Chapter 2- Back

1.6K 66 5
                                    

Salamat sa pagsubaybay! Share this to your friends! Thank you!

__

SA CAFETERIA ng plantation dumiretso si Diwata pagkatapos ng ilang oras na pagto-tour sa mga guests ng Costa Alegre. Alas dose ng tanghali pero medyo wala pang mga empleyado na kumakain. Namili siya agad ng tanghalian. Dalawang taon na pagtratrabaho sa Alegre ay kilala na niya halos lahat ng tao.

Tour guide sa umaga, at tumutulong sa mga empleyado sa Finance Department tuwing hapon hanggang alas kwatro. Alas singko ng hapon ang klase niya hanggang alas nuwebe ng gabi. Medyo sanay na rin siya sa kanyang routine araw-araw. Hindi naman toxic ang working environment sa plantation kaya hindi niya pino-problema.

Limang oras siyang dapat magtratrabaho. Alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon. Kaso nagpadagdag siya ng dalawang oras para makakatanggap naman siya ng sweldo. She didn't know the magic pero pumayag naman ang HR department. Ginagawa rin daw kasi 'yon ng ibang scholars nila dito.

"Bakit walang tao, Dette?" tanong niya sa nag-se-serve ng pagkain ng cafeteria na si Bernadette. Scholar din gaya niya pero culinary student at nag-aaral sa state college dito sa Guimaras.

"Uuwi na si Sir Levi. Iyong ibang tao ay nandoon sa mansion para maghanda ng mga pagkain para sa welcome party."

"Ay sure? Ilang taon ng sabi-sabi na uuwi si Sir Levi, eh hindi naman natutuloy. True na talaga this time?"

Noong natanggap siyang scholar two years ago, pagkapasok niya ay hindi na niya naabutan si Sir Levi rito sa Alegre dahil bumalik na ng Amerika.

"Oo. Narinig ko galit na galit na si Madam Katarina kasi walang physical na nagma-manage ng hacienda. Matanda na raw siya at hindi na kaya ang mga negosyo rito sa Alegre."

"Tama naman si Madam. At mabuti namang uuwi na sa wakas si Sir Levi dahil hindi pa talaga ako nakapagpasalamat ng personal sa kanya sa pagpapasok sa'kin dito bilang scholar."

"Lahat imibitado sa welcome party. Sana all noh. Hindi ako makakapunta kasi may klase ako."

"Mahal na mahal ni Madam si Sir Levi ano. Iniwan na nga siya rito sa pagma-manage ng negosyo, may bonggang pa-welcome party pa."

"Hindi naman naglayas si Sir Levi, Diwata. Nagtayo raw ng negosyo doon sa Amerika kasama ang ilang kilalang investors. Saka, mahal na mahal ni Madam Katarina ang hacienda, kailangan niya ang anak niya para hindi ito bumagsak."

"Parang naglayas din 'yon. Bakit ka magtatayo ng ibang negosyo kung may sobrang laki kang negosyo na kailangang itaguyod sa pang-araw-araw. Pero hindi ko rin masisisi si Sir Levi kung gusto nga niyang maka-move on kay Ma'am Noelle."

Sabay silang dalawa ng umupo sa pang-apatan na mesa. Hinintay niya si Dette na makakakuha ng sarili nitong pagkain.

"Ito naman kasi si Madam Katarina, kung sana hindi siya nanghimasok sa relasyon ni Ma'am Noelle at anak niya, edi sana...hindi aalis 'yon."

"Ay talaga? Paano nanghimasok?"

"Hindi ko alam kung fake news ba 'to or totoo, sana huwag mong e-chismis sa iba. Si madam ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa. Ayaw ni madam kay Ma'am Noelle. Nalaman ni Sir Levi at galit galit. Pumunta ulit siya kay Ma'am Noelle at nakiusap na huwag itong maniwala kay madam. Te, pinaglaban niya si Ma'am Noelle kaso ayaw na talaga 'nong babae. Handang-handa si Sir na iwan ang lahat para makasama lang ang babae kahit ina niya pa ha. Kahit abandunahin niya ang kanyang ina. Kaso ayaw na talaga ng babae. Ayon, pumunta ng Amerika para itahi ang bubog ng puso."

Seryoso ang subo niya habang nakikinig kay Dette. Namamangha sa chismis nitong hindi niya alam kung totoo. Kung totoo man ay napagtanto niyang sobra ngang magmahal si Sir Levi. LDR pa ang dalawa ha. Hindi nagbago ang pagmamahal sa kabila ng distansya saka pinaglaban pa. Sanaol, Noelle.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now