Chapter 22 - Jealous

1.4K 74 28
                                    

Thank you for still reading! Hello to my readers!

Unedited. May contain typos and grammatical errors. 


DIWATA's holiday break was awesome, fun, and worth it. She spent it for herself and for her friends. Pagkabalik niya sa duty sa plantation ay may hangover pa ang lahat sa Christmas break.

Nakapag-enrol na rin siya for the second semester. Hindi naging sapat ang ilang week na break para isipin ang offer ni Professor Lyle na scholarship. Mas naging matimbang sa kanya ang Hacienda Alegre dahil nakasanayan niya ang trabaho at ang tumulong sa kanya sa lahat.

Unang week ng January ay nakatanggap siya ng mensahe galing kay Sir Levi na tatawagan o e-te-text na lang daw siya nito kapag pababalikin na sa mansyon. Gusto man niyang bumalik sa mansyon at makita ang lalaki ay wala siyang magagawa kundi sumunod sa utos.

The month was normal and nothing new happened kahit bagong salubong ng taon. Gabi-gabi at araw-araw niyang hinintay ang text ni Sir Levi kung papabalikin na siya sa trabaho. Wala naman. Siguro dahil wala pang rumor na babalik si Madam Katarina at Alyana. Hindi lang niya alam kung ano ang sinabi ni Sir Levi sa mga katulong kung magtataka ang mga ito kung bakit hindi na siya bumabalik sa mansyon.

Ganoon talaga ang nature ng contract at deal nila. Mag-a-acting lamang kapag nasa paligid si Madam Katarina at Alyana. Minsan na niyang nakalimutan ang totoong purpose ng deal. Hanggang ngayon...'yong puso niya hindi natuturuan.

The same with February. Mabibilang lamang ang mga pagkakataon na nakikita at nakakasaluma niya si Sir Levi. Naging masaya lang sa plantation noong nag-heart's day dahil maraming nagkaka-aminan ng feelings. Nang tinanong siya nila Leon patungkol sa afam niyang boyfriend ay sinabi niyang naghiwalay sila. Nanghinayang ang mga kaibigan niya. Iyon ang pinakamadaling gawin at matigil na ang mga kaibigan niya. Sa buwan din iyon ay naging abala ang buong hacienda para sa paghahanda ng harvest season ng mangga at ang pag-re-renovate ng flower farm. Pinaghahandaan ang pagbubukas nito ulit.

Gusto sana niyang batiin si Sir Levi ng Valentines kaso hindi na ginawa. Nagdadalawang isip na siyang sundin ang mga bulong ng puso niya. Abala rin talaga si Sir Levi na hindi pwedeng isturbuhin.

March came and Sir Levi became more busier with his friends coming in Hacienda Alegre for vacation. Unang bumisita na pinagtuunan nito ng pansin ay ang kaibigan nitong Greco ang pangalan. Usap-usapan sa planta na nagkabuhay na raw ulit ang Bachelors Villa.

Naririnig din niya na malalaking pangalan sa iba't-ibang larangan ang mga kaibigan ni Sir Levi. Puro mga may itsura at pinagtitilian ng mga babae. Si Doc Fabiz lang naman ang kilala niya talagang kaibigan ni Sir Levi.

Overall, sobrang buhay na buhay na rin ang buong hacienda kumpara sa pamamahala noon ni Madam Katarina. Mas ginanahan ang mga tao na magtrabaho kasi mabait na 'yong amo.

Summer season came kaya marami ang mga guests na nag-a-avail ng touring services. Dalawang oras siyang pagod kaya nagpapahinga siya sa bench sa labas ng Clarkson. Pinapaypayan ang sarili gamit ang panyo niya.

Sa malayong pool ay kita niya si Sir Javier na may kausap na isang guest ng Costa Alegre. Ini-entertain yata nito. Kumusta na kaya si Sir Levi? Pwede kaya siyang magtanong kay Sir Javier? Lihim naman niyang pinagalitan ang sarili. Buwan-buwan na lamang siyang ganito. Buwan-buwan rin siyang naghihintay na papabalikin sa mansyon.

"Diwata!" someone exited Clarkson. Si Ashemir 'yon na may malapad na ngisi na tinawag siya. Tumayo siya agad bilang paggalang.

"Hi Ashemir," pala kaibigan niyang kaway. "Kumusta?"

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now