Kabanata 17

6 0 0
                                    

"Discovering another version of me"



Madaling araw nang makarating kami sa patutunguhan. Ang bayan ng Bontoc, sa probinsya ng Cordillera. I was quitely contemplating the fact that we left my home for good and anytime soon, will start living in a place I'm not familiar with.


Kahit pa man bayan ito ni yaya, and for sure, it will have a place in my heart in the future, I couldn't still force myself to adjust for now. The strange feeling that enveloped me as we stepped out from the bus was horrifying! Mahigpit ang kapit ko sa braso ni yaya sa mga sandaling iyon.



I surveyed the area. A vast rice field on my right and on the left, a cliff where at the end are mountains. In between them is a river. Natatanaw ko rin ang mga bahay sa di kalayuan and definitely, there are people there!



Madilim pa ang paligid pero makikita sa kalangitan ang iilang liwanag na nagbabadyang lumitaw anumang oras. Some birds are chirping from the trees near us and the wind blows my hair as if recognizing me being also a stranger to this place.



I also heard dogs howling from afar, the reason why I hold yaya so tight like there's no way I will be alive here without her.


"Anya anak, huwag kang matakot. Bayan 'to ni yaya kaya walang nakakatakot dito. Kapag nakita nila ako, mas matatakot sila!" there's humor in yaya's voice but I believed in what she said.



Tumingala ako sa kanya. "T-t-t-tal-l-l-l-lag-a p-po?"



"Oo anak. Ito ang tahanan ko. Dito ako pinanganak at lumaki. Nakabisita na rin dito ang Papa mo, alam mo ba?"


Sumigla ang mukha ko sa narinig. My hold loosened a bit.




"Nadestino noon ang lolo mo dito kaya madalas na bumisita ang lola mo kasama ang Papa mo. Naku, ang liit pa ni Rogian noon at napakakulit! Dito nakilala ng lolo mo ang itay ko, Anya, kaya namasukan na rin akong yaya sa kanila. Kaya huwag kang matakot. Nandito naman ako, eh. Hinding hindi kita pababayaan. At makikilala mo na rin ang dalawang mga anak ko! Napakabait nung mga yun! At gustong gusto ka nilang makilala!"



Masigla rin ang mga tinig ni yaya. Marahan akong tumango at ngumiti. The yellowish rays of the sun reflected from yaya's eyes as they finally take over the darkness of the sky. Lumiliwanag na ang paligid at ang kanina'y mga asong naririnig, ay napalitan ng mga manok na tumitilaok.



"Kaya tayo na't maglakad. Naririyan lang ang bahay namin sa malapit."



Limang oras mahigit rin ang tinagal ng biyahe. The entire travel, I was asleep at yaya's arms. Itinulog ko na lamang ang kalungkutan na biglang naramdaman.




The instensity of the grief and sorrow I am feeling is sometimes, very unbearable. It causes me to lose my breath and need to gasp for air just to catch my breathing. So, whenever I feel them coming, I try to sleep. And perhaps, think about good things. Like I have yaya. And depend on her stories because they are motivating and inspiring and very dreamy. That's all that matter to me. Right now.



Bago pa man marating ang mga bahay na natatanaw kanina, pumasok kami ni yaya sa isang makipot na daan patungo sa isang bahay sa dulo ng palayan.



"Pancing! Nandito na kami! Pancing! Lena!"



Hindi pa nakakarating ay nagtatawag na si yaya sa mga anak niya na kaagad namang nagbukas ng pintuan at lumabas upang abangan ang pagdating namin sa kanilang tarangkahang gawa sa kawayan.




"Nay!" sigaw ng isa.




Malawak ang lupain nila yaya kung saan nakatayo ang bahay nila. Nasa gitna ito mismo ng lupa. Sa harap ay malawak na playground at sa tingin ko'y may bakuran rin sa likuran.


Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now