Kabanata 9

9 0 0
                                    

"Under a mad pouring rain"


Hindi ko siya naintindihan. Kumunot lamang ang noo ko. Humuni ang bell sa buong school, hudyat ng panghapong klase. Mabilis kong inayos ang lunch pack at tumayo.


"Babalik na ako sa klase," pagpapaalam ko.


Mariin ang titig niya sa akin. Subalit kaagad ring binaba ang mga tingin. Kinuha niya mula sa akin ang dala.


"Ako na ang magtatapon nito."

Tumango ako.


Bumalik na nga ako sa klase. Sabay kaming naglakad pabalik pero nauna na rin akong nakarating kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.


Nasa harapan ako ng pintuan ng klase. Natanaw ko rin na naroroon na ang Teacher namin sa afternoon first period, probably doing a roll call. Pero nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang paglayo ni Dawson. He was still walking along the corridors, bowing his head a bit.


I watched him walking away. Nakapamulsa ang isang kamay at bahagyang nakayuko pa rin.


Ano bang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina? Kaya ako naimom dahil gutom ako? What does that even mean?


Namilog ang mga mata ko kakaisip sa palaisapang iyon. What's wrong about drinking water? O baka... ewan.


Nang lumiko siya at nawala sa paningin ko, nagpasya na akong pumasok sa classroom. Naibaling kaagad sa akin ang atensyon ng mga classmates pati na rin ang guro.


"Anya, bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" ang guro.


"Natagalan po sa pagkain, Teacher. Sorry po."


"Sige na, maupo ka na."


Hindi na ako nakapag concentrate sa hapong iyon kakaisip sa kanya. Did I hurt him? Dahil lang sa tubig? Baka gusto niyang uminom pero hindi ko pinainom? O baka hindi niya gustong pinainom ko siya?


I groaned in so much frustration for overthinking over a lame thing! Kinuha ko ang cellphone at mabilis na nagtipa.


Anya: Anong meron sa tubig kanina?


I bit my lower lip as I watched closely my phone. I waited for his reply!

Last period na namin and anytime soon, uwian na. Si Manong Ramil ang susundo sa akin kaya parang... gusto kong mag reply na siya kaagad.


Hindi naman ako nabigo. Umilaw ang cellphone ko at nakita ang reply niya sa screen.


Hampaslupa: Uh, wala.

Ang baba naman ng reply niya! I groaned again.


"Uy, anong nangyayari sayo?" si Helen na katabi ko.


Umiling ako habang naka-focus sa cellphone.


Anya: Siguraduhin mo lang, ha! Ginugulo mo isip ko!


Tinago ko na sa bag nang masent ang huli kong text. Kalaunan, natapos ang huling period namin. Sa pag-uwi, hindi nakasabay sa akin sina Zoren dahil may practice pa raw ng soccer. Pati sina Helen at Aleida ay bumalik sa mga clubs nila.


Mag-isa akong lumabas ng campus. May iilang napapatingin pa rin sa banda ko, pero kaunti na lang at halos wala na ulit pakialam sa akin ang iba.


Diretsu ang tungo ko sa parking lot. I was expecting Manong Ramil would be the one who'll fetch me but I saw Dawson. Leaning against the SUV, bowing his head like he's been thinking about a lot. Natigil ako ng ilang sandali, bahagyang kinabahan.


Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now