Chapter 5- Marriage Deal

1.4K 64 10
                                    

Thank you! Please share and comment! 

Unedited. Typos and grammatical errors. 

__

     ALAM ni Diwata na nasa trabaho siya at wala sa bahay habang nakahiga sa kama, hindi natutulog. Iyong sinabi ni Sir Levi na magiging asawa siya nito ay hindi panaginip, pero sana panigip lang. Dahil hindi na nga siya makahinga nang maayos kahit nagbibiro lang ito, paano na kaya kung totohanin nito.

She gasped for air when she immediately find a moment to breathe. Nakadilat na ang kanyang mata saka agad na umupo nang ma-realize na hindi talaga 'yon panaginip at nasa opisina siya ni Sir Levi. May nag-abot sa kanya ng tubig, nilingon niya ito pero hindi agad rumihestro sa utak niya kung sino.

Kinuha niya ang isang baso ng tubig saka ininom. Pakiramdam niya nilubayan siya ng tamang pag-iisip. Totoo ba 'yon?

Inutusan siya ni Sir Arthur, iyong head ng Finance Department na e-deliver ang financial reports. Not knowing she would end up lying like this.

She could smell the sharp smell of white flower. Nakatulala pa siya sa lalaking nasa harap niya na hindi niya agad napansin. Sabog na sabog ang utak niya. Hindi siya makapag-isip ng tama. Natamaan ng kabaliwan. Si Sir Levi ang rumihestro sa paningin niya na nakaupo sa visitor's chair, inusog lang ng kunti para makaharap siya.

"Are you okay now?" halos hindi niya marinig 'yon. Narinig man niya pero hindi niya alam kung okay ba siya. Ininom niya ang natitirang tubig sa baso. Huminga nang malalim habang nakapikit. Pinapakalma ang nagwawala pa rin niyang damdamin. "She's not okay, Fabiz."

"She is. Humihinga nang maayos, di ba?"

"Tsk!"

"You can hear us now, Diwata?" boses 'yon ni Sir Fabiz. Tumango siya nang marahan.

"Nagbibiro lang po ba kayo, Sir Levi? Kanina?" mahina niyang tanong rito nang unti-unti nang nakakalma. Nakatitig ang lalaki sa kanya medyo may iniisip na kung ano.

"Sorry to say, but I wasn't joking," mahina nitong sagot, being careful not to scare her siguro. "I really need someone's help, Ms. Alcantara. My mother is planning to marry me off with Alyana, and I don't want it. I despise the idea. Kahit nandito ako sa opisina, naamoy ko ang mga plano nila na itali ako kay Alyana. You might think that Alyana seems so innocent to look at, but don't be deceived..."

"Ano po ang maitutulong ko?" nagkamot siya ng pisngi na hindi pa rin nakuha ang punto ng lalaki. Binaliwala ang mga nauna nitong sinabi na maging asawa siya nito. That would never happen. Even in her wildest dreams.

"Before they could plot something against my will, I will tied myself first sa babaeng gusto..." medyo huminto ito para hanapin siguro ang tamang salita. "...to the woman who is openminded enough to help sign the papers to get me married. Iyong hindi ako magugustuhan. Hindi ko magugustuhan. Na kapag gusto kong kumawala ay malaya akong gawin. A marriage like a business deal, Ms. Alcantara. Do you get the point?"

"Opo. Para hindi ka matali sa babaeng gusto ng Mama mo ay magpapakasal ka sa babaeng magiging free ka, like you said. In other words, she will act as your wife in front of your mother."

"Right. I like the fact that you're smart."

"Sa babaeng openminded na alam ang salitang business. Kung magpapakasal kayo, parang wala lang."

"Yes. Just her sign to get me freaking married. Need not to act as my wife twenty-four seven, just to prove to my mother na hindi na ako magagalaw para sa mga plano nila. Just tied me. In this kind of marriage, I will not have the responsibility to prioritize my duty of becoming a husband, 'cause the fact remains in the deal that this is business."

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now