Chapter 32 - Confession

1.6K 77 21
                                    

Maraming salamat sa mga nagbabasa pa rin! 

Unedited. May contain typos and grammatical errors. 

_

PABALIK-BALIK ang paglalakad ni Diwata rito sa kwarto pagkatapos niyang makapag-bihis ng isang brown puff sleeve above the knee dress. Naayos na rin ni Ate Nika ang kanyang buhok. Parang ayos lang naman si Levi kanina. His voice reassured her that this dinner would go smoothly. Pero hindi pa rin niya mapigilan ang pagiging kabado.

Maayos kaya niyang masabi ang gusto niyang sabihin nang hindi nagagaya kanina? Kapag kinakabahan siya, nagiging walang preno ang kanyang bibig.

One last glance in the mirror, lumabas na rin siya ng kwarto. Naabutan niya sa malaking bulwagan si Madam Katarina na may kausap na isang yaya habang may naglalaro na batang lalaki sa malawak na tanggapan.

Agad siyang namataan ng matanda. Ni minsan ay hindi siya nito nginitian pero ngayon ay may nakaukit na ngiti sa mga labi nito. Na tila ba ay sinasabi sa kanyang magwawagi na ito...sa wakas.

"Good evening po," bati pa rin niya kahit hindi nito deserve.

She just shrugged her shoulders then called the little boy. "Mikael!"

Dumako naman ang tingin niya sa batang lalaki. Her fears doubled. Hindi na niya maintindihan kung anong klase kaba na ang nararamdaman niya.

Lumapit ang bata kay Madam Katarina.

"Where are you going?" tanong nito habang hawak na ang bata. She felt dizzy when the little boy stared at her.

"Mag-uusap po kami ni Levi."

"Mabuti naman. Like what I have said before, you will not end up together. You're just panakip-butas. He is still in love with Noelle. Kung hihiwalayan ka man ng anak ko, please just accept, dear. Okay? Para sa ikabubuti ng anak ko at ng apo ko."

Mas lalo niyang tinitigan ang bata. Kamukhang-kamukha iyon ni Noelle. Anak ito ni Noelle? "Oh my bad. I would like you to meet Mikael. Noelle and Levi's son."

Marahang kumaway ang bata sa kanya pero hindi siya nakagalaw. Namumuo ang pawis sa kanyang noo. Nanginginig ang kanyang tuhod. Lumukob ang kakaibang lamig sa kanyang tiyan.

Kaya ba tinanggap ni Madam Katarina si Noelle kahit ayaw rin nito sa babae kasi may anak na ang mga ito? Dapat bang isipin niya ito? Kasi hindi niya alam kung ano ang dapat niyang reaction?

Asawa siya pero maghihiwalay din naman sila kasi ayon sa kontrata kapag nakahanap na sila ng papakasalan, iyong totoong papakasalan, pwede na silang magpa-annul. At sa presensiya ng batang ito, alam na niya kung ano ang pipiliin ni Levi.

At sa itsura ni Madam Katarina, mukhang hindi nito gagambalain si Levi sa mga desisyon nito sa buhay. Sumusuko na ito dahil lamang sa presensiya ng bata. Ito ang goal ng kontrata, di ba? Ang manahimik si Madam Katarina sa pangingialam kay Levi.

Hay. Bakit ba siya nakikialam sa ganitong komplikadong sitwasyon? Alam naman din niyang walang patutunguhan ang pagmamahal niya. Bakit ba siya nanatili at umaasa?!

Lumabas na siya, walang pakialam kay Madam Katarina.

Apo lang pala ang magpapatahimik sa matanda.

May nag-aabang na kotse sa kanya para ihatid siya sa Costa Alegre. Sa buong biyahe, ang tangi lang niyang naisip ay ang ihinto ang kabaliwan niya at ikumpisal na lamang ang kanyang pag-ibig.

Hindi na siya aasa pa. Pagkatapos nito, tatanggapin na niya ang scholarship offer ni Prof. Lyle.

Pagkadating niya sa Costa Alegre ay nandoon si Sir Javier. Ito ang nagsabi sa kanya na nasa south side beach gaganapin ang dinner nila.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now