Chapter 4- The Plan

1.3K 63 15
                                    

Thank you for still reading this! Hi to those readers! Loveyou po!

Unedited. Typos and grammatical errors.

__

"ALYANA has a plan to really marry you, Levi," iyon ang unang balita ni Fabiz nang magtanghali. Galing ito sa pagpapasyal kay Alyana sa lighthouse. Umupo naman si Levi sa kanyang swivel chair dito sa kanyang malawak na opisina. Galing rin siya sa board meeting ng mga directors ng Costa Alegre. Hindi agad nag-sink in ang sinabi ni Fabiz dahil nasa makakapal na papeles sa desk niya ang kanyang atensyon.

"Ano 'yon?" Binasa ang mga title ng mga folders. Marketing plans.

"Alyana is planning to marry you! It's alarming! Lalo pa at kasabwat niya ang Mama mo." Naupo na si Fabiz at medyo gulat niya itong tiningnan. He could sense that that horrible thing might happen, but Fabiz was telling him that it would happen as soon as possible.

"For real?"

"She asked me kung ano ang gusto mo sa babae kaya sinabi ko 'yong maganda at matalino. Nice boobs, nice body, tall, intelligent..."

"Gusto ko 'yon?" itong si Fabiz ay ginugulat siya sa mga pinagsasabi. "Nice or not nice, it's still part of the woman. Always counted 'yon, Fabiz. Specifically nice body is a bonus pero hindi required. Matalino ay required talaga. Pero bakit 'yon ang topic niyo?"

"Nagtanong siya kasi dapat daw ang magustuhan mo ay ang kagaya niya. She's willing to make adjustments just for you. Crazy woman. Her father is willing to invest millions for Alegre. I don't know exactly but maybe, your mother is also pushing you to her because that investments will be used to build the flower farm. The condition of the father is dapat mong mapakasalan si Alyana kasi gustong-gusto ka ng babae, bro. Iyong flower farm ay dalawang taon ng pinagplanuhan ng Mama mong ipatayo."

"I didn't know that. Paano mo nalaman ang mga 'yon?"

"Nandito ako sa Alegre ilang taon na. Kung ano man ang plano ng management ay mabubulong talaga lalo pa at isa ako sa investors mo. And Ashemir..."

Yeah, Ashemir. He knew everything.

"That's why your mother is making connections with the Mayor."

"And why? Hindi ko talaga alam ang pinanggagawa ni Mama."

"I can't remember when but there's a specific day na may nagprotesta yata sa harapan ng gate ng Alegre. Sana daw ay huwag ibenta ni Tita Kat ang Sitio Panatag. Isa 'yon sa mga lupain ninyo, right? Ngayon ay ibenta niya kay Mayor."

"Ibinenta para makipag-connect kay Mayor para smooth ang takbo ng transakyon ng kasal. I really don't know my mother anymore. Simula nang mawala si Papa ay hindi ko na siya kilala. Parati niya akong pinapakialaman. And now she's into fixing my marriage with Alyana. Nahihibang na siya."

This really need to stop. He just wanted a life full of peace without mentiong love and marriage.

"Parati kang wala rito Levi. Si Tita Kat ay walang alam sa negosyo. Pressured din siguro itaguyod ang napakalaking hacienda. Hindi mainam na may board of directors at business advisors. Isa siguro sa mga rason ay ipapakasal ka niya para manatili ka rito. Sabi mo nga, hindi mo na kilala kung sino ang Mama mo simula nang mawala ang Papa mo. Baka may mga maling nagawa sa negosyo at partly may kasalanan ka rin kasi palagi kang wala. Ang Hacienda Alegre ay isang daang taon ng nakatayo. Sino ang hindi mapre-pressure para lamang hindi bumagsak?"

Bumuntong-hininga siya at pumikit.

"Review the financial statements at baka makita mo 'yong mga sagot kung bakit need ng Mama mo ng investors. I'm not into business, but obvious na hindi na pareho noon ang mga guests ng Costa Alegre. Kung wala 'yong mango plantation ay baka hindi na tatayo ang hacienda. Iyong flower farm ay isang magandang plano para magdagdagan ang amenities."

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now