Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 36 - Lᴀsᴛ ᴇxᴀᴍ

5.6K 218 25
                                    

Khale's POV:

"Hoy Jaq ayus ayusin mo ang exam ha last na pati itong exam natin" pahayag ko sakanya habang lumalakad kami dito sa hallway. Last exam na namin ngayon at sa wakas makakagraduate na rin.

Hay tapos na ang pag aaral.

"Hehe" tila kinakabahang saad niya."pakopya na lang" nakayukong turan niya. Tsk kahit kailan talaga ang babaknitang ito. Hindi ko na kailan pang pag sabihan si Samantha dahil mas aral pa ang babaeng ito kaysa samin.

Akala ko mag o-one week ang exam namin dahil ganun naman talaga. Pero ngayon Tatlong araw lang daw.

Nakapunta na kami ngayon sa first class which is exam namin sa girlfriend ko.

Yes girlfriend ko. Hindi nga ako makapaniwala na girlfriend ko na ang isang iyon. Parang kailan lang.

Nakakatuwang isipin na noon parang wala lang kami. Puro tapon ng bagay doon tapon ng bagay dito. Se- ay hindi wag iyon. Charot lang.

"Dali na pakopya kasi" pagmamakaawa ni Jaq. Dahil hindi daw siya nag aral at kunti lang alam. Pano ba naman kasi sa tuwing mag kaklase na hindi naman nakikinig pero nakatulala lang. Panay ata isip kay Ray kaya sa tuwing natutulala ang siste pinagtitripan namin siya na namimiss niya na si Ray.

Speaking of Ray ang alam ko nakapaligid lang siya samin. Especially kay Ma'am. Namiss ko na rin ang pagka cold nun pati na rin ng ibang bodyguards ko.

Napatigil ako sa pagiisip ng may narinig akong takong napapalit sa lamesa sa harap hudyat na nandito na siya. Kaya naman nag angat ako ng tingin para naman makita ang magaganda niya mata.

Pagangat ko ng tingin nililibot niya ang tingin niya sa buong klase ng seryoso ang tingin ngunit pag baling niya sa pwesto ko sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Iba ka talaga besh" bulong ng dalawa na ikinatawa ko.

"Get one and pass" saad ni Maldits na seryoso na ang mukha.

Nang makuha ko na ang papel nagsimula na akong sagutin iyon. Masasabi ko naman na hindi naman gaano kahirap dahil ito rin naman yung pinag aralan ko noong mga nakaraang araw.

Busy ako sa pagsasagot ng may magkalabit sa damit ko sa right side. Nyemas na Jaq to.

Inis na binaling ko ang atensyon ko sakanya giving her 'what do you want?' look. Ang siste natawa muna bago may pabulong na sinabi.

"Ito naman init init ng ulo anyways ilapit mo nga ng kunti sakin hundi ko naman mashadong makita ano bayan"pabulong na saad niya at tila galit pa. Gosh the tragedy!

Labag man sa loob ginawa ko na lang ang gusto niya. Tumingin naman ako sa left side ko dahil narinig ko naman ang tawa nung isa.

Mga unggoy!

Habang sumasagot napapaigtad ako sa bawat paghaplos ng kung sino. Jusko beh nag e-exam yung tao oh!

Inis sa binalingan ko ng tingin ang salarin at napangiwi na lang ng nakilala ko ito.

"Vea please sabi ko naman sayo kung gusto mo pa maka graduate wag mong gagawin yan" pagmamakaawa ko at sumusulyap sa harap dahil baka mamaya may kung anong lumipad sakin o samin.

Kahit sumasagot ako ito pa ring babaeng nasa likod nako ayaw na ata masilagan ng araw sa kagagawan niya. Grabe pa naman makapagselos tong mahal ko.

Hay salamat at natapos na ako sa exam ngunit ang iba kong mga kaklase ay sumasagot pa rin. Parang kami palang ni Samantha ang tapos. Syempre hindi pa si Jaq dahil panay kopya pa rin.

Bahala siya diyan kung mahuli siya.

"Okay times up pass your papers now" sambit ni Ma'am makaraan ang ilang minuto na ang nakalipas. Buti at tapos na rin itong isa. May utak naman siya pero minsan niya lang nga gamitin dahil tamad na tao ito.

Hanga rin ako kay Jaq dahil kahit walang tulong kaming nagagawa sa pagaaral niya nakakapasa siya sa mga subjects lalong lalo na sa mga major subjects ewan ko lang talaga bakit tamad ito.

Pinasa na namin ang mga papel at tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang oras namin sakanya.

Lumabas na ang lahat at kami na lang natitira yung dalawa pinauna ko na.

Syempre bebe time muna charot lalambingin ko lang ito at tutulongan sa mga gamit. Medyo marami rami rin at parang mabigat.

"Ma'am ako na po!"masiglang sambit ko ng akmang kukunin na niya ang mga gamit na nasa lamesa niya.

Ngnitian ko naman siya ng ka'y tamis tamis at ngumiti rin ito at tumango. Kinuha ko na ang mga gamit niya at pinauna ko na siyang lumabas.

Nakasunod lang ako sakanya. At ito nanaman ang mga taong bati ng bati sakanya.

Hayst at siya naman nginingitian at binabati rin pabalik ang mga estudyante. Usually kasi hindi naman niya binabati ang mga ito tapos ngayon maririnig at makikita ko na lang na binabati na niya ang mga ito.

Tsk! Mga ewan sakin lang kaya siya.

Naramdaman niya ata na nag iba ang mood ko ng maka rating kami sa pintuan kaya agad niya ako pinapasok. Jusko teka lang yung laptop mahuhulog!

Buti na lang nasalo niya kaagad.

"Ma'am naman eh mahuhul-" hindi na niya ako pinatapos ng halikan na niya ako. Shet ito nanaman ang mga paru paru g sa aking tiyan.

Nang tutugon na ako sa halik lumayo na siya.

"Love naman eh!" Inis na singhal ko na ikinatawa niya.

Umupo na siya sa couch at binuka ang kanyang dalawang kamay na tila gustong magpayakap.

Syempre sino naman ako para tanggihan ang grasya diba?

Agad naman akong pumunta sa kinaroroonan niya at nahiga sakanya. Im on top of her right now.

She hugged me thigh and so I did.

"My baby is jealous, eh?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya at inirapan. Ang siste tumawa lang.

Bahala ka diyan suyuin moko!

Parang nakiramdam naman ito kaya hinalikan ako nito sa ulo at pinataas ulit ang mukha ko at pinugpog ako nito ng halik.

Ayaw ko na sana eh kaso marupok us.

Agad ko naman siyang hinalikan na tumugon naman ito.

"Your graduations near" kalaunan na saad niya habang yakap pa rin ako na mahigpit na tila ayaw niyang mawala ako.

Shet yung ano ko kinikilig.

"What do you want?" Tanong niya.

Wala naman akong gustong makuha na mga gamit o ano pa man. She is enough as a gift for me.

"You, just you" malambing saad ko at sumiksik sa leeg niya.

Just her is enough for me. She is everything to me na kapag hindi ko man siya makita ay hahanap hanapin ko siya. She is the best thing that happened to my life. She is my treasure. She is my life. She is the reason why I need to wake up everyday.

The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now