Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 2 - Iᴛs ʜᴇʀ

10.8K 340 124
                                    

Khale's POV:

WHAT THE FUCK?!

Ang tanging mga kataga na nasabi ko sa aking isipan ng makapasok na ang professor namin. The woman I met earlier Is our freaking professor!?

Anak ng kabayo akala ko ba naman estudyante rin siya dito.

Ang kaninang maingay na klase ay biglang nagsitahimikan, jusme ikaw ba naman na may pumasok na diyosa sa room niyo tapos kung makatingin kala mo kakainin ka ng buhay pakain naman ma'am charot.

Pero grabe talaga makatitig si ma'am para may ginawa kang mali sa kanya lalamig ng mga titig.

"Good Morning everyone" bati niya samin at binatian rin namin siya pabalik. Jusme ma'am ang boses mo isa siyang boses ng anghel!

Architecture ang kinuha kong course kasi gusto ko lang hindi biro lang bata palang gusto ko na talagang maging isang ganap na Architect at makapagtayo ng sarili kong bahay at ako mismo ang may gawa nun.

Nang matapos ako ng kakaisip tinignan ko na si Ma'am na ngayon may kung sinong hinahanap dito sa loob ng klase namin, ng mag hinto ang tingnin niya sakin ay agad na tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking palad.

Jusko di pa nga ako nakakarecover na ikaw ang professor namin makikipagtitigan ka pa sakin ma'am, nako wag po baka masobrahan kabaklaan ko.

Maya maya pa ay nagsalita na siya. At pinagsabihan niya lang kami about sa mga rules and regulations sa klase niya.

"Okay now everyone should go here in front and introduce yourselves" saad niya bago umupo sa bakanteng upoan sa amin.

Wala sa aming may naglakas na loob na pumunta sa harapan para magpakilala siguro mashadong nahihiya kay ma'am.

Tinapik ko ang braso ni Samantha para sabihing siya na ang mauna ang siste di pumayag. Kaya tinapik ko naman ang balikat ni Jaq at tumingin naman to sakin.

"Ikaw na mauna" pabulong na saad ko. Syempre siya ang walang hiya sa aming magkakaibigan kaya pumunta na siya sa harapan.

Tumikhim na muna siya bago nag salita.

"Good Morning everyone my name is Jaquilyn Shane Abarquez nice to meet yall!" Masiglang saad niya.

Pinitik ko ang noo ni Samantha dahil siya na ang sunod para kasing ewan nakatulala lang.

Aangal pa sana siya ngunit sinamaan ko na siya ng tingin leaving her no choice but to stand up and go in front.

"Good Morning everyone my name is Samantha Elise Chavez that's all" walang ganang sagot ng abnoy.

Ako na sana susunod kaso may naglakas loob ulit na magpakilala hanggang sa sunod sunod na silang nagpakilala.

At ako na ang huling magpapakilala, kaya naman pumunta na ako sa harapan at bumuntong hininga muna bago magsalita.

"Good Morning everyone my name is Khale Danielle Javier my pleasure to meet yall". Bago pa man ako bumalik sa upuan ko ay tumingin muna ako kay ma'am at kinindatan pero ang dyosa ay inirapan lang ako.

Luh? Sa ganda kong to iirapan lang ako nitong babaknitang to, putangina naman pero sige na exception na lang si ma'am at maganda rin naman siya.

Nang makabalik na ako sa upuan ko ay tumikhim naman siya at bumalik na sa harapan.

"Now that all of you introduced yourselves I would also like to introduce myself as well. My name is Cristine Gabrielle Valencia. You can call me Professor Valencia or Ma'am Cristine just dont call me yours." Ay wow iba rin tong si ma'am. Mashadong mas advance pa sa teknolohiya.

The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now