Chapter 11 - Agreement Signed

1.2K 54 5
                                    

Thank you for reading up to this chapter!

Unedited. May contain typographical and grammatical errors. 

__

DIWATA could still feel the hangover of the kiss last night. She had never been kissed like that before. She didn't feel disgusted or violated. Isa sa mga bagay kung bakit hiniwalayan siya ni James noon ay hindi raw siya marunong makisama sa lalaki. Hindi marunong humalik at gusto nitong makuha siya. She had felt harassed because he was forcing her to.

Kaya kagabi, iba sa pakiramdam. Lasing na lasing pa rin siya na imbis magkaroon ng maayos na tulog ay buong gabing dilat ang kanyang mga mata. She could still felt his soft lips, savoring her lips. Napakatamis ng mga labi ni Sir Levi. Alam niyang practice lang 'yon para maging magaan ang mga susunod na eksena pero hindi kinaya ng katawan niya.

Sa tuwing naalala niya 'yon, sumisikip ang dibdib niya dahil sa mabilis na pintig ng puso. Sumikip ang dibdib dahil sa kakaibang saya o emosyon.

Hindi ba dapat maging professional siya gaya ng mga artista, na kung hahalikan ay dapat parang wala lang. Dapat sanayin na niya ang kanyang sarili. Magiging dehado siya sa huli kasi para kay Sir Levi parang wala lang, pero sa kanya bini-big deal niya.

Pustahan nga eh, himbing na himbing ang tulog nito kagabi kaysa sa kanya.

"Diwata!" napaigtad siya ng narinig niya ang sigaw ni Sir Fabiz. Nasa magandang rooftop lounge sila ng Costa Alegre ngayon dahil sa signing of contract. Nandito nga 'yong kaibigan nilang abogado na si Atty. Saravia. "Are you okay?"

"Nakulangan lang po ako sa kape ngayong umaga, Sir. Buong magdamag akong puyat dahil sa pag-a-advance study." Hawak niya ang kontrata, nakataas sa harap niya habang binabasa pero ang totoo nakatulala na pala siya.

Sinilip niya si Sir Levi na kalmado lang na nakaupo sa kanyang tabi, binabasa ang dokumento na drinaft ni Atty. Saravia. Si attorney naman ay nasa kaliwa niya. Kanina pa nito ini-explain ang kontrata habang siya ay nakikinig pero hindi nag-si-sink sa kanya ang mga ibig sabihin.

Ngayon naman ay nasa benefits na ito nagbabasa.

Section 2: The employee will receive the following benefits given by the employer during the duration of the marriage:

1. She shall live under the employer's roof preferably one suite in Costa Alegre or one room in Verdejo's mansion.

2. She shall enjoy free meals in Clarkson's Diner.

3. Whenever she needs anything such as basic necessities, school related items, health related items, or incidents that will fall under emergencies, the employer will provide them right away except for physical needs.

Tumaas ang kilay niya sa nabasa. Wala siyang physical needs. Sisiguraduhin niyang wala. Narinig niya ang mahinang tawa ni Sir Fabiz.

"What if 'yong employer ang may physical needs?" nasapol ng throw pillow ang mukha ni Sir Fabiz na ibinato ni Sir Levi. Isang malakas na tawa ang kumawala kay Sir Fabiz. 

"He could get it from someone else with the consent of course of his wife," walang pakialam na sabi ni attorney.

"I will not cheat! Ang--ang sagwa pakinggan ng sinabi mo, Saravia. And Diwata here can gaurantee that I don't have physical needs."

Wala siyang sinabi kasi mas namumula lamang siya at naalala ang halik kagabi. Mas mainam na hindi siya magsasalita.

4. In case the employer couldn't fulfill the previous statement, the employee could ask for penalties through monthly bonuses.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt