Chapter 27 - Enchantment

1.6K 80 33
                                    

Thank you for still reading, guys! 🥰 Unedited. May contain typos and grammatical errors. 
_

WARNING: Matured Contents||Not suitable for young readers.

THE other side of the bed was empty when Diwata woke up. As usual. Parati namang nauunang bumangon si Sir Levi kahit may mga oras na babad ito sa trabaho. Iyong routine nito sa umaga ay mag-exercise at e-check ang kwadra ng mga kabayo nito.

Naligo naman siya agad pagkatapos maghanda ng kanyang isusuot. Agad namang lumabas pagkaraan ng thirty minutes. Sakto ring pagsarado niya ng banyo ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

Kabado siyang si Sir Levi iyon ay hinablot niya ang isang hubad na t-shirt nito na suot kagabi na nasa closet bench cushion dahil 'yon ang mas malapit at 'yong undies niya dahil 'yon ang nasa ibabaw ng nakatupi niyang uniform.

Dali-dali siyang bumalik sa bathroom at medyo umingay pa ang pinto kasi naibagsak niya pagkasarado. Agad siyang nagbihis. Ipinulupot ang tuwalya sa kanyang buhok pagkatapos. Tiningnan ang sarili sa salamin. Ayos naman 'yong t-shirt kasi malaki at maliit lamang siyang babae. Humalo ang bango ni Sir Levi sa body wash niya.

Pagkalabas niya ay amoy ng bagong lutong omelette at sausages, chocolate, gatas, fried rice, at pancakes ang sumalubong sa kanya. Kita niya ang pagpasok ni Ate Nika na may dalang isa pang tray. Tinanggap 'yon ni Sir Levi at nilapag sa bed bench katabi ng isa pang tray.

Binati siya ni Ate Nika at binati niya naman ito pabalik saka ito lumabas.

She knew what was happening, but there was shock in her. Nang makalingon si Sir Levi sa kanya ay nabitin ang pagngiti nito. He wanted to say something but his eyes gazed from her feet to her head. Nanginit siya sa emosyon na nanalaytay sa mga mata nito.

"Good morning po," una niyang bati, naka-recover na siya shock at ngumiti. "Hiniram ko muna t-shirt mo."

"Good morning. And that's okay. It looks good on you." And he'd always compliment her and that boost her confidence.

Mas lumapit siya sa kama para tingnan kung tama ba ang naamoy niya kanina.

"I am making up for my mistake last night," presenta nito sa mga breakfast foods na organize na organize sa trays. "Kung hindi sa dinner, sa breakfast na lang." Then his chuckle made her shiver like a madwoman. Damn hot.

Hinagilap sa kung saang parte ng kontrata nakasaad na kung may pagkakamali sila sa isa't-isa ay dapat may ganitong sweet gesture. Yes, she find this very sweet and giddy...and everything that warms the heart.

"Okay lang naman po talaga, Sir Levi. May kasalanan din ako and I've learn my lesson," biro niya.

Na-a-amaze siya sa nangyayari.

"I'm not really a good cook. I can only prepare simple things like these. I prepared coffee, milk, and chocolate. You can choose from them, but I recommend the banana and strawberry smoothie."

She nodded gently. "Thank you so much."

"You're welcome," the gentleness of his voice made her more dizzy. Halos naririnig na niya sa labas ang malakas na tambol ng kanyang puso. Nakakasilaw ang ngiti nito. Hindi katulad kahapon na nakasimangot at mukhang wawasak ng mundo.

Umupo na siya sa edge ng kama. Grabbed a pillow para itakip sa harapan niya. Si Sir Levi naman ay nilikot 'yong remote control ng TV at inihinto 'yon sa isang morning news.

Kinuha naman nito pagkatapos ang chair sa desk nito at ipinuwesto sa harapan ng bed bench. Hinintay niya itong maupo saka niya kinuha ang isang pinggan ng fried rice. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. She just felt happy like this moment felt so right and meant for her. He was really born to be a women's dream of becoming their husband. Ang kaso lang sa kanya...they were married because of the benefits.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon