Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 27 - Tʜᴇ ᴍᴀsᴋᴇᴅ ᴡᴏᴍᴀɴ

5.3K 228 74
                                    

Khale's POV:

Pagkapasok ko ng bahay wala naman akong nakitang tao. Jusme kinabahan pa ako sa wala. Tuminign naman ako sa likod ko para sana sabihan si Mommy na wala namang tao ngunit ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko ang babae na lagi kong nakikita sa bahay ko with......Arleth? Kaya napasigaw na lang ako ng makita sila.

"Ay kabayo!" Saad ko at napapikit. May narinig naman ako ng tawa at dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagtama ang paningin namin ng babaeng katabi ni Arleth. Siya yung sabi ko na lagi nasa bahay ko at lagi naka mask.

Pero ngayon? Wala siyang suot nito at ang ganda ganda niya talaga. Halos makita ko ang sarili ko sakanya dahil parang magkamukha kami.

Tangina may tita pa ako na hindi nalalaman? Jusko naman hindi ako updated mashadong mahina net ko.

Unting unti naman siyang lumakad sakin at nagulat ako ng yakapin niya ako. Nabigla naman ako dahil parang may iba sa yakap.

"I missed you honey" malambing na saad niya at mababahid mo ang lungkot sa boses niya. Honey? Huh?

"Hindi po ako bee" magalang na saad ko at napadaing ng may nag sapak sa braso ko. Agad ko naman tiningnan at nakita ko si Mommy.

"Mommy bakit mo iyon ginawa" saad ko at nakayakap pa rin dito sa babae. Ewan ko ba pero gustong gusto ko siya makayakap.

Halos magkasingtangkad kami mga inch lang ang taas ko kaysa sakanya. Makasingedad rin ata sila ni Mommy pero parang bata pa rin talaga tong isang to.

"May pinagmanahan talaga" saad niya at tumingin siya sa babae na nakayakap sakin.

Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. Teka ano ba nangyayari gulong gulo ako punyeta.

"Ano po ba ibig sabihin nito?" Tanong ko dahil wala talaga akong alam sa nangyayari.

"Well" sambit ni Daddy at unti unting lumapit sa pwesto namin. Tumikhim muna siya bago mag salita. "Hindi ako ang tunay mong magulang Khale" saad niya at umalis na ako sa pagkakayakap sa babae.

Takang tininang ko naman si Daddy. Itinaas ko ang kilay ko telling him to continue." Iyon kasi ang gusto ng lolo mo Khale. Tutol siya sa pagsasama ni Kenziel" at tinuro niya ang babaeng yakap ko. So her name's Kenziel." At sa Mommy Hera mo" turo niya naman kay Mommy.

"And pinakasal sakin ang Mommy mo dahil ayaw talaga ng lolo mo kay Kenziel. Wala na akong nagawa kundi sundin ang lolo mo since nagkakasakit na siya that time at awang awa na kami ni Mommy mo".

"Taison Javier is not even my real name and Kenziel is the reason you are a Javier. My real name is John Henry Garcia" saad niya at tinuro ang babaeng nangangalang Kenziel." And she, she is Kenziel Xeanna Javier your other mother" nakakunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi ni Daddy. Hindi ko siya tunay na ama at itong Kenziel ang magulang ko rin. Huh?

Mukhang naisip niya naman ang iniisip ko kaya bahagya pa siya natawa bago magsalita. "Well I guess kung anong meron ang lalaki meron rin ang Mommy Kenziel mo" saad niya. Oh now I know.

"Well anyway I invited your mother and you for last time to have a quality time with me because this is the last time we'll see each other kiddo" saad niya at tumalikod na hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.

Ipipihit na sana niya ang pintuan ng tigilan ko siya at niyakap ng mahigpit. Hindi ko man siya tunay na magulang atleast nandyan sa at naiparamdam niya sakin ang mahal na kailangan ko mula sa isang tao."thank you.... Thank you for everything you've done to me" I said with sincere in my voice.

"Dont thank me kiddo your Mommy Kenziel is always the one who bought things for you and not me. She loves spoiling you and giving you everything from a far. It was her ever since. Wag mokong mamiss mashado ha just call me if you want to see me" saad niya at hinalikan ang noo ko and hugged me back.

Ilang minuto napagdesisyonan kong umalis na sa pagkakayakap at nang isarado na niya ang pinto. Binaling ko ang atensyon ko kay Kenziel which is my real parent. Agad akong kumaripas ng takbo papalapit sakanya at mahigpit siyang niyakap.

Gosh this familiar feeling. Jusko akala ko pa naman tita ko ito.

Niyakap niya rin ako pabalik at hinalikan ang sentido ko.

"How's my beautiful princess doing?" She asked as she caress my back. "Im okay po" saad ko dahil parang wala akong masabi dahil gusto ko lang siyang yakapin.

Si Mommy Hera naman nakatingin lang samin habang nakangiti. Yes Mommy Hera na because tatawagin ko ring Mommy Ken si Kenziel.

Pumunta na muna kami sa living room para magusap usap ng kung ano ano. Panay tawa namin sa isat isa. Ngayon ko lang napansin sakanya talaga ako ng mana. The way she make jokes napapatawa ka talaga. Lambing ng lambing rin siya kay Mommy dahil namiss niya daw ito.

Nalaman ko rin na yung kotse na gamit namin si Mommy Ken pala nagbigay nito kay Mommy. Kaya pala galing sa 'friend' daw kuno. Naiiling na lang ako dahil kanina pa ito si Mommy Ken na nilalandi si Mommy Hera at panay naman iwas si Mommy Hera kay Mommy Ken at sinasabihan na nandito lang ako at nakakahiya.

Marami akong gustong itanong sakanya. Curious ako sa naging takbo ng buhay nila. Nahihiya man tinawag ko siya.

"Mommy Ken" nahihiyang tugon ko at natigilan siya sa paglalandi kay Mommy Hera at tumingin sakin. Nabigla ata siya sa pag tawag ko sakanya ng Mommy.

"What did you call me" saad niya at may malawak na ngiti sa labi.

"Sabi niya tama na ang kakalandi mo sakin. Ano ba yan Kenziel!" Naiiritang saad ni Mommy Hera ng tumingin si Mommy Ken sakanya at ngumonguso na tila gusto humalik.

"Ay nako makiusap ka muna dyan sa anak mo at may aayusin lang ako sa kwarto" pag papaalam ni Mommy Hera na sabay na tinanguan namin ni Mommy Ken.

Nang makaalis si Mommy Hera lumapit naman sakin si Mommy Ken. " So honey what do you want to know?" Saad niya.

"U-uhm tanong ko lang po sana kung bakit hindi ko kayo nakasama paglaki ko at si Daddy- I mean si Tito John ang nakasama ko" tinawag ko siyang Tito dahil sabi ni Mommy Hera naging malapit na magkaibigan naman daw sila ni Tito John.

"Well Honey ayaw talaga sakin ng lolo mo lalong lalo na daw na babae ang makakasama ng anak niya. Pilit ko mang pinapapayag siya pero ayaw niya. That time rin nung nalaman niyang buntis ang anak niya which is ako rin yung ina nagalit talaga lolo mo. Ayun pinaghiwalay kami ng Mommy mo at Si John ang nagtayong ama mo since yun naman kagustuhan ng lolo mo".

"Alam mo akala ko talaga hindi ko na makakapiling ang mag ina ko" saad niya at may halong lungkot sa boses niya at tila namumuo na ang luha sa mga mata niya." Nung namatay rin yung lolo mo hindi na ako umasa na babalik pa tayo sa dati dahil akala ko nainlove na tong Mommy mo Kay John. Turns out gusto niya pa rin ako."

"So" pagpapatuloy niya. " I decided to go back here in Philippines" saad niya na ikinatango ko. Wow grabe pagmamahalan nila.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto at naputol ang paguusapan namin ng tinawag na kami ni Mommy Hera para matulog. Hindi ko namalayan na 10:00 na pala ng gabi.

Umakyat na kami sa taas at pumunta na sa kanya kanyang kwarto. Napatigil ako sa pagbubukas ng may naghawak sa balikat ko. Nakita ko naman si Mommy Ken so I give her a questioning look.

"How's your lover?" Tanong niya. Huh? Lover? Wala naman kami ni Ma'am eh. Atsaka pano niya nalaman?

"Lover?"

"Cristine" nagulat ako ng bangitin niya ang pangalan ni Ma'am.

"H-how'd you know her?" Takang tanong ko.

"Because of her dad?" Patanong na saad niya ang shrugged her shoulder. Sasalita pa sana ako nang magsalita na siya. " I need to tell you something tomorrow dahil baka hinahanap na ako ng Mommy mo" saad niya na ikinatango ko na lang and she kissed me in my forehead.

Nang makaalis na siya at pumunta na sa kwarto nila ni Mommy Hera ay pumasok na rin ako sa loob.

How'd she know?

The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now