Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 10 - Mᴀʟʟ

5.9K 260 71
                                    

Khale's POV:

Natapos ang buong maghapon na ang saya saya ko.

Bayan si Ma'am nakakainlove naman.

Tatanong tanong tuloy yung dalawa kong baliw na ba ako dahil ngit ako doon ngiti dito halos mapunit na nga raw bibig ko kakangiti.

Palibhasa walang mga labidabs. Charot di sakin si Ma'am.

Naputol ang pagiisip isip ko ng kurutin ni Jaq ang tagiliran ko.

"Aray ko naman Jaq!" Daing ko at hinaplos haplos ang tagiliran.

"Kanina pa kasi ako dada ng dada dito hindi ka naman sumasagot.... Si Ma'am Valencia nanaman ba yan?" Takang tanong ng Jaq na may mapaglarong ngisi ganun rin si Samantha.

"Hay naku wag mo siya isabay sa usapan. Ano ba sinasabi mo diyan ah?"

"Yun na nga punta tayo sa Mall makikisabay na rin kami sayo tutal ayaw naming mag jeep" saad naman ni Samantha.

Medyo matagal tagal na rin ng gala namin kaya siguro sulutin ko na.

"Sure, tara na" sambit ko at pumunta na kami ng Parking lot.

Makaraan ang ilang minuto nakarating na rin kami sa pupuntahan natin.

"Hay ka miss rin talaga" sabay na sambit ng gonggong na ikinailing ko na lang.

"Let's buy clothes first" I said as they were about to go to KFC.

"Pero wala naman kaming pangbi-" pero bago pa man niya matapos sasabihin niya hinila ko na sila papasok sa Gucci store.

"Buy anything you want just go to cashier and call me if tapos na kayo mamili" saad ko na ikinabuntong hininga nila.

Alam kasi nila na hindi nila ako mapipilit.

Marami ngang taong nagtataka kung bakit ko naging kaibigan sina Samantha at Jaquilyn kung mahirap naman sila. Di naman sila mahirap at may kakayanan naman.

Tiwala. Tiwala lang talaga ang hinahanap ko sa isang tao maging kaibigan ko. Wala naman akong paki sa kayamanan mo o kakayahan mo. Sa pagtitiwala pa lang na ibibigay mo masaya na ako roon.

Hirap pa naman ibigay ang tiwala sa isang tao.

Ako naman ay pumili na ng mga iilang damit na bibilhin. Natuwa naman ako dahil nakikita ko silang ngumingiti pag tinatry nila yung mga damit.

I love spoiling them.

Pumunta na ako sa cashier at hinintay ang dalawa. Mga ilang minuto pa ay dumating na sila at nakita kong marami rami rin ang binili nila. Napangiti ulit ako dahil noon kunti lang ito dahil nahihiya sila ngunit hanggang tumagal ay rumarami pa.

Inilapag na nila ang mga damit sa lalagyan.

"Here's m-"

"No, ako na magbabayad" pag tangi ko ng dadampot na sana sila ng pera.

"Pero sobra sobra na KD" sambit naman ni Samantha.

"Hay nako kayo okay lang yun no." Sambit ko sabay ngiti sa kanila.

"Thank you talaga" sabay na sambit nila at niyakap pa ako.

They never fail to make me happy talaga.

"Ma'am that'll be 339,980 Pesos" saad naman ni ateng cashier.

Inabot ko naman sakanya ang black card ko. I usually take money with me but card lang dala ko ngayon kaya ito na lang gagamitin ko.

"Thanks for coming ladies" saad nila ng papaalis na kami. Binigyan ko na lang sila ng isang tango at ngiti.

"Oh lets go eat na" saad ko ng makalabas na kami ng Gucci store.

"KFC!!!!!" Sabay na saad nila na tinanguan ko na lang.

Nangmaka punta na kami ng KFC ay humanap na kami ng mauupuan at nag order na yung dalawa.

Alam na nila ang gusto ko kaya bahala na sila.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sabay ang pagkain.

Masaya kaming kumain na magkakaibigan tawa doon tawa dito. Puro nga mga kalokohan ang pinagsasabi ni Samantha na lagi na naman naming ikinatatawa ni Jaq. Nako ewan ba sa babaknitang tong at alam lagi kong pano kami mapapasaya kahit nasan man.

"Tapos tumae yung bata sa pool ta- hoy teka si Ma'am Valencia ba yun at sino yung kasama niyang lalaki?" Sabay naman kaming napatingin ni Jaq kung saan nakatingin si Samantha.

Sino kaya yang lalaki na yan? At binigyan pa si Ma'am ng flowers. At tinangap pa naman niya.

Di ko alam pero bat parang ang sakit at ang sikip ng damdamin ko. Di dapat ako nakakaramdam nito dahil wala namang kami. Jusko ano ba to.

Mga ilang minutong paguusap pa ang ginawa nila bago umalis na ang lalaki.

Nagtaka naman ako kung bakit di pa si Ma'am umaalis. Sabay kaming napasinghap na tatlo ng itapon ni Ma'am sa basurahan ang flowers na ibinigay ng lalaki.

Pero sino kaya ang lalaking iyun?


The Unbreakable FeelingsWhere stories live. Discover now