Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 13 - Rᴇᴄᴏᴠᴇʀ

5.5K 236 12
                                    

Khale's POV:

Tatlong araw na ang nakakalipas pagkatapos maaksidente ng dalawa at nakalabas na rin ng hospital si Jaq si Samantha naman mga bukas pa.

Si Tita Claire na rin ang nag sabi sa mga propesor namin na hindi makakapasok dahil sa nangyari.

Nandito kami ngayon ni Jaquilyn sa grocery store para bumili ng mga ilang ilang mga prutas para kay Samantha.

"Oh lahat na ba kumpleto tingnan mo sa papel na sinulatan natin baka may kulang pa" sambit ni Jaq ng makatapos na kami kumuha ng mga pagkain.

Sa aming magkakaibigan si Jaq talaga ang maalagain.

"Oo ok na lahat tara bayad na natin to" saad ko na ikinatango niya.

Ngunit bago pa man kami makapunta sa cashier nahagip ng mga mata ko ang taong kay tagal tagal ko ng gustong makita.

"Hoy diba si Ma'am Valencia yun atsaka sino yung isang kasama niya?" Takang tanong naman niya sa katabi ni Ma'am.

"Si Nichole yan yung nakainuman ni Samantha" sagot ko sa tanong niya.

Lumapit na ako kay Ma'am dahil miss na miss ko na ito. Pero miss ba ako? Syempre hindi.

"Hi Ma'am" masiglang bati ko sakanya at ang dyosa inirapan lang ako.

Natawa naman ako sa gawa niya.

Tumingin naman ako sa tabi niya na para bang gustong may I tanong pero parang ayaw niya pa kaya ako na ang tatanong.

"May tanong ka ba Nichole?" Nagtatakang tanong ko.

"Uhm...... Si Samantha? Okay lang ba siya? Di na kasi nakikipagusap sakin eh." Paliwanag niya.

Ay kaya naman pala.

Pero bat ganun parang may something ang dalawa. Sabihin ko kaya? Baka ayaw naman paaalahanin ni Samantha tong si Nichole.

"Ano kasi eh....Uhm naaksidente siya kaya nasa hospital siya ngayon, okay okay naman siya bukas na rin siya makakalabas." Saad ko na ikinagulat niya ng bahagya.

"Ha?!" Saad niya na pasigaw kaya nakakuha kami ng atensyon sa ibang tao. Siniko naman ni Ma'am si Nichole kaya napahawak na lang to sa bibig niya.

"Oo, kaya nga nandito kami para bilhan siya ng pagkain" saad ko naman.

"Pwede bang sumama sainyo kung pupunta kayo sakanya?" Tanong naman niya.

"Oo naman pagkatapos namin rito pupuntahan namin siya"

Pagkatapos ng usapan binayaran na namin ang mga pinamili namin. Kasunod lang samin sila Ma'am dahil susunod daw sila sa hospital.

Pumunta na kami sa labas at papunta na sana sa parking lot ng mag salita si Nichole.

"Sabihin niyo na lang Khale kung saan yung hospital at pupunta na kami doon." Saad ni Nichole.

"Wag na baka matagalan pa kayo sumakay na lang kayo sakin" pag o-offer ko naman sakanila.

"Ah sige salamat Khale" saad niya sakin.

Nang makapunta na sa parking lot pinagbuksan ko na sila ng pintuan. Si Nichole ang nasa passenger seat at nasa backseat naman sila Jaq at si Ma'am.

Pinasibad ko na ang kotse ko papunta sa hospital.

Nakikwentuhan naman si Nichole sakin. Kahit ano ano ang tanong niya kay Samantha. Like kung anong nangyari bat ganun ang nangyari sa kanya. At kung ano ano pa kunti na lang talaga iisipin kong mag girlfriend ang dalawa.

Ilang minuto nakarating na rin kami sa hospital.

Pagkapasok ng pagkapasok ng kwarto ni Samantha lumapit kaagad dito si Nichole. Sinusuri suri pa nito ang katawan kung may sugat pa ba.

Natawa naman si Samantha sa gawi ni Nichole kaya nakatangap siya ng pitik sa noo na ikinangiwi niya.

"Okay lovebirds kain muna tayo" tawag pansin ko sa dalawa dahil para wala silang balak itigil ang isa't isa.

Tumawa naman si Samantha at nakatangap naman ako ng irap kay Nichole.

Inihanda na namin ni Jaq ang mga pinamili namin sa lamesa.

Si Nichole ang nagpapakain kay Samantha na nakaupo lang sa gilid ng kama. Kami naman na tatlo sa lamesa nasa harap namin si Jaq at katabi ko naman ang mahal ko. Hindi charot lang baka kung ano pang gawin sakin nito.


Nandito na kami ngayon sa paaralan makatapos namin alalayan si Samantha papunta rito.

Mashadong nahihilo pa daw. Sabi ko nga wag ng pumasok at magpahinga pero sabi niya wag na daw at gusto niya makapasok dahil sa event.

Sisimula na rin kasi ang mga booth dito, ngayon rin ang araw na pipili kami kung anong gusto namin.

Buong maghapon pinaliwanag samin ang mga booth na sasalihan. Alam naman namin yun kaya hindi na kami nakinig.

Napagpasyahan namin na marriage booth na lang sasalihan. Alam kong hindi to gusto ng dalawa dahil baka daw puro kasal dito kasal doon ang gagawin nila pero ayaw talagang mapahiwalay sakin at sumama na rin sa gusto kong booth.

Gusto ko talaga ang marriage booth. Seems fun I guess and I like to decorate naman.

Friday ngayon so yeah I went to the gym as usual.

Pagkapasok sa bahal syempre kain agad dahil pagod na pagod ako at pagkatapos kumain pasalampak naman akong humiga sa kama.

Hay sana maganda naman ang mangyayari sa paaralan next week. Sana naman hindi magiging bored.

The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now