Chapter 15 - Paper Bags

1.3K 56 10
                                    

Unedited. May contain typos and grammatical errors. 

__

NAGING magaan at mahimbing ang tulog ni Diwata nang mag-umaga. Pagkabangon niya ay siya na lamang ang nakahiga sa kama. Baka nagmo-morning exercise si Sir Levi.

Agad siyang bumaba nang makita na alas otso na ng umaga. Hindi na niya inisip kung saan ngayon nag-exercise si Sir Levi at nagmamadaling kinuha ang kanyang tuwalya sa wardrobe.

She was late. Nagayuma yata siya sa lambot at bango ng kama ni Sir Levi at hinayaan ang magandang panaginip na lumukob sa kanya. Napasarap ang tulog sa kadahilang ilang dangkal lang ang layo nila sa isa't-isa kagabi. It had been her first time sleeping na may katabing lalaki.

Hinanda niya ang kanyang mga susuutin. Jeans at uniform collared polo shirt lang naman 'yon.

Pagkatapos ay binuksan niya 'yong banyo ngunit napaigtad siya, gulat na gulat sa nakita. It was Sir Levi, brushing his teeth in front of the mirror and sink of the bathroom. He looked so huge, lean, and tall while his upper body was totally naked. Tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang parte ng katawan nito. His hair was disheveled because he just got his shower. Halatang ginulo 'yon ng tuwalya para patuyuin. The wetness from the bath made him look so totally sexy as hell. He looked so perfect.

Agad siyang tumalikod nang tumingin ito sa kanya. "Good morning, Sir," magiliw niyang bati. Pinikit nang mariin ang mga mata, pilit na binaliwala ang nakikitang magandang katawan ng binata.

"Good morning, Diwata. You are totally late." Narinig niya ang pag-andar ng gripo.

"Kaya nga, sir. Hindi ako ginising ng katawan ko. Naninibago yata ako." She was breathing hard. Kasalanan ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Kinakabahan, hindi mapakali.

"I did wake you up, but you were sleeping peacefully. Hindi na kita inisturbo. And maybe because, you slept at two o'clock in the morning? How could you do that?"

"Nakasanayan na, sir. May final exams po kami next week before the Christmas break so need ko talagang kumayod. I have eight subjects po."

"Are you okay with that routine? Nakapagpahinga ka ba sa ganyan?" naamoy niya na ngayon ang mabangong shampoo at sabon ng lalaki. Dumaan na ito sa kanyang gilid papunta sa wardrobe nito.

"Oo naman po. Minsan nakakasawa na pero kailangan eh. Dalawang taon na lang po ang kailangan ko. After the final exams, may qualifying exams din po kami. Walang katapusang exams."

Sumulyap siya sa lalaki na na namimili na ngayon ng susuutin.

"Well, you are so passionate with your academics and degree so I'll say my good luck. Take your bath. I bought new toothbrush for you. Feminine wash, shampoo, soaps and many others. Nagpatulong ako kay Fauna sa mga ginagamit ng babae sa pagligo. I don't know if you use them, but make use of them. And I'll wait for you. Sabay na tayong kumain ng breakfast."

Hindi na siya sumagot at mabilis na pumasok sa banyo. Doon niya ibinuga ang pinipigilang hininga. She felt so hot and dizzy.

"Mabait lang si sir Levi, Diwata. Mabait siya. Mabait siya. Hindi ka dapat nagpapaapekto sa lalaking ipinanganak na hindi ka papatulan." She sighed once again.

Ang iisipin niya dapat ngayon ay kung paano haharapin si Madam Katarina. Galit na galit ang ginang kagabi na ipinatawag mismo si Sir Levi kagabi para kausapin.

The bathroom was also large. It had one bathtub, toilet bowl, sink, and a large mirror, and a shower area. Sobrang linis at organized ng buong paligid.

Sanay siyang naliligo na tabo at balde ang gamit. Pero bahala na nga, ang mahalaga ay makakaligo siya. Mabuti at naalala niyang late na late na siya kaya binilisan niya ang pagligo kahit hindi sanay sa mga gamit.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now