Chapter 16 - 'Kiss You'

1.3K 68 10
                                    

Thank you for waiting! Please recommend!

Unedited. May contain grammatical and typographical errors.

__

"SAAN at kailan mo nakilala ang anak ko?" iyon ang bungad na tanong ni Madam Katarina kay Diwata nang makaupo siya sa upuan. Nasa malayong private cottage siya dinala ng matanda at nang personal assistant nito.

She composed herself before answering. Ito na nga ang totoong laban.

"Nakilala ko po si Levi noong naghiwalay po sila noong girlfriend niyang si Noelle. Scholar po ako ng Alegre Foundation. May interview po ako 'non at nakilala ko po ang anak ninyo dahil kay Doc Fabiz. Nang bumalik siya ng Amerika pagkatapos ng araw na 'yon ay mas nagkakilala kami sa tawag at text. Two years ago."

"Two years ago? At agad ka niyang pinakasalan? This is ridiculous, Alcantara. Kung ano man ang nakita ng anak ko sa'yo ay hindi ko nakikita ngayon. Hindi ko nakikita ang rason kung bakit ka niya minahal."

She stared at her, disgusted and telling her that she had never been born for her son. Okay lang naman. Contract. Business deal. She was hired to annoy his mother.

"Siguro po ay dahil tumitingin po kayo sa panlabas na kaanyuan. Siguro po ay gusto ninyo 'yong babaeng maganda at mayaman sa isang tingin. Hindi man ako 'yon pero nasisiguro ko po na 'yong puso ko ay nagmamahal sa anak ninyo."

"I don't think so. Ginayuma mo ba ang anak ko? Because I totally can't believe what is happening to him! Ikaw? Diwata Soledad Alcantara is a granddaughter of a barbecue vendor and a fisherman in the village of Panatag. Namatay sa sunog ang mga magulang mo. Currently, naghihirap kayo. Paano ako maniniwala sa'yong mahal mo ang anak ko?"

She sighed. Ano nga ba ang magpapatunay sa mga kagaya niya kung magmamahal ng mga kagaya ni Sir Levi?

She didn't know if this would sound convincing at makatotohanan. "Mahal ko po ang anak ninyo, Madam Katarina. Matatanggap ko po na hindi niyo ako magawang magustuhan para sa kanya dahil may gusto kang ibang babae. Ang tangi ko lang masasabi ay naghihirap man po kami, hindi ko po habol ang anumang kayamanan na mayroon si Levi. Kung tingin mo sa lahat ng mahihirap ay habol ang pera ninyo, pwes...nagkakamali ka po doon. Kailangan niyo na po sigurong linisin ang puso at kaluluwa ninyo."

Namilog ang mga mata nito sa nasambit niya. She felt satisfied that this madwoman had that reaction.

"How dare you say that to me?! Kahit asawa ka ng anak ko...God. I can't believe I actually said that. Hindi kita matatanggap. Hindi kita maipagmamalaki. Ako pa rin ang ina ni Vincent. Make your mouth behave."

"Make your mouth behave din po, Madam Katarina. Mawalang galang na po, gumagalang lang po ako sa mga taong ginagalang ang iba."

"Are you not ashamed? Ipinagsiksikan mo ang buhay mo sa buhay ng anak ko. Two years you had known each other. Ang bilis naman ninyong magdesisyon na magpakasal. Then, nagpakasal ka sa anak ko at hindi inisip na magugustuhan ka ba ng pamilya niya. Gaano ka kapal ang mukha mo, babae?"

"Mahal ko po si Levi, mahal niya ako. Siya po ang nakikita kong maging katuwang ko sa panghabang buhay kaya ko siya pinakasalan. Maalaga po ang anak ninyo. Pikit ang mata ko sa mga kayamanan na mayroon siya. Mulat ang puso ko sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. 'Yon lang ang tanging dahilan kung bakit ko siya pinakasalan. Hindi na po mahalaga kung magugustuhan ninyo ako o hindi. Wala po akong pakialam."

"Tatawanan ko ang anak ko kapag dumating ang panahon na mauubos ang pera niya..."

"I will make my own money. Pinaghirapan ko po ang pinapaaral ko sa aking sarili. Matayog ang pangarap ko. Kapag naabot ko po 'yon, sinisiguro ko sa inyo na hindi ako magiging dependent kay Levi."

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon