Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 16 - Jᴇʟʟʏ

6.4K 256 44
                                    

Khale's POV:

Matapos makasakay ng kotse agad ko itong pinasibad papuntang bahay ko.

Kalaunan tumawag si Nichole sakin.

"Khale nakauwi na sila ng maayos" saad niya matapos kong masagot ang tawag.

Nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko siya. Ngayon ko lang din nalaman na propesor rin siya at mas matanda rin samin. Jusko panay pa naman ang tawag ko sakanya by her first name at wala man lamang 'po' at 'opo' kaya nga ng hingi ako ng paumanhin at natawa naman siya sa gawa ko pero kalaunan pinatawad rin.

Hindi ko siya kilala dahil iba ang tinuturo niya.

"Maraming salamat Ma'am Fajardo" sambit ko at binaba na ang tawag.

"Who was that?" Nagulat naman ako ng bigla magsalita itong katabi ko kala ko pa naman tulog to.

Nagtaka rin ako dahil ang pagkakasabi nito kalmado at hindi mashado yelo.

"Ma'am Fajardo po" magalang na sagot ko.

"Good I..I thought isa sa mga babae mo" nagtakang tiningnan ko naman ito dahil sa sinabi niya.

Huh? Babae ko? Jusme wala nga ni isa.

"Oh for pete's sake those God damn girls who keeps asking for your number and giving you flowers with chocolate!" Saad niya na pasigaw kaya bigla naman ako nagulat.

Hinay hinay naman Ma'am.

"Ma'am naman hindi ko sila mga babae". Malumanay na saad ko dahil baka maging dragon to.

"Ugh! Its frustrates the hell out of me!"sigaw nanaman niya.

"Ma'am naman bakit ganyan kayo?" Takang tanong ko dahil makareklamo kala mo may kayo.

"Cause you're fucking mine!" Sigaw niya nanaman na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Ako? Gusto niya? Nababaliw na ba siya? Kung oo mas nababaliw ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

Dahil sa naguguluhan kong pagiisip ay nagtahimik na lang ako sa buong byahe. Ito namang kasama ko titig na titig lang sakin kaya ni isang pagtingin ko sa kanya hindi ko ginawa baka ano pang mangyari eh.

Salamat naman at mga ilang minuto nakatulog na.

Matapos ang isang taong pag babyahe charot mga ilang minuto lang naman ay nakarating na kami sa bahay ko.

Pagkatapos kong lumabas sa driver's seat umikot ako at pumunta sa passenger's seat at inalalayan siya paalis ng sasakyan.

Nahihirapan ako makapunta sa bahay dahil sa paika ika niyang pag lakad kaya binuhat ko na lang siya ng pa bridal style. Bigla naman akong napaigtad ng ilagay niya ang mga kamay niya sa batok ko mayroon kasing parang kuryente akong naramdaman.

At shet mga bakla! lagi talaga ako namamangha sa bango niya. Jusko ko pwede lang amoy amoyin siya magdamag ginawa ko na.

Nang makapasok sa kwarto ay inilagay ko siya ng dahan dahan sa kama.

Pagkatapos ko siyang ilatag kakainin ko n- biro lang. Kahit gusto ko mang gawin iyon ayaw ko may respeto ako sa dyosang to. Siguro ang ibang tao gagawin na iyon nako kay ganda ganda ba naman nitong taong to.

So yun na nga pagkatapos kong ilatag siya pumuna na ako ng banyo at kumuha ng towel binasa ko ito dahil ito ang ipapahid ko sa katawan niya para naman macomportable siya.

Matapos kunin ang basang tuwalya pumunta na ako sakanya at nagsimula na mag punas.

Hindi ko ata makakayang matapos ito dahil ang hot niyang tingnan. Kahit walang make up rin wala kang makiking flaws sa mukha niya. Lahat ata nakuha na ng babaeng ito.

Aminin ko man o hindi mas maganda siya kaysa sakin. Hay jusko may nakatalo na sa beauty ko.

Napaigtad naman akong bigla ng hawakan niya ang kamay ko na pinupunas ang leeg niya at unti unting minulat ang mga mata niya.

Napalunok naman ako ng ilang beses dahil nakakatunaw ang tingning ipinupukol niya sakin kaya ako na ang nagiwas ng tingin at baka ma sunggaban ko pa siya.

The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now