Chapter 33 - His Confession

1.8K 78 29
                                    

Try my best to update faster haha, this story is completed on drafts na. Anyway, thank you for still reading! Unedited. May contain typos and grammatical errors. 

__

Four months later...

"TIPID-tipid muna ako ngayon, Diwata," dinig niya mula kay Vina habang nagliligpit na ito ng libro nito para sa huling klase nila sa gabi. Nasa upuan pa rin siya, kinokopya ang example problem sa whiteboard.

Na-lowbat ang cellphone niya kaya hindi siya makapag-take ng picture.

"Okay lang sa'kin. Hindi naman ako mapili." Mas sinusunod niya talaga si Vina sa mga gusto nitong kainin kasi ito lang naman ang pinaka-close niyang kaibigan. Saka parati namang nagtitipid ang babae, kahit siya. "Paborito ko pa rin 'yong pungko-pungko."

"Ito talaga ang gusto ko sa'yo eh. Naiintindihan mo ako pagiging dukha ko," biro nito.

"Dukha rin ako. Gaga," tawa niya. "Medyo may laman lang ang bangko kasi nagtratrabaho ako 'non sa amo ko, pero mauubos din 'yon dahil sa rentals, additional expenses sa school, mga mamahaling libro, basic needs saka sinusuportahan ko rin ang Lola ko. Edi kailangan ko ring magtipid."

"Makakahaon din tayo. Ang mahalaga, humihinga pa tayo sa accountancy." Iyong iba nilang kakilala noong first year ay nag-shift na ng ibang degree program. Sila na lang ni Vina talaga ang since first year ay magkakilala na na naka-survive sa paghihirap na 'to.

Kaibigan niya lahat ng kanyang kaklase pero si Vina ang sa lungkot at saya ang katuwang niya. Mag-a-apat na buwan na rin mula nang lumipat siya sa Cebu.

"Tara na!"

"Last na lang 'to." Nang matapos siya ay niligpit niya agad ang kanyang mga libro, highlighters, ballpen, at calculator. Sinukbit na sana niya ang kanyang tote bag nang nilapitan siya ni Jane.

"Sol, kung hindi ka busy bukas, pwede kami paturo sa lesson kanina. Hindi namin gets masyado..."

"Oo naman, Jane. Sa library niyo lang ako makikita. As usual."

"Sige thank you, Sol!"

May isang kaklase rin siyang lumapit sa kanya sa ganoon ding intensyon. Ganoon din ang kanyang sinagot bago sinundan si Vina na atat nang kumain.

Pagkababa nila sa lobby ay may bumati sa kanyang ilang mga kaklase niya sa minors at kahit mga ka-batchmates niya sa kabilang block section.

"Congratulations, Sol!" panay bati ng mga ito na malugod niyang pinasalamatan.

"Inggit na inggit ang mga 'yan na ako bestfriend mo rito. May special card ako kapag nahihirapan sa mga lessons."

"Tsk. Nag-aaral lang talaga ako, Vina."

"Sos! Hindi na ako naniniwala sa'yo. Topnotcher ka na naman sa anim na major subjects. Hoy nakaka-drain kaya ang exams. At mukhang hindi ka man lang na-stress. Jusko ka. Tinitigan mo lang mga libro, tapos 'yon na?"

"Samahan mo ng dasal, Vina. Dapat din walang nan-di-distract sa'yo. Puro ka kasi Tiktok, Wattpad, Facebook...but anyway, mas maganda ngang huwag magpapaka-stress. Enjoyin mo lang buhay mo. Huwag kang gumaya sa'kin."

"Boba! Mas gusto ko ngang gayahin ka. Baliw ka talaga. Halos lahat ng fourth years dito ay humahanga sa katalinuhan mo. Kahit 'yong ibang mga matatalino rin nating mga kaklase. Hangang-hanga rin sa'yo 'yong mga first years. Nubayan. Buta ka ba?"

"Ewan. Basta, nag-aaral lang talaga ako."

"Ikaw na, queen. Hali ka na nga! Gutom na gutom na ako."

"Sol!" Narinig niya ang malakas na pagdaing ni Vina dahil sa pagka-irita dahil may tumawag na naman sa kanya. At shet, agad siyang lumingon dahil boses 'yon na ka-groupmate niya sa accounting research.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now