Chapter 14 - Wife

1.4K 61 9
                                    

Thank you for always waiting! Please recommend! 

__

SA lumalamig na gabi ay nagdadasal ng palihim si Diwata na sana ay maging maayos ang paghaharap nilang dalawa ni Madam Katarina. Sa kabila ng kalabog ng kanyang dibdib ay naririnig niya ang mahihinang cheer ups ni Sir Levi na siyang nagmamaneho ng kotse papauwi na ng mansion. Nauunahan siya ng kaba at hindi na naisip kung paano ang acting niya mamaya.

Pagkabalik nila galing sa Cebu ay agad siyang nag-impake ng kunting damit niya para sa pagtira sa mansion. Ayon naman ito sa pinag-usapan nila ni Sir Levi para maging convincing ang kanilang kasal. Paniguradong unang magiging reaksyon ni Madam Katarina ay magwawala ito at kakamuhian siya. That was expected kaya maigi kung handang-handa siya para lumaban.

Ang mainam na lamang dito ay hindi na dumagdag sa aalahanin niya ang kanyang Lola dahil naiintindihan naman nito lahat. Nandoon naman si Grace para bantayan si Lola at dadalawin niya 'yon apat na araw sa isang linggo. Nangako din si Leah na aalagaan at babantayan nito ang kanyang Lola.

"Just be yourself plus the needed acting, Diwata. Then, we'll survive. Hindi ka magugustuhan ni Mama kaya huwag kang mag-aalala dahil 'yon din ang rason kung bakit kita kinuha. She dislikes every girl unless it is Alyana. The goal here, gagalitin ko si Mama hanggang sa magsawa siya, at masasakal si Alyana hanggang sa bumalik ito sa Negros. Seemed so cruel, but I want my life. I don't want my mother to dictate me what to do especially the topic of marriage."

Tumango-tango siya na pinapakalma ang sarili. Naiintindihan naman niya 'yon. Kung para sa iba ay masamang pakinggan, pero sa mga taong nakakaintindi na ang kasal ay isang panghabang-buhay na desisyon na hindi dapat pinapakialaman ng ibang tao ay mahalaga 'yon at dapat pinaglalaban.

Lumingon siya sa labas ng sasakyan at napansin na hindi ito ang daan papunta sa Hacienda Algere.

"Wala na tayo sa highway, Sir. Saan tayo pupunta?" iayong nadaanan nila ay napapalibutan ng maraming kahoy, malalakas ang huni ng mga insekto sa gabi, at makipot na daan na kasya lang ang lapad ng sasakyan ni Sir Levi.

"Shortcut ito papunta sa hacienda. This path will lead us straight to the back of our mansion. Ginagamit ito noon regularly, but sinarhan na namin noong namatay si Papa. This is the alternative road connecting the three divisions of the hacienda, Costa Alegre, plantation, and our mansion."

Tumango naman ulit siya. "Pwede kaya bilisan mo, Sir Levi. Pakiramdam ko may nagtatagong mga multo sa gitna ng gubat eh." Yakap yakap niya sa nilalamig niyang katawan. Wala man lang mga poste ng ilaw.

Sir Levi only chuckled. "Ayaw nating may makaalam sa koneksyon nating dalawa, 'di ba? Our deal will affect your work in the plantation so mainam na maging sekreto muna. And this road will keep our secret. Bukas ay tuturuan kita kung saan ka dadaan papuntang plantation."

"Mabuti nga 'yon, Sir. Dahil kung may makakaalam na asawa mo ako, pagkakaguluhan ako ng mga kapwa ko scholars at empleyado. Hindi ko alam ang isasagot sa kanila kapag marami silang tanong. Pero paano po kayo nakakasiguro na magiging tikom ang bibig ng mga tao sa mansion."

"Five maids and three houseboys will be easily managed. Kilala ko rin ang Mama ko, hindi niya maipagmamalaki ang mga bagay na labag sa kalooban niya. She will not like this so she will keep her mouth shut. She's my mother but most of the time, she doesn't act like one. Gusto niya nasusunod ang lahat ng gusto."

Mabuti naman. Hindi naman siguro sila magtatagal ni Sir Levi sa business deal na 'to. Isang taon ang term of agreement pero kapag sumuko agad si madam Katarina ay mas magaling.

At kung pagpalain ni Lord at maging asawa nga niya itong si Sir Levi, gabayan na lang sana siya ng Panginoon araw-araw kung paano pakikisamahan si Madam Katarina. Bakit naman niya iisipin ang bagay na 'yon? She would not be the permanent and official wife.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now