Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 34 - Qᴜᴀʟɪᴛʏ ᴛɪᴍᴇ

5.8K 205 36
                                    

Khale's POV:

I corrected her direction where she needs to point the gun.

Hindi ko ba alam kung ano na ba ang nagyayari kay Ma'am dahil parang bumibigat na ang paghinga niya.

"Are you okay Ma'am?" tawag pansin ko sakanya. Ay namamawis na rin pala siya. Kinuha ko naman ang panyo ko at pinunasan ang pawis niya.

Syempre caring 'girlfriend' kuno dahil iyon ang sabi niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis alis sa isipan ko yung sinabi niya. Ano kaya trip niya for today's video?, Baka maging clown ata. Oo yun ata.

Inilagay ko ang baba ko sa balikat niya para naman makita ko kung tama talaga pagkakatutok niya.

Hindi yung isang tutok ah wala tong etits.

Nakita ko nanaman ang pagbaba taas ng dibdib niya. Jusko ikaw Ma'am ah!

"Ikaw Ma'am ah ikalma mo nga yang pech-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng itutok niya ang baril sakin. Agad naman akong tumakbo kay Mommy Ken at pumunta sa likod niya. Siya ang ginamit kong pangtakip sakin para.

Tapang naman nitong babaeng ito tumawa lang siya at nakisabay pa sa kalokohan ko ng para niya akong prinoprotektahan.

"Umayos na nga kayo" inis na singnal ni Mommy Hera.

"Kj" pabulong naman na sambit ni Mommy Ken pero parang narinig rin ito ni Mommy Hera.

"Ganun ba?" At inilabas niya ang baril na nasalikod niya. Ay iba rin si Mommy Hera flash pala to.

"I-ikaw naman baby hindi n-naman mabiro tara na t-turuan na kita. Hehe", kabadong turan naman ni Mommy Ken. Kahit kailan talaga HAHAHAHAHA.

Ibinaling ko naman ang atensyon ko kila Jaq at Ray. Masasabi ko naman na magaling talagang magturo si Ray. Namumula na kasi ang pisnge ng gonggong.

Nagsiuwian na rin ang mga bisita namin at ngayon nag lilinis ako sa bahay. Ayaw ko naman na lagi na lang ang mga katulong ang naglilinis ng tirahan ko. Napapagod rin kaya ang mga tao.

Nag angal pa nga si Manag Gloria pati ang iba pero sabi ko wag na at magpahinga muna sila. Alam ko namang susunod sila dahil hindi talaga ako titigil.

Nang mag gabi na kumain na kami ng sabay sabay ng mga maids and guards ko.

Pagkatapos kumain sila na rin nag ayos dahil panay talaga tanggi nila.

Kaya ayon hinayaan ko na lang sila.

Tumaas na ako ng kwarto ko at nagpahinga na pero bago iyon syempre dasal na muna.

Nandito ako sa hallway ngayon at pasipol sipol na naglalakad. Agad ako napadaing ng may biglang sumuntok sa tagiliran ko.

"Punyeta naman!" Inis na singhal ko at tumingin sa salarin. Si Samantha lang naman pala nyetang babae liit litt grabe maka nakit.

"Wala lang" kipit balikat niyang tugon. Napabaling naman ang atensyon ko kay Jaq dahil kanina pa ito ngumingisi.

"Anong meron pachika naman tutal marites nam-"

"Luh ang hayop akala mo hindi" sabat naman ni Samantha.

"Ano nga ba kasing meron?" Tila naiinis na turan ko dahil nawawala na talaga ako ng pasensya.

"Gago nandito na kasi si Koalaty" bigla nagbago ang mood ko sa sinabi ni Samantha.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang sagot ko. "Kung kailan patapos na tayo mag aral saka siya lilipat?" Jusko naman mag eexam na kami next week at graduation na tapos saka palang siya lilipat kung kailan patapos na? Unbelievable

"Oo sabi nga ni Alex"si Alex kaibigan rin namin pero iba ang pinapasukan namin pero nandun rin si Koala nagaaral."pinilit niya raw talaga magulang niya para lang makaeskwela dito at makasama ka" Punyeta naman.

Koalaty in short koala. Binansagan siya bilang koala dahil pagkakita ng pagkakita palang sakin nun buong araw na yang nakadikit sakin. Mashadong mahak ang braso ko ng babaeng iyon. Ewan ko ba makaasta crush na crush ako eh hindi naman siya umaamin sa time na magkasama kami.

Ayaw ko namang tanongin malay mo hindi pa ready o confuse lang diba? Pero bahala siya sa buhay niya.

Nandito na kami ngayon sa unang klase at si Maldits ang unang professor namin for today's vedyow charot este klase.

Bumukas na ang pinto at excited akong napaangat ng tingin mula sa libro dahil akala ko ay yung minamahal ko na ang pumasok pero si Koala pala.

Kay putangina naman.

Malawak ang ngiti nito na nakatingin sakin. Kumaway pa ang siste at napatingin naman sakin ang mga kaklase ko.

"Hi love!" Masiglang bati nito at hinalikan ako sa pisnge. Hindi naman ako makakiwas dahil iiyak lang ito at kung ano ano pang idadrama.

Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Jusko umupo ba naman sa kandungan ko.

Pilit ko siyang inaalis dahil any minute now papasok na ang dyosa at baka hindi lang maliliit na bagay ang lumipad sakin baga tv na ang sunod jusko ayoko po.

Grabe pa naman iyon magalit.

Bigla akong kinabahan ng marinig ko takong niya.

Jusko guys pray for me. Amen.

"Dont flirt if YOU dont wanna fail in my subject, ESPECIALLY.IN.FRONT.OF.ME" madiing saad niya na ikinalunok ko ng ilang beses. Grabe kasi kung makatitig si Ma'am kung ang tingin lang nakamamatay siguro patay na kaming dalawa ni Koala.

Doon ko nakuha ang lakas ng loob ko para naman itulak ang babaeng nakaupo pa rin sa lap ko.

"Love why did y-" pinutol ko na ang sasabihin niya at nagmamakaawang tiningnan ito.

"Please kung gusto mo buhay pa tayo makalabas dito at maayos pa ang grades natin wag ka ng umingay pa ha" tila malungkot kong tugon para naman kapanipawala ang sinasabi ko. Knowing her maaawa at maaawa ito sakin loko loko ko man sinabi o hindi.

Ang siste tumango na lang at umupo na ng maayos.

Natapos ang maghapong klase at sa tuwing nakikita ko siya hindi maipinta ang muka ng dyosa. Pano ba naman itong Koala kanina pa nakadikit sakin. Nakayap sa braso ko.

Putulin ko na lang kaya ito at ibigay na sakanya para naman hindi ako mahirapan? Tama naman ako no?

Kaso wala na ako pang gamit kay Ma'am

Pero buti naman at wala siya ngayon sa tabi ko. Syempre nandito ako sa rooftop. Vacant ko ngayon ang mga gonggong ko namang mga kaibigan ay may pasok dahil hindi naman sa lahat ng oras kasama ko sila. Paiba iba kasi ang sched namin.

Buti na lang talaga walang tao ngayon dito sa rooftop at makakasolo ako rito. Ang ganda kaya pag tahimik lang ang paligid tapos walang ibang tao. Wala lang mas relaxing.

Napaigtad ako ng may biglang bumukas ng pinto sa likod ko at may yumakap sakin.

Hindi ko na kailangan tumalikod dahil sa amoy palang kilala ko na. Kahit saan ata ako magpunta mahahanap at mahahanap talaga ako ng koala na ito.

Naiinis na humarap ako sakanya ngunit nagbago ang pakiramdam ko ng makita kong parang galing lang ito sa iyak.

Niyakap ko rin ito ng mahigpit at kusa na lang itong sumiksik sa leeg ko. Hinayaan ko na kang para naman mapakalma ko siya.

Ilang minuto pa kami nasa ganitong posisyon ng makaramdam ako na parang may nakatingin samin.

Tumingin naman ako sa paligid para makita kung sino man iyon pero wala naman. Guni guni ko lang ata iyon.

Dahan dahang umalis ako sa pagkakayakap at tiningnan siya.

"It's okay and its going to be okay" yun na lang sinabi ko dahil hindi ko naman alam kung bakit siya ganyan.

The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now