Chapter 36 - Enchanted

1.8K 90 14
                                    

Maraming salamat sa pagsubaybay! Sa mga consistent readers ng seryeng ito, maraming-maraming salamat! Epilogue will be next! Gracias!

Unedited. May contain typos and grammatical errors. 

NAGING crowded ng mga tao ang infirmary clinic ng hacienda. Diwata was hugging her grandmother. Nagulat pa rin dahil sa pagbaril kay Vallejos. Grace was still crying while a nurse attended her words. Nailigtas din ito ni Maric.

Levi was really thankful to Maric because he had still the energy to help him. Kakatapos lang kasi nito sa mission na protektahan si Nicco na nawawala ilang buwan na ang nakakaraan. Nakabalik na rin ang kaibigan niyang iyon ng Amerika.

Fabiz was checking Mikael na nasa kandungan ni Noelle. Humihikbi pa rin ang anak niya dahil sa gulat. Si Ashemir at Paris ay seryosong tinitingnan ang mga sugat ng mga ito sa makinis na braso habang ginagamot iyon ng mga nurse.

Si Diego naman ay ginagamot din ng nurse pero pilyo ang ngiti sa labi, nilalandi na naman ang babae sa harap nito. Umiling siya dahil nahulog agad ang babae sa charms nitong si Diego na hindi niya alam kung ano. These group of friends were just handsome and good-looking, but Diego was just chick magnate.

Anyway, ang mahalaga ay nakakahinga na siya nang maluwag. Lahat ng nangyayari ay nakakagulat. Her mother wanted to talk to him pero hindi niya muna papaunlakan. Imagine his shock when he discovered that Vallejos had planned all of these. Sa paboritong lugar pa niya plinano ang crime scene.

"Sir, nandito na po si Atty. Saravia," pasok ni Javier at ibinulong iyon sa kanya. "At sabi po ni PO2 Magsaysay na gwardyado na po ang ospital kung saan nakaratay ngayon si Vallejos. Nandito na rin sa Guimaras ang pamilya niya, Sir."

"Gawan mo ako ng appointment with the governor. Ipapa-ban ko ang mga Vallejos at ang magiging Vallejos sa Guimaras habang buhay pagkatapos makulong ni Alfredo. He will pay for all of these."

Tumango si Javier. "May mga media po sa labas. Magpapaunlak ka po ba ng interview?"

Umiling siya. "Chase them away."

"Nakuha ko na rin po ang report ng mga utang ni Madam Katarina."

"Okay. Good. Thanks, Javier."

Lumapit siya kay Noelle pagkatapos para kunin mula rito si Mikael. Nakatingin si Javier sa kanila at tumikhim mula sa pagkakatitig. "May ipapagawa pa po ba kayo, Sir?"

"Can you prepare a breakfast for all of us? Sa Clarkson na lang."

Tumango ito saka lumabas na. Lumapit naman si Noelle sa kanila pagkatapos. "Maraming salamat sa pagligtas sa amin, Levi."

Tumango siya. "Pasensiya na rin sa nangyari. Napakahirap nito para kay Mikael. I'm so sorry, baby." Halik at yakap niya kay Mikael.

Noelle sighed sadly, her eyes started to water. "Pwede ba kitang makausap? Tayong dalawa lang?"

Tumingin siya kay Diwata na nakatingin pala sa kanila ni Noelle. Wala namang kakaiba sa mga mata nito, unti-unti nang naka-recover sa pagka-shock kanina. Diwata just smiled a little bit and nodded.

"Akin na si Mikael," she offered. Ibinigay niya naman kaagad kay Diwata si Mikael. Inayos ito sa pagkakandong sa kanya at nginingitian.

"Are you okay now, Di?"

"Kunti. Ikaw ba?"

"Kunti lang din," he chuckled a litte bit, and put a kiss on her head. "Babalikan kita agad."

She nodded then smiled at Noelle. Lumabas agad sila ni Noelle ng klinika. Agad na bumagsak ang mga luha ng babae. She was twisting her hands together like she was really nervous. Tinitigan niya lang ito dahil baka nagulat din sa nangyari kanina.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now