Chapter 6- Way to Win

1.4K 52 13
                                    

Thank you for waiting! Recommend it to your friends! Salamat!

Unedited. Typographical and grammatical errors along the way. 


SA MALAKING salamin ng comfort room ng mga babae rito sa mango plantation ay bumuntong-hininga siya. Haggard na haggard ang mukha niya kaya agad siyang naghilamos. Kumuha ng maliit tuwalya sa kanyang back pack at tinuyo ang mukha. Naglagay ng foundation at lipstick. Iyong pula na kasi hindi na kaya ang mukha niya.

"Kanina ka pa balisa, Diwata. Ano ba problema mo? Hindi ka kumain ng tanghali. Pakamatay ka ba?"

"Hindi lang nakakain ng tanghalian ay magpapakamatay na. Iniisip ko lang 'yong lupa ng Lola ko."

"Iyong sa Sitio Panatag? Girl, hindi ka nag-iisa. Ganun din ginawa ni Mayor sa mga taga sitio sa amin. Bumibili talaga 'yon ng lupa para pagdating ng eleksyon may tinatakot siya. Papaalisin sa lupa niya ang hindi boboto sa pamilya nila. Napakawalang hiya. Pero sana matulungan tayo ni Sir Levi. Lupa naman nila 'yon noon bago binili ni Mayor."

Naisip na naman niya bigla ang offer ni Sir Levi. Naging mas kabado na naman siya. Imbis kaka apply lang niya ng pulbo ay pinagpapawisan na naman siya. Kailangan niya ng pera pero ang laki ng risk kung papayag siya sa deal.

Huminga siya nang malalim.

"Dette, paano kung may nag-alok sa'yo ng kasal? Hindi ka niligawan. Bigla lang sumulpot isang araw at tinanong ka lang agad agad. Bilang babae, deserve naman natin 'yong magandang proposal..." hindi 'yon ang punto niya pero gusto lang niyang malaman ang opinyon ni Bernadette patungkol sa pag-aalok ng kasal sa ganitong edad.

Okay lang walang proposal kasi business proposal lang naman 'to. Parang nag ha hire lang ng empleyado si Sir Levi, pero kakaibang posisyon dahil bilang asawa nito. At aba, siya pa mismo ang nilapitan imbis na siya ang lumapit.

"May boyfriend ka ba? Parang wala naman ah. Kung may boyfriend ka sana hinahatid at sinusundo ka naman niya rito sa Alegre dahil minsan nahihirapan kang sumakay pauwi. Saka Diwata, tanggihan mo 'yan. Nagsusumikap ka nga rito sa Alegre para makapag-aral tapos rurupok ka lang sa isang proposal. Handa ka ba sa buhay may asawa? Hindi di ba? Give up ka na agad sa pag-aaral mo? Mahiya ka naman sa pinag-aaral ng Alegre sa'yo."

"Alam ko naman 'yon, Dette. Saka may boyfriend ako, hindi ko lang sinabi. Stay lowkey lang. Ganun..." kahit hindi naman.

"Dalawang taon na lang ay ga-graduate ka na. Hindi ka ba makapaghintay? Mayaman ba 'yang nag alok sa'yo at parang papayag ka pa sa lagay na 'yan ha."

"Five days kung pag-iisipan."

"Tangina. May time period pa."

"Hindi mo maiintindihan," balisa niyang saad at tiningnan ang sarili sa salamin. Siya lang talaga siguro ang nakakaintindi ng sitwasyon ni Sir Levi. Kahit sabihin niya ang totoo kay Bernadette ay hindi nito maiintindihan. Tatawanan lang nito. Isasagot lang nito na problemang pangmayaman lang 'yan.

"Alam mo, Diwata. Mabigat ang buhay may asawa. Kung nag-aaral ka at iyong partner mo ay hindi, dapat ipaintindi mo sa kanya na bawal ang sex at bawal kang mabuntis. Maghintay kamo siya ng ilang taon para galawin ka. Tsaka, malaki ang responsibilidad mo sa asawa mo kung ganoon. Mahahati ang oras at atensyon mo between sa kanya at sa pag-aaral mo. Iba lang siguro kung understanding ang magiging asawa mo at mahal na mahal ka niya para intindihin ang mga pangarap mo. At girl, baka nakalimutan mo, bente pa edad mo! That's weird to get married!"

Ang kailangan lang ni Sir Levi sa kanya ay ang pangalan niya at acting niya. Wala siyang malaking responsibilidad. Hindi siya mabubuntis at hindi siya gagalawin. Hindi siya hahagkan, yayakapin, hahawakan in private maliban na lang kung sa harap ni Alyana at Madam Katarina.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now