Chapter 17 - Bedroom Date

1.4K 69 11
                                    

Unedited. May contain typographical and grammatical errors. 

Thank you talaga sa mga loyal readers! Loveyouu!

__

"KAYA na naman namin 'yan, Ma'am," dinig ni Diwata na sabi ni Ate Merna sa kanyang likod. Isa ito sa mga katulong dito.

Nasa kusina kasi siya ngayon, tumutulong sa pagluluto ng hapunan. Ayon sa kanyang Notes, isa sa mga duties ng isang asawa ay pinagluluto nito ang asawa nito. At dahil ilang araw ng mentally tired si Sir Levi ay pinagluluto nga niya ito ngayon ng nilagang baka. Ang specialty niya.

Abala kasi ang lalaki sa maraming trabaho sa opisina lalo pa at may proposal na na dapat ng ayusin at buksan ang nakatenggang ekta-ektaryang flower farm na pangarap ni Madam Katarina. Puspusan ang plano para doon lalo na ang pros and cons kapag binuksan 'yon at kung maganda ba ang return of investment.

Maagang umuwi si Diwata sa hapong iyon. Hindi na siya pinag-report ni Sir Levi sa Finance dahil baka pag-iinitan daw siya ni Sir Arthur. Kaya nagka-oras siya ngayon na ipagluto ito ng pagkain.

"Pagbigyan mo na Merna. Ganyan talaga kapag bagong kasal. Pagbigyan mo na," mahinahong sabat ni Manang Risa. Tumutunog ang mga pinggan dahil hinahanda na nila 'yon.

"Mas mabuti nga siguro na si Ma'am ang nagluluto para kay Sir, Merna. Kada uwi ni Sir dito ay tayo lang nagluluto ng pagkain para sa kanya. Kahit naman minsan ay may mahal niya sa buhay ang ipinagluluto siya. Sawang-sawa na si Sir sa luto mo, Merna," tukso pa ni Miguel na nandito sa kusina dahil siya 'yong tumadtad ng beef meat kanina.

"Tumahimik ka, Miguel! Kala mo naman hindi nauubos ang mga pagkaing niluluto ko rito dahil sa'yo."

"Pero Ma'am, masaya kaming ikaw napangasawa ni Sir Levi."

"Bakit naman?" nilagyan na niya ng timpla ang niluluto.

"Mabait ka," may isang nagsabi.

"Hindi mata-pobre. Hindi gaya ni Ma'am Alyana na inaalipin araw-araw. Pareho sila ng ugali ni Madam Katarina eh."

"Tumahimik nga kayo," sabi ni Manang Risa. "Karapatan nilang gumanyan sa'tin kasi pinapa-sweldo nila tayo."

"Masama naman talaga ugali, Nang Risa. Mabuti nga 'yang si Sir Levi ay nagmana sa ama."

Pinapakinggan lang ni Diwata ang pagtatalo ng mga ito. Hindi na siya sumabat kasi wala siyang masasabi sa mga papuri nito, at sa mga komento nito patungkol kay Madam Katarina. Alam ng mga ito ang tungkol sa pag-aasawa ni Sir Levi pero tikom ang bibig. Alam niya dahil hindi pa naman umaabot ang tsismis sa buong hacienda kaya umaasa siyang tahimik ang mga ito.

Patuloy lang ang pagkulo ng kanyang niluto. Hinihintay na lamang niyang lumambot.

"Nang, pakibantayan naman po. Magbibihis lang po ako."

"Sige, ma'am! Walang problema!" sunod-sunod na salita ng mga ito. Tumawa siya saka nagpasalamat.

Tinakbo niya ang mahabang hagdanan. Naka-jeans at uniform pa siya kasi. Nakasalubong niya si Ma'am Alyana na bagong ligo at bihis na bihis sa signature dress nitong floral. Gaya ng mga naunang interaction nila ng babae ay nakasimangot lang naman ito. Alyana always feel that she owned the whole house. Siguro, mula pagkabata nito ay kilala na ng mga Verdejo ang babae.

Nginitian niya pa rin ito. Dumaan lang si Alyana kaya dumiretso siya sa kwarto. Naghubad siya para makapag-half bath. Binilisan niya lamang 'yon saka nagbihis ng denim shorts at malaking hoodie. Itinali ang kanyang makapal na buhok.

Isinabit niya sa kanyang balikat ang kanyang sling bag. Pupunta siya sa convenience store para bumili ng mga junk foods na kinakain niya kapag super stress na talaga. Kung tutuusin kapag stress ang mga mayayaman, umiinom ito sa bar o umiinom ng wine and etc pero sa kanya ay chocolates, fries, potato chips, at burger ay solve na solve na siya. Kinakain niya 'yon habang nagmo-movie marathon.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now