Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 12 - Rᴀᴄᴇ

5.8K 248 75
                                    

Khale Danielle Javier photo above
Ctto








Khale's POV:

I dont know if it is just me or someone can feel it too, Ma'am Valencia seems off these days.

Lagi naman siyang poker face at masungit pero may kulang eh.

Ako ata kulang sa buhay niya. Hindi biro lang.

"Hoy kakatapos lang ng exam natin labas naman tayo oh" sambig ni Samantha ng makalabas na kami ng last subject namin sa hapon.

"Oo nga labas naman tayo" pagsasangayon naman ni Jaq.

Minsan pag nagkakampihan talaga tong dalawa wala na akong laban.

"Oh siya sige sabay na rin kayo umuwi sakin" tinanguan naman ako ng dalawa.

Ayoko naman mag commute ang dalawa nakakaawa naman ang mga gonggong na to.

"Kahit kailan talaga namamangha ako sa bahay mo" saad ni Samantha na tinanguan naman ni Jaq.

"Sino ba gumawa nito?" Takang tanong ni Samantha.

"I dont know pero friend daw ni Mommy" sambit ko naman.

Di ko alam kung sino kasi hindi naman sinasabi ni Mommy sakin. Wala naman masamang malaman doon pero ayaw niya paring sabihin. Pero ok lang naman, yun naman gusto niya eh.

"Kain muna tayo gutom na ako" Samantha. "Tulungan ko na rin si Manang magluto" dagdag niya pa na tinanguan ko na lang.

"Salamat po" sabay sambit ng dalawa ng matapos na kami kumain.

"KD karerahan naman tayo oh kamiss" sambit ni Samantha ng makapunta kami sa living room.

"Ayoko baka mapikon nanaman ang isa diyan" saad ko at tiningnan si Jaquilyn na ngayon ay nakanguso na.

"Hmp! Di kaya!" Agad na angal niya.

"Sige sige, bahala na kayo kumuha ng kahit anong bigbike ko" tumango naman ang dalawa at pumunta na sa parking lot ko.

Sabay sabay na kaming lumabas ng parking lot ang gamit ni Samantha BMW s1000rr si Jaquilyn Honda
cbr500 ako naman Kawasaki Ninja H2R my baby.

Malapit naman ang race track rito. Si Daddy rin ang nagpagawa nito.

"Ok ready na" saad ko ng makapwesto na kaming tatlo.

"3"

"2"

"1"

"Go!" Sambit ko at sabay sabay naming pinaandar ang motor.

Mga ilang minuto pa nagulat na lang ako ng si Jaquilyn na akng nauuna sa aming dalawa. At nasa tabi ko naman si Samantha.

Nang paliko na kami doon mas binilisan pa ni Samantha ang pagmamaneho kaya nauuna na siya sakin.

Papaliko na sana kami ng biglang natumba at bike ni Jaq at natamaan nun si Samantha kaya sabay silang natumba.

Mabilis ko naman na pa hinto ang aking motor.

"Hoy puta grabe tama niyo!" Saad ko ng makalapit ako sa kinaruruonan nila.

"K-KD" saad ni Jaq na ng hihina na ang paghinga.

Madaming dugo ang bumababa sa ulo ni Samantha maya sa tingin ko di na makasalita nakapikit na rin ang mga mata nito.

Ganun rin si Jaq pero mas kunti.

"Puta gumising ka Sam!" Sambut ko sabay yugyog sa balikat niya.

Tumawag na ako ng ambulansya at sinabi ko anong nangyari sa mga kaibigan ko. Mga ilang minuto nakarating na rin ang Ambulansya at linagay na ang dalawa sa stretcher.

Sumabay na rin ako sa ambulansya at tinawagan si Tita Claire dahil ang pagkakaalam ko may kaibigan siyang doctor sa pupuntahan naming hospital.

Nakarating na kami sa hospital dinala na rin sila sa loob. Di na nila ako pinapasok at pinaupo na lang sa labas.

Kalaunan nakapunta na rin sina Tita Claire kasama ang sinasabi niyang kaibigan na Doctor at pumasok na sa ER.

Nang makalabas na si Doctor Eliza lumapit na ako rito at tinanong ko okay lang ba silang dalawa.

Habang humihintay kanina ipinaliwanag ni tita Claire kung sino siya kaya marami naman akong nalaman sakanya.

"They're okay pwede mo ng makapasok pag katapos silang ilipat sa ibang room" saad niya at nagpasalamat kami ni Tita Claire.

Mga ilang minuto sinabihan na ako ng isang nurse na nasa room na sila kaya agad agad naman akong pumunta para makita ang kalagayan nila.

Pagkapasok ko si Jaq lang ang gising si Samantha naman tulog.

"Okay ka lang?" Tanong ko ng makalapit kay Jaquilyn.

Isang tango lang ang ibinigay nito saakin.

"U-uhm KD pasensya na ha nasira namin ang motor mo promise babayaran ka namin kahit na wala naman kaming kaya. Magtatra-". Saad ni Jaq na ikinailing iling ko kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Hey, you dont need to its just a bike and mas mahalaga okay kayong dalawa ni Samantha. Magpahinga ka na para makauwi na tayo ha?" Sabi ko sabay haplos sa pisnge niya.

Tumango naman siya bilang sagot.


The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now