Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 20 - Bᴏᴅʏɢᴜᴀʀᴅs

6.2K 257 22
                                    

Khale's POV:

Masaya kaming nagkwewentuhan ngayon sa van. Pauwi na kami dahil tapos na ang pag s-stay namin sa beach resort nila Adi. Masasabing kong nagenjoy sila dahil panay ang ngiti nila sa bawat momento na nagaganap.

Ito namang katabi ko tulog na tulog sa balikat ko. Kanina pa nga ako nakikilig sakanya. Punyeta.

Bigla kaming naalarma ng huminto ang van at mayroong putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Napatingin naman ako sa unahan ng tinatawag ni Adi ang driver na satingin ko'y siya ang natamaan.

Tinawag ko naman si Adi na pumunta sa likod at baka matamaan pa siya. Sinabihan ko rin ang mga kasama namin na wag magalala at wag titingin sa labas.

Sinunod naman nila ang sinabi ko at pumunta ako sa passenger seat. Lagi akong ready kaya lagi ako may bitbit na baril. Hindi ko naman ito sinabi kay Adi dahil alam kong magagalit lang ito.

"Hoy ginagawa mo diyan baka matamaan ka!" Singhal ni Adi.

Hindi ko na siya inintindi at kinuha na lang ang baril. Ng pag angat ko ng tingin mayroon ng lalaki sa harap ko. Mabilis niyang tinutok sakin ang baril at hindi na ako nakailag pa. Tangina madali lang naman pala tong masira na window nila kaya tagos sakin ang bala.

Tumama iyon sa balikat ko. "Fuck" i said under my breath.

Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga kasama ko at paglingon ko ang mga nag aalalang mukha nila ang makikita mo lalo na si Ma'am.

Bumaling ulit ang atensyon ko sa lalaki na nasa harap ko ng narinig ko iton nagkasa. Babarilin ko na sana siya ngunit mayroong van na bumangga sakanya.

Tangina tagal naman nilang pumunta rito. Na unang bumama si Arleth bumaba rin sunod sakanya ang tatlong badass. Miss them.

Agad silang pumasom sa Van namin at hinanap ako. Nagulat naman ang mga kasamahan ko ng makita nila ang mga bodyguards ko. Nakatutok ba naman sakanila ang mga baril mga ewan.

"Mga baliw nandito ako sa passenger seat at pwede ba pababa ng baril niyo mga kasamahan ko sila." Paliwanag ko at agad naman nila binuksan ang passenger seat.

"Good Morning Madam" sabay sabay na saad nila na nakangisi. Alam talaga nila kung pano ako asarin. Yung isa naman nakabusangot halatang pinilit sa kalokohan ng tatlo.

Si Arleth at si Ray lang ang matino sakanilang apat si Lexus at Jane naman ang mga loko sa kanila. Pero satingin ko ang mas seryoso sa lahat ay si Ray lagi naman tong tahimik. Lahat sila mga babae. Sabi naman ni Mommy sila daw napili ng friend niya para magbantay sakin at pinagkakatiwalan sila.

"Gosh sa lahat na pwede sabihin iyan pa? Hindi pa pwedeng ok lang kayo?" Naiinis na turan ko sakanila at ang lokong dalawa tumawa lang at yung dalawa naman naiiling sa kalokohan ng dalawa.

"Oh shit may tama ka!" Singhal ng dalawang mokong na ngayon lang ata napansin ang sugat ko.

"Hindi mali ako" sarkastikong turan ko na ikinairap nila. Wow the audacity.

"Kunin niyo na nga sila at ipalit niyo sa Van" saad ko at tumango naman sila." Nga pala bulletproof yan?"tanong ko at baka may ma baril nanaman.

"Lagi naman kaming pinapagamit ni Mrs. Javier ng bulletproof na sasakyan para lang sayo." Malamig na usal ni Ray. Sanay na ako sa babaeng to kaya ok lang kahit ganyan siya kaya pagtripan natin.

"Tsk sumbong kita kay Mommy" sambit ko na kunwaring naiirita.

"As if gagawin niya" ay wow palaban na siya ngayon ah.

"Sige kay Tri-" hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Dont you dare!" Natawa naman kaming apat dahil sa hindi maipintang mukha ni Ray.

The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now