Dawson. But he wasn't there. Baka mayroong inutos si Papa o baka may inasikaso sa labas?



Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now